Aeri's POV.
Paano? Paano ko nagawa ito? Hindi ko alam kung magtatalon ba ako sa tuwa o mahihimatay dahil may isang dragon na kulay puti sa harapan ko. Nanaginip ba ako? Panaginip ko rin bang nailabas ko ang dragon na ito mula sa isip ko?
Kitang-kita ko ang takot sa mg mata ng mga kaklase ko. Ganoon rin ang gulat. Maski ang professor namin ay nanigas sa kanyang kinatatayuan. Sino ba naman hindi maninigas, eh halos masira na nang dragon ang classroom namin. Mabuti na lamang at matibay ay kisame kaya't hini ito tuluyang nasira.
Halos mapaatras ang buong klase sa bawat galaw na ginagawa ng dragon.
"H–How?"
"How did you s-summon the D-Dragon of A-Aerys Kingdom," nauutal na sambit ni Prof Theresa habang nakatingin sa dragong nasa harapan nya.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinambit ni Prof Theresa. Ang Dragon ng Aerys Kingdom? Ito ba ang nabasa ko sa libro? Ito nga 'yon! Ibig sabihin nagawa ko ang nasa isip ko!
Malayong malayo sa iniexpect kong dragon ang nasa harapan namin. Masyado itong maamo na animo'y malabong saktan ka. Humarap ito sa akin na animo'y isang maamong tuta.
Mukha na sana syang unicorn pero wala itong sungay at wala din buhok na tulad ng unicorn tanging puting balat at balahibo lamang na nagmumukhang silver dahil sa sinag ng araw. Ang kanyang mga mata kulay silver din.
Akmang hahawakan ko na ang dragon sa kanyang ulo ng pigilan ako ni Dark. Paano sya napunta rito? Kanina lamang ay nasa upuan na sya tapos ngayon nasa likuran ko na.
"Huwag mong hawakan kung nais mong mabuhay ang lahat nang nasa silid." seryosong sambit nya. Napatigil ako sa gagawin ko dahil sa sinabi ni Dark. Hindi naman sya mukhang mananakit.
Nagulat na lamang ako ng magsitilian ang mga kaklase ko. Nagsimula silang magsigawan at magwala sa classroom kahit pa ay walang ginagawang masama ang dragon. Naawa ako. Naawa ako sa dragon. Gusto ko syang ampunin at doon kami sa kwarto tumira.
"Stop it, Almira!" sigaw ni Professor, gulat na gulat kong tinignan si Almira na nakataas ang kanyang wand at akmang susugurin ang dragon.
Nagulat ata ang dragon sa gagawin ni Almira kaya nagsimula itong maglabas ng kulay puti na apoy sa kanyang bibig. Halos lahat kami ay napasigaw dahil sa nangyari. Nagtatangis ang bagang nito kay Almira.
"Aeri! Ibalik mo na ang dragon sa dati!" sigaw ni Prof Theresa sa 'kin. Natauhan ako sa sinabi nya. Teka! Paano ko naman ibabalik 'yon!? Alam kong sinwerte lang ako na naging dragon ang bulaklak. Awit! Anong gagawin ko?
"Isipin mo lang uli ang Ofle Flower na dala mo kanina," bulong sa 'kin ni Dark napalingon ako sa kanya. Seryoso lamang itong nakatingin sa 'kin animo'y nagtitiwala sa mga gagawin ko.
Diyos ko, help me please.
Nagdadalawang isip pa ako kung gagawin ko ba ito. Baka kasi mamaya imbis na bumalik sa dati eh mas lalo pang lumala kaso sigaw ng sigaw na ang mga kaklase ko. Galit na galit na sila.
Wala na tuloy akong nagawa kundi sundi si Dark. Pumikit akong muli saka hinigpitan ang hawak sa wand. Inisip ko muli ang itsura ng Ofle flower saka nagcast ng isang spell.
Unti-unti ng naglaho ang dragon ngunit napansin ko ang malungkot at nagmamakaawa nitong mga mata animo'y nanghihingi ng tulong sa 'kin.
Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam din ko ng lungkot. Pakiramdam ko magkakonekta ang aming mga puso ganoon rin ang isip.
Pagkatapos ng accidenteng iyon halos lahat sila ay manghang-mangha sa akin. Ang iba ay natakot samantalang ang iba naman ay nangamba na baka nagpopossess ako ng isang dark magic dahil nasummon ko ang dragon ng 5th kingdom.
BINABASA MO ANG
Wizardry Enchanted Academy : The Lost Heiress
FantasyAeri Deanys Williams is an orphan child. She was bullied in highschool therefore to escape the world of human that give her hard life. She wish to disappered but a sudden tornado came. In unexpected day, she entered the school of wizard and witches...