VII-POWER

432 27 0
                                    

ZENN'S POV

Nakakatakot naman si Sir. Bakit ganito siya kung makatingin sakin? Masama bang ngumiti sa Detention office?

"First time mo bang madetention, Ms. Tan at ganyan ang ngiti mo?"

Ngumiti ulit ako at bumingisngis kalaunan. "Sir? MWEHEHE! Ang saya pala rito! First time ko rito hehe."

Nakita kong nangunot ang noo ni Sir at masama naman ang tingin sakin nung Tricia. Huhu! Gusto kong tusukin ang mata niya o kaya dukutin ko tapos ikabit sa Bulate na nasa garden nila Sir, kaso baka mamaya na lang.

"Who started the scene I saw earlier?"

Napangisi ako. Mwhehe! Aamin na 'yan si Triciang donator ng mataaaa ni Bulate baby.

"SIYA SIR!"

Nawala ang ngisi ko. Hala! Ang bad ng babae na 'to! Nagsisinungaling!

"Hoy! 'Wag kang magsinungaling! Bahala ka, kukunin ka na ni Lord!"

Masama akong tiningnan ni Triciang sinungaling! Huhu bakit siya nagsisinungaling? 'Di ba siya tinuruan na maging honest?

"Ikaw naman talaga!"

Hala! Huhu pinagtutulungan nila ako. Narinig ko nalang ang pagtunog ng kung ano sa bibig ni Asher na katabi ko sa upuan.

"Huhu! Wala bang reresbak diyan oh? Nakita niyo naman kanina na hindi ako ang nauna 'di ba? Tingnan niyo ang buhok ko!" Tumayo pa ko para kumbinsihin sila na magsabi ng totoo. Huhu!

"Sit down, Ms. Tan!" Sigaw ni Sir kaya nakasimangot akong umupo.

"Are you telling the truth, Ms. Plazus?" Nakita kong tiningnan ni Sir si Triciang sinungaling ng seryoso.

"O-opo! She really started it. Nagwawala po siya sa room! Pati po yung mga bag ng mga kaklase namin, binalibag niya."

Napasinghot ako. Huhu! Bakit ang bad bad niya... Kapag 'di ako nakapagtimpi, malaki ang magiging kasalanan ko. Dito sa mundong to...

"Good artist..." Biglang sabi ni Asher saka tumayo at pumalakpak.

Nakita kong lumapit siya kay Triciang sinungaling at pinat ang ulo na ikinalaki ng mata ko. Tingnan mo! Huhu, ako kaya ang kaibigan niya!

"T-trevon..."

Natatawang bumalik si Asher sa tabi ko at tiningnan si Sir ng seryoso.

"Iniwan mo sila tapos ngayon magtatanong ka kung sino ang may gawa noon? Sa tingin mo Sir, magagawa ni Eunice 'yon ng mag isa? Sa tingin mo magwawala nalang siya bigla?"

"Tsk! Don't talk to me like that, Mr. Park. I'm still your teacher!"

Kinalabit ko si Asher para 'wag nang sumagot.

"Sir!" Sigaw ko at tumayo. Nagtataka niya kong tiningnan, ramdam ko rin ng tiningnan ako ng mga kaklase ko. "I'm honest. I wasn't the one who started it. Asher and I entered the room with the same scene as you entered the room. We really don't know who started it. And by the way Tricia." I seriously said and glanced at her who has a wide eyes. "If you will still insist that I am the one who started it, you will really regret for insisting it. You will..."

Seryoso akong lumabas ng Detention Office at tumakbo sa kung saan. I hate this! I hate for being this kind of ...person!

Kung sana hindi ko na lang naalala ang lahat...kung sana...

-

SOMEONE'S POV

"Look at her, she can't still control her emotion...especially her anger. Pity." I rolled my eyes and laughed sarcastically.

Lost In My World (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon