XI-CORDIANS

380 29 0
                                    

ZENN'S POV

"Sorry about yesterday, Eunice."

Napasimangot ako. Sumalampak ako sofa, sa tutuluyan kong bahay. In-offer sakin ni Asher ang bahay na katabi lang noong sa kanya, sabi niya okay lang daw sa may-ari kasi...siya naman daw may ari ng bahay.

Bakit ang swerte ko this day? Nagkataon pang sa subdivision na 'to ako napunta? Hay, mark the sarcasm. De joke lang, swerte talaga ako.

"What are you doing outside at this early in the morning?" seryoso kong tanong. Kunwari galit ako hehe. Naiintindihan ko naman na hindi niya ko nahatid kila Sir, busy siya sa girlfriend niya. Sino ba naman ako para unahin niya 'di ba? Hehe katulong lang naman ako ng kuya niya at hindi niya obligasyong ihatid pa ako. Kaklase ko lang din siya at kaibigan?

"Kita mo 'to?" Pinakita ang suot niyang Jogging pants at sando...gulp! Bakit ganito ang built ng katawan niya. Ngayon ko lang napansin.

"Oo naman. Hindi naman ako bulate! May mata kaya ako." Inirapan ko siya. Omo! Nahawa na ata ako sa dalawang magkapatid na masusungit.

He chuckled. "Cute." Then suddenly his face turns into a guilt face. "A-ayos ka lang ba. Bakit ka nga pala napunta rito? Alam mo pala bahay ko?"

Pinandilatan ko siya.

"Asher, hindi ko alam kung bakit dito ako napahinto. May nakita kasi akong vacancy ng isang bahay kaya ibig kong kunin. Wala akong tutuluyan kasi sinesanti na ako ng kuya mo. And besides, ito lang yung may vacancy na pwede kong tuluyan, wala akong nadaanan kanina."

Napatingin siya sakin, nagtataka. Nagsisinungaling ba ako?huhu! Hindi ako si Tricia!

"Sinesanti ka ni Kuya? Bakit?!"

Sumimangot ako. Nanariwa sa isipan ko ang mga nangyari kagabi.

Kinwento ko sa kanya ang nangyari...sorry naman siya nang sorry, kesyo kung 'di raw dahil sa kanya baka raw hindi ako nasesanti. Sabi ko naman, wala namang may gusto nang nangyari, nagkataon lang kako na mainit ulo ni Sir kaya natanggal ako.

"Kakausapin ko si Ku-"

"Don't! Ayaw na niya akong makita, Asher. Ampanget ko pala 'no? Huhu! Buti ikaw 'di ka nagsasawa sa'kin?" I asked him curiously but he just stares at me.

"Eunice...paano ka papasok kung ayaw ka palang makita ni Kuya?"

Easy!

"Sabihin mo sa kuya mo, pikit nalang siya. Hehe..." tiningnan ko ang loob ng bahay.

Malaki naman siya, actually pangdalawahang tao. May mga gamit na rin, kumpleto na pati appliances. Personal hygiene ko nalang tapos mga damit ang kulang.

"Eunice, mgtransfer nalang tayo ng section."

Napatingin ako sa kanya.

"College na tayo, Asher saka mahirap magpalipat sa ibang section."

Napabuntong hininga siya at tinitigan ako.

"Tss. What should we do now?" Problemado niyang sabi at nilapitan ang TV, kinuha ang nasa tabing remote at binuhay ang TV.

I gulped. I remember something just now! H-how did I know about all of this stuffs? A-and I have a knowledge about their living here. Hala? A-anong nangyayari sakin? Isang linggo palang ako rito at ito ang unang tapak ko sa mundong 'to sa pagkakaalam ko. P-pero paano ko nalaman ang lahat ng 'to?

Mommy...

Simula't sapol ikaw ang gumagabay sa akin kahit na pinatapon mo ako. Mommy ko...

Lost In My World (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon