Ethan POV.
“How about killing this child?”
Nanigas sa kinatatayuan si Aeri, ramdam ko ang panginginig ng kamay nya na kanyang ginagamit sa paghawak ng wand. Alam kong medyo panget ang strategy ko na mandamay ng iba pero kailangan ko manalo para ipagmalaki ng aking kaharian. Hindi dapat ako mapahiya. Isang malaking kahihiyan ito sa kaharian namin lalo na't isang ordinaryong wizard lamang ang kaharap ko.
“No!”
Kung kanina ay nasa likuran ko sya ngayon ay nasa harapan ko na sya, pilit tinatakpan at pinoprotektahan ang batang binlockmail ko sakanya.
“Wag na wag mo syang sasaktan” matalim na sigaw nya sa 'kin. Wala naman talaga akong balak gamitin ang isang tao. Balak kong pasunurin sya at pilitin sumuko gamit ang batang bihag ko.
Hindi ko alam pero sa nakikita ko sa mata ni Aeri parang kilala nya ang batang illusion. Parang ang laki ng papel nito sa buhay nya.
"Why not?" a smirk curved in my lips.
"Kung gusto mo manalo, ako nalang wag ka nang mandadamay ng ibang tao!"
Itinago nya sa likuran nya ang bata. Animo'y pinoprotektahan nya ito sa maaring gawin ko. Mabilis akong nagtago sa kawalan upang makahanap ng timing sa ginagawa nya.
Hindi nga ako nagkamali dahil pagkaalis ko saktong humarap sya sa bata at sinimulan itong kausapin.
Ito na ang tamang oras upang sugudin si Aeri. Itinaas ko ang aking wand at isinayaw ito sa hangin.. Nagcast ako ng isang electric spell na kung sino man ang matataman nito ay agad na mawawalan ng malay dahil sa voltage ng electricity na dumadaloy dito... na maaring magiging dahilan nang pagkawala ng kanyang enerhiya pero hindi naman ito masyado malala. Bukod sa babae ang kalaban ko isa lang din naman itong pagsasanay ng mga professor. Hindi ko rin naman talaga ugaling manakit..
Isa lamang itong mababang uri ng spell kaya hindi malayong magigising din sya pagkaraan ng ilang oras.
Akmang babanggitin ko na ang spell ng yakapin sya ng batang kinausap nya. Humarap sa akin ang bata pero unti-unting nagbago ang mukha nya nagkaroon ng itim na maskara ang bata. Unti-unting nag-iba ang itsura nya.
Nangilabot ako sa demonyong ngiting iginawad nya sa 'kin.
Hindi maari,
Isang Dark sorcerrer!
"Aeri!" sigaw ko sa kanya ngunit huli na ang lahat. Sinasak na sya ng Dark sorcerrer sa kanyang tagiliran. Agad kong ginamit ang abilidad kong tumakbo ngunit bago pa man ako tuluyang makalapit kay Aeri. “I'm part of the whole,” nakangising sambit nito saka tuluyan ng naglaho sa kawalan.
Naiwan akong nakatulala sa nakabulagtang si Aeri. Doon ko lamang napansin na nagbago na ang demensyong ginagalawan namin. Bumalik na muli kami sa harapan ng field.
Gulat na gulat nilang tinignan ang nakahigang si Aeri na may saksak sa tagiliran.
“Anong nangyari!” sigaw ni Prof Wanda sa 'min. Napaatras ako sa gulat.
Naramdaman ko na lamang ang pagkwelyo sa 'kin.
Si Dark
"T*ngina mo! ANONG GINAWA MO!" galit na sigaw nya sa 'kin. Agad nya ring ibinaba ang kwelyo ko ng pigilan sya ni Eunice. Tumakbo sya kaagad sa kinahihigaan ni Aeri saka ito ibinuhat papuntang clinic.
Tinignan ko ang palad ko na may dugo gayon rin ang patalim na sumaksak kay Aeri. Impossible, paano nangyari 'yon? Hindi ako ang sumaksak may Aeri ngunit bakit hawak hawak ko ang patalim. At bakit may mga dugo ang palad ko.
Hindi ko magawang magdiwang dahil nanalo ako sa laban. Oo nga natalo ko sya pero alam ko sa sarili ko na hindi ako ang may gawa.
Sigurado ako hindi ako ang may gawa ng spell na 'yon. Hindi ako ang komontrol sa sumaksak kay Aeri. Wala akong ginawang masama.
Wanda's POV.
"Gorgo! Anong balita sa paglabas mo kanina sa portal? May nakita ka bang mga dark sorcerrer na nakapaligid sa labas ng portal?"
Nilingunan agad ako ni Gorgo, kanina kasi sya lumabas sa portal para mas palakasin ang magic na nagtatago sa academy.
"Wala akong nakasalamuhang mga Itim na wizard ngunit nakakapagtataka ang pagkunti ng mga sinummoned kong mababangis na hayop." sagot nito sa tanong ko. Umupo sya sa harapan ko saka lumagok ng tsaang nakahanda sa lamesa.
Maraming mga mababangis na creature ang isinummoned ni Gorgo upang mas lalong protektahan ang Academy. Araw-araw syang lumalabas sa portal kaya panigurado napapansin nya ang mga galaw sa labas.
Sobra talagang nakakapagtaka ang pagkawala ng mga mababangis na hayop isa lang ang ibig sabihin nito. Mayroong mga malalakas na Wizard ang nakapalibot sa buong akademya at hinintay lamang nito ang pagkakataon upang sugudin ito.
Pero bakit nila gagawin yun? Ano bang mapapala nila sa paaralan?
Ba't hindi na lang ang mga kingdom ang purtiryahin nila?
Ano bang meron sa paaralan na ito para lusubin nila?
"Kung ganoon anong ginawa mo?"
"Nagtago ako sa invisible clock para icast ang isang nature spell,"
"Mas pinalago ko pa lalo nag mga puno upang tuluyang matakpan ang lugar gayon 'din ang mga mababangis na hayop." dagdag pa nya.
"Tingin mo magtatagal kaya ang proteksyon?" I ask out of nowhere.
"I don't think so," umiiling nyang sambit.
"Sya nga pala Wanda kamusta ang klase mo?" tanong nya. Sasagutin ko na sana sya ng may idagdag pa sya.
"Kamusta si Aeri?"
Kataka-taka ang pagiging interesado nya sa isang estudyante pero 'di ko na lamang pinansin.
“Something happened in my class kanina," ani ko habang nilalagyan ng tsaa ang baso ko.
“Aeri was stab by Ethan," paninimula ko. Inikot ko ang tsaa sa baso ko saka sinimulan humigop dito.
Ikiniwento ko lahat ng nangyari sa klase kanina. Hindi ko akalain na may kaya komontrol sa dimensyong ginawa ko.
Hindi ko akalain na may makakakontrol sa makikita namin mula sa loob. Huli namin nakita ay ang pagtaas ng wand ni Ethan hanggang sa wala na kaming makita sa loob ng dimensyon. Nagsimula ng magpanic ang lahat. Pero hindi babalik sa dati ang illusion hangga't walang natatalo at nanalo.
Sa huli nakita na lamang namin ang dalaga na duguan at may saksak sa tagiliran banda sa may tyan. Sinong magaakala na sasaktan pala ito ng isang prinsepe?
Hindi ko alam pero masama ang kutob ko rito. Isang bagay lamang ang kayang komontrol ng dimensyong ginagawa ko..
at 'yon ay ang mga Hades...
Someone's POV.
"Master, nagawa ko na ang pinaguutos nyo. Napuruhan ko si Aeri Deanys Williams," pagpapaalam sa 'kin ng alagad ko. Walang kaalam alam ang mga tangang wizard na 'yon na pinapaligiran na sila ng mga alagad ko.
"Good to hear, Bumalik kana sa paaralan baka maghinala pa sila"
tumango naman ito saka nagsimulang magcast nang spell pabalik sa Wizchantes.
Sa wakas malapit ko na mapasakamay ang walang hanggan na kapangyarihan. Mabubuhay na 'rin kita Mahal ko... Pamumunuan natin ang buong Wizchantea.. kasama ng anak natin.
🌸-
BINABASA MO ANG
Wizardry Enchanted Academy : The Lost Heiress
FantasyAeri Deanys Williams is an orphan child. She was bullied in highschool therefore to escape the world of human that give her hard life. She wish to disappered but a sudden tornado came. In unexpected day, she entered the school of wizard and witches...