Aeri
Lunch time na noon napagdesisyonan namin nila Eunice na sa cafeteria kumain.Naghanap kaagad kami ng mauupuan na medyo hindi masikip. Nang tuluyan na kaming makaupo, may nagliliparang mga nymp naman ang bumungad sa amin. Akala ko dadaan lang sila pero hindi. Nagulat na lamang ako ng magbagsak sila ng pagkain sa lamesa gamit ang kanilang mga buntot. Saan nanggaling ang pagkain na ‘yon?
“Salamat Yimpi!” masiglang sambit ni Krimmy. Hindi talaga sya nawawalan ng enerhiya sa katawan. Nacucurious tuloy ako kung ano ang natural ability nya?
Napansin nila ang pagtataka sa mga mata ko dahil sa nakita ko sa Nymp, “They used their dust to transfer the food” sagot ni Krissy sa kuryusidad ko napatango naman ako roon. Kaya naman pala. Hindi pa rin talaga ako nasasanay sa mga nangyayari rito sa paaralan.
"Girl! ‘di kami makapaniwala na ikaw ang last member!" masiglang ani sa ‘kin ni Krimmy. Maski rin naman ako.
Nakapagtataka talaga lalo na’t isa lamang akong hamak na ordinaryong tao na biglang napadpad sa paaralan ng wizard. Akala ko sa mga libro ko lang ito masusubaybayan ngunit ako mismo ngayon ang nakakaranas.
Hindi ko maiitatanggi na sobrang laki ng pinagkaiba ng lugar na ito sa mundong kinagisnan. Animo’y pinaparanas nito sa akin na rito ako nabibilang. Pero shempre, hindi naman talaga maiiwasan ang mapangkilatis na mga mata ng iba.
Napakaswerte ko sa paaralang ito. Tinalo ko pa ang buhay prinsesa dahil sa magarbong paaralang pinapasukan ko. Ultimo masasarap na pagkain na talaga namang nakaserve na sa hapag kainan. Hindi tulad sa bahay ampunan na kailangan may tamang portion lamang sa pagkain. Sa lugar na ito ko lamang naramdaman ang maging malaya kahit pa nakakulong kami sa loob ng paaralang ito.
“Bakit ikaw?” nakataas kilay na tanong ni Hannah. Kanina pa sya tahimik sa kanyang upuan, animo’y may malalim na iniisip. Siguro’y nagtataka rin sya kung bakit sa dinami-raming magagaling na wizard sa klase namin ay ako ang napili ng mga professor. Hindi ba’t talaga naman nakapagtataka?
Maliban na lang kung nais na talaga nila kaming matalo sa una pa lamang.
“Akala ko nga isa sa ‘min ni kambal—Ouch!—Krissy! ba’t mo naman binato ang kutsara sa ulo ko pa mabuti na lang nasalo ko!” bulyaw ni Krimmy sa kakambal nya. Muntik na kasi syang matamaan nito ng lumilipad na kutsara mabuti na lang at alerto ito kaya nagamitan nya agad ng isang mahika. Sinamaan sya ng tingin ni Krissy dahilan para tumahimik sya.
“Tabil ng bibig mo.” mahinang bulong ni Krissy.
“Why can’t we just be happy to Aeri!?” sabat ni Eunice sa ‘min. Lumapit sya sa ‘kin saka ipinulupot ang kamay sa braso ko. Kasalukuyan kasi kaming naghahanap ng mauupuan sa canteen. Nang makahanap na kami, sumiksik sa tabi ko si Eunice.
“Hindi ba kayo masaya na nakasama kami sa representatives ng klase?” nakataas kilay na tanong ni Eunice. Nakita kong napailing na lang si Hannah saka inilahad ang kanyang palad sa harapan ko. Taka-taka ko itong tinitigan. “Anong gagawin ko r’yan?” takang tanong ko. Inirapan nya lang ako pero agad rin naman nyang kinuha ang kamay ko upang kamayan ako.
“Congrats! Goodluck!” napipilitan nitong bati. Ganoon rin ang ginawa ng kambal na ikinagulat ko. Binigyan lang ako ng tipid na ngiti ni Eunice saka tinapik ang balikat ko.
“Deserve mo ‘yan, Aeri.” sambit nito sa ‘kin.
“Maiba tayo, do you have any idea sa labang kahaharapin nyo?” Krissy asked.
“To be honest wala ‘eh” napabuntong hininga na lamang ako sa tanong ni Krissy. Ano bang alam ko sa laban na tinutukoy nila? Ang alam ko lang ay may makukuhang premyo sa paligsaan na iyon.
BINABASA MO ANG
Wizardry Enchanted Academy : The Lost Heiress
FantasiAeri Deanys Williams is an orphan child. She was bullied in highschool therefore to escape the world of human that give her hard life. She wish to disappered but a sudden tornado came. In unexpected day, she entered the school of wizard and witches...