Aeri' POV.
"Kuya, ano pong gagawin ko dito," tanong ko sa lalaking nasa unahan ko. Pakiramdam ko'y kanina pa kami naglalakad sa kawalan pero bakit sadyang malayo sa mga mata namin ang kastilyong iyon. Sumasakit na ang binti ko isama mo pa na may sugat ang aking paa. Ngunit hindi ko na lamang ininda 'yon. Ayokong maiwan sa lugar na iyon. Lalo na't hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito.
"Mag-aaral," tipid na sagot nito. Naguguluhan ako. Bakit ako mag-aaral dito. Nasa Maynila pa ang report card ko at lahat ng credentials ko. Paano ako makakapag-aral dito?
"Paano po?" napatigil s'ya sa paglalakad dahilan para mapatigil din ako. Anong problema?
Humarap s'ya sa 'kin ng may seryosong mukha. Nakakatakot. Pakiramdam ko'y biglang nakakatakot na ang misteryosong lalaki.
"Huwag ka na maraming tanong,"
"Hindi ba't ito ang hiniling mo?" makahulugan n'yang sambit, naguguluhan ako. Anong hiniling ko?
Nagulat na lamang ako ng itapat n'ya sa noo ko ang kanyang tungkod. Sa di inaasahan, bumalik muli sa akin ang lahat ng nangyari kanina.
"I hope I'll disappear in this unfair world"
Tahimik na akong sumunod sa kanya. Hindi nangahas pang magtanong. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nawala ako sa mundong puro pang-aapi lang o malulungkot ako dahil napadpad ako sa mundong misteryoso.
Hindi kaya na-engkanto ako? Pakiramdam ko nasa ibang lugar ako. Isama mo pa ang pilit na ibinabanggit kanina ng lalaki. Ang "Enchantes" ano naman kayang ibig sabihin 'nun?
"Narito na tayo," tumambad sa harapan namin ang naglalakihang kulay ginto na gate. Kamangha-mangha animo'y lahat ay gawa sa ginto. Kumikinang ito dahil sa sinag ng araw na tumatama sa bawat sulok.
"Ahlomma Wizchantei," pagkabanggit n'ya ng salitang iyon. Unti-unting bumukas ang malaking gate. Automatiko itong gumalaw na para bang may sariling buhay. Sandali akong namangha sa kagandahan ng lugar na ito pero agad ding nawala sa aking natuklasan.
"Halika sumunod ka," utos n'ya sakin na agad kong sinunod. Kinakabahan akong sumunod sakanya.
"Professor ang itawag mo sa akin," tumango na lamang ako. Sandali akong napatigil ng marinig ko ang pagsirado ng gate mula sa likuran namin.
Automatic gate? Magkano kaya ang nagastos nila para magkaroon lamang ng ganyang klaseng gate?
"Aeri bilisan mo," sigaw ng professor, agad ko s'yang nilingunan saka ako patakbong pumunta sa pwesto n'ya. Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng may isang alitap-tap akong nakita.
"Ang daming alitap-tap," hindi ko mapigilan ang aking sarili na abutin ito at paglaruan. Ang cucute nila, para silang nagsasayawan sa langit.
"Huwag mong hahawakan ang mga nymp!" napatigil ako sa sinabi ng professor. Tahimik kong ibinaba ang aking kamay ngunit huli na. Pinaulanan na ako ng mga buhangin na nagmumula sa kanilang pwetan. Ano iyon?
"Ahhhh!"
"Star dust," seryosong sambit ng professor na agad kong ikinalingon. Anong ibig n'yang sabihin sa stardust? ano 'yon?
BINABASA MO ANG
Wizardry Enchanted Academy : The Lost Heiress
FantasíaAeri Deanys Williams is an orphan child. She was bullied in highschool therefore to escape the world of human that give her hard life. She wish to disappered but a sudden tornado came. In unexpected day, she entered the school of wizard and witches...