XII-GAME

376 25 10
                                    

ZENN'S POV

Hehe saya naman nang simula ng araw ko HEHE!

"Ayos ka lang ba, Eunice?" Tangkang lalapitan niya ako nang humarang si Leonard.

"She's fine. Sino ka ba?"

Kinalabit ko si Leonard at pinalapit sakin ang tenga, may ibubulong ako. Binaba naman niya ang ulo niya sakin. Binalingan ko ang magkapatid na nakatingin samin, mga nakataas ang kilay. Hehe ang cute, para silang kambal na matured nang konti ang isa.

"Siya yung sinasabi ko sayo na inaantay ko sa mall—"

"SIYA BA?! EH SIYA PALA YUNG INAANTAY NATIN SA MALL EH! BAKIT ANDITO 'YAN?! ILANG ORAS TAYONG NAG-ANTAY ROON ZABETH!"

Nagtataka ang mga tingin ni Sir sakin. Huhu! Kagabi 'yon, galit na galit siya.

"Nag-enjoy lang siya kasama ang jowabels niya kaya hindi agad siya nakabalik, Leo. Okay lang 'yon."

"Tss. Ang sabi mo ay rito ka naninilbihan bilang katulong ng lalaking 'yan?" Tinuro si Sir na salubong ang kilay na nakahalukipkip.

"Hehe ano ka ba Leo. Hindi na ko nagtatrabaho rito."

"Kung ganoon ay saan ka tumutuloy? Panigurado'y hindi rito, dahil hindi ka na rito naninilbihan."

Tinuro ko si Asher na nakasimangot na.

"Kay Asher ako nakatira—i mean sa subdivision na pagmamay ari niya." Ang sama ng tingin sakin ni Leo, nadulas lang po crush. Ikaw naman selos agad!

"What?" biglang tanong ni Sir na may bahid na galit. Hala? Gusto niya rin ba roon?

"Hehe what din po?"

"You can't be kidding me." 'Di makapaniwalang sabi niya.

"You can't be kidding din po hehe"

Sinamaan niya ako ng tingin, I pouted.

"It's true kuya, nakita ko siya kaninang madaling araw habang nagjojogging sa labas ng subdivision, sa tapat ng gate ko. Akala ko nga ay ako ang sadya niya, kaya ayon niyakap ko siy—"

"You hugged her?" Sabay na tanong ni Sir at Leonard. Nagtataka tuloy akong napatingin sa kanila, gusto rin ba nilang yakapin sila ni Asher?

"Niyakap niya po ako hehe. Kung gusto niyong mayakap din ni Asher, punta lang kayo sa tapat ng gate niya. Baka sakaling dambain din kayo nang yaka—"

"No thanks!" Sabay ulit na sigaw ni Sir at Leonard, masama silang tumingin sa isa't isa. Hehe cuteee!

"Pfft. Btw, who are you?" Seryosong tanong ni Asher kay Leonard.

"I am her childhood friend. And who are you?"

"I am her friend too."

Napangiti ako. Ang cute nilang tingnan. Hehe parang mga gwapong lalaki na mga bakla. Bl na this.

"So?"

Napatingin ako kay Sir, nakaangat ang gilid ng labi niya at parang 'di nasisiyahan sa nangyayari. Ay kj naman ng guro na 'to.

"Bakit alam mo na andoon siya?" seryosong tiningnan ni Sir si Leonard.

"I have ways, Mr. And besides I am her bodyguard from now on. I will be there wherever she will be."

Nagpataas ang kilay ni Sir. "Really?" malamig na tanong ni Sir.

"Ikaw Sir? Bakit alam mo na andoon po ako?" Inosente kong tanong.

Umiwas siya ng tingin at tumikhim. "T—trevon told me."

"Kuya! Wala akong sina—"

"Sinabi mo." pagdidiin niya at sinamaan ng tingin ang kapatid. Hala! Mag rarambolan pa ata sila. Hehe gusto ko maging referee!

Lost In My World (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon