Aeri's POV
Isang linggo na rin simula ng mangyari ang aksidenteng iyon sa klase ni Professor Theresa. May ilan na natakot, may ilan naman namangha sa ginawa ko. Naging usap-usapan ako sa buong year. At hindi lang 'yon, umabot rin sa labas ang kapangyarihan tinataglay ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nalaman ko na possibleng isa nga ako sa kanila o mangangamba dahil maaring isa ako sa mga itim na wizard. Ang buong pagkatao ko ay binabalot ng misteryo.
Ngunit ganyon pa man, hindi ako dapat magpatalo sa sinasabi ng iba. Ayokong maulit muli ang nangyari sa akin sa dati kong paaralan. Ayokong makita nila na isa akong mahina dahil alam kong aapak-apakan lamang nila ako.
"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko kay Eunice ng hilain ako nito palabas ng hallway.
"May announcement daw sa Humeos Field." sambit nya habang patuloy pa rin sa kanyang ginagawa. Masyado bang importante ang pupuntahan namin para kaladkarin nya ako?
Nadatnan namin ang nagkukumpulan na mga estudyante sa paligid ng field.
Halos lahat ng estudyante, ay pinapunta sa assembly area ng school. Isa itong malawak na field na pinaliligiran ng mga mayayabong na bermuda grass.
Ano kayang gagawin namin rito? Hindi naman kami rito magkaklase dahil hindi naman namin physical magic ngayon. Hindi kaya may magaganap na program katulad ng mga nagaganap sa dati kong paaralan?
"Did everyone enjoy the first month of the class?" nakangising bungad ni Prof Wanda sa 'min. Nanatiling tahimik ang lahat habang hinihintay ang anunsyo ng mga professor. Kataka-taka dahil halos lahat ng professor maliban kay Prof Gorgo ay nasa gitna ng field.
Sa sobrang curious ko hindi ko na mapigilang sikuhin si Eunice, "Anong mayroon Eunice?"
"Shhh.. makinig ka mukhang may magaganap na labanan." sagot nya habang seryosong nakikinig sa sabihin ng mga professor. Wala na nga akong nagawa kundi ang makinig.
"As what we've waiting for every 2nd month of the class, we are having our Wizchantes Festival wherein only five lucky student will have a chance to be part of a team."
I heared a loud murmured each corner of the field. They must be aware on it. I saw how everyone seems excited on it.
"Ohmygosh! Mukhang kailangan ko nang mag-aral ng mabuti," natatarantang sambit ni Eunice. Hindi ko maintindihan kung bakit sila naeexcite sa Wizchantes Festival.
Wizchantes Festivals? Sounds interesting pero ano nga ba 'yon? Hindi kaya isang magic tournament? Kung ganoon, kailangan kong mapabilang sa isang team upang makasali ako roon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko gusto kong sumali para sa isang dahilan...
at 'yon ang makilala pa ang aking sarili..
Simula nang ianunsyo ang magaganap sa susunod na buwan, napansin kong halos lahat ng estudyante ay nag-eensayo. Animo'y lahat ay gustong-gusto mapabilang sa mga piling mag-aaral na lalahok rito.
Araw-araw rin kaming tinuturuan ng mga bagong magic spells na kung tutuusin ay masyado ng advance para sa mga freshmen beginner. Bakit pakiramdam ko may masamang magaganap?
"Eunice! Run faster!" sigaw ni Prof Wanda, pina-ikot nya kasi kami ngayon sa buong field. Ito ba ang sinasabing Physical Education sa isang magic academy? Dyusmiyo maryusep ba't 'di na lang kami gumamit ng broom para lumipad o 'di kaya turuan nya kami ng magic spell na lumipad.
"FASTER EVERYONE!" sigaw muli ng professor. Hinihingal na nagpatuloy ako sa pagtakbo kahit na ano 'mang saglit maari nang bumigay ang tuhod ko.
Nang matapos na kami ikutin ang buong field ng 5 times napasalampak na lang kami sa bermuda grass upang magpahinga.
Note : five times lang pero ang laki ng field ay halos mula edsa patungong caloocan.
Pakiramdam ko'y namanhid na ang tuhod ko sa sobrang pagod. Hindi ko malaman kung tinubuan na ba ito ng ugat. Isama pa na pakiramdam ko ay uhaw na uhaw na ako. Mas malala pa pala ito sa inaasahan ko. Pakiramdam ko sumama sa alay lakad.
"STAND UP!" sigaw ni Prof Wanda na ikinaaki ng mata ko. Hindi pa ba tapos? Dyusko, wag naman sanang paikotin pa uli kami dahil baka mangisay na ako sa unang hakbang palang.
"I said stand up!" ulit ni Prof Wanda, wala na tuloy akong nagawa kundi ang sundin sya. Pinilit kong maitukod ng maayos ang akin mga paa mabuti na lang at nabalanse ko pa ito. Ayoko naman magreklamo dahil baka mapahiya lang ako.
May mangilan-ngilan sa 'min ang hindi na makatayo sa sobrang pagod. Ang iba naman ay tumayo nga ngunit bumagsak din kalaunan. Maski si Eunice ay napaupo na rin sa sobrang pagod. Ginawaran nya ako ng matipid na ngiti saka nya hinimas ang kanyang tuhod na mukhang namimilipit na.
Halos napalingon kaming lahat ng sumigaw si Victoria, "Fuck! I can't do this anymore!" maski sya ay napabagsak na din. Kagaya ni Eunice napahilot na lamang ito sa kanyang tuhod.
Ibinaling ko ang tingin ko sa aming lima na natitirang nakatayo. Animo'y pinagmamasdan lamang kami ni Prof. Wanda. Mukhang naghihintay ito kung sino ang susunod na luluhod at magmamakaawang itigil na ang kahibangang ito.
Kami na lang ni Dark, Ethan, Yuri at Dake ang natitirang nakatayo. Napansin ko ang pagpipigil ni Yuri upang hindi bumagsak ngunit gaya ng iba, unti-unti na rin itong tumiklop at marahang napabagsak. Napadaing sya sa sobrang sakit ng kanyang pagbagsak ganoon na rin ang pamamanhid ng kanyang binti.
Hindi ko na kaya, siguro mga ilang minuto na lang ang kakayanin ng aking tuhod. Dumagdag pa ang pangangalay ko sa pagpapatayo sa amin ni Prof Wanda. Kung kaya ko lang sanang pamanhidin ang aking mga paa.
"Second round is done," sambit ni Prof Wanda, para kaming nabunutan ng tinik. Sa wakas makakapagpahinga na rin ako. Akmang uupo na sana ako ng magsalita uli si Prof Wanda, "Don't you dare to sit down!"
Seryoso? tatayo lang kami rito? Hindi ko na kaya. Someone help me!
"So, for the third round," nanlaki ang mga mata ko. Anong third round? Hindi pa talaga tapos? ano ba 'to exam? quiz? performance? Minsan talaga napakahirap intindihin ng mga wizard.
"A battle against one another will happened," nakangisi nitong sambit. She started to sway her wand and cast a spell. In just one snap, four white ball was flying in front of us.
I have no idea kung para saan iyon. Hindi kaya ayan ang nawawalang dragon balls?
"These four white balls will turn into two colors. A red and blue, this two colors indicate who is your enemy. Once you have the same color it means you need to fight against each other." Prof Wanda, explained.
"Ready?" nakangisi nyang sambit, as we response. She started swaying her wand again. In just a minute, the four white balls turn into two colors. The ball infront of me suddenly change into color red same as the person, whom I didn't wish to be my enemy..
Of all people na makakalaban ko bakit sya pa?
It was Ethan against me,
🌸-
BINABASA MO ANG
Wizardry Enchanted Academy : The Lost Heiress
FantasiAeri Deanys Williams is an orphan child. She was bullied in highschool therefore to escape the world of human that give her hard life. She wish to disappered but a sudden tornado came. In unexpected day, she entered the school of wizard and witches...