ZENN'S POVSuyo ba 'to? Nagsosorry na ba si Sir sa 'kin?
Kahapon at noong isang araw hindi ko siya pinapansin, 'di rin niya ako pinapansin tapos kanina noong papasok na ako sa kotse ni Asher, kinaladkad niya ako saka pinasok sa kotse niya. Hindi na ako umangal, medyo pagod ako kahapon kasi naghanap ako ng bulate...gusto ko nga sanang drawingan yung bulate ng mata kaso...sabi ni Joyce baka raw masugatan.
"Mauna ka nang bumaba. Andaming tao sa entrance ng school baka ma issue tayo."
Napanguso ako, ang layo pa kaya! Pero sige na nga.
Mabilis akong bumaba at naglakad nang walang lingon-likod.
Narinig ko naman ang pag sunod ng kotse niya. Napanguso ako.
"Miss!"
Napalingon ako nang may humabol sakin. Tinitigan ko siya ng mabuti...pati palad niya. Check! Not a Cordian.
"I ah..." Nagkamot siya ng batok, parang nahihiya.
Tinapik ko ang balikat niya at tumawa ng mahina. Nakauniform siya ng uniform namin.
"I'm Zenn Eunice...if you want to know my name hehe. I gotta go? Baka malate na ak—"
"Malelate ka na talaga kung dadaldal ka pa riyan. Pumasok ka na."
Napanguso nalang ako nang makita si Sir na nakahinto pala, nakadungaw sa bintana at nakatitig sakin ng seryoso, bumaling sa kausap ko ang paningin dahilan para mag iba ang mukha niya.
"S—sir..." bulong noong lalaki kaya tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad.
"Zenn!" Naramdaman kong humabol sakin sa paglalakad ang lalaki kaya ngumiti ako sa kanya.
"Nice to meet you..."
Tumango siya. "B—bago lang kasi ako rito at hindi ko alam kung saan ang section ko."
Napanguso ako. "Anong course mo?"
"Business Ad."
Napangiwi ako. Parehas kami? Ano naman kayang section siya?
"Section?"
"Hm..." Pinakita niya sakin ang ID Niya. Wow same! Kaklase ko siya!
"We're classmat—Ay palaka!"
Napatalon ako sa gulat nang may bumusina sa gilid namin. Huhu! Kung may sakit lang ako sa puso baka bumulagta na ako rito!
"Walk faster! Para kayong mga pagong!" Naiinis na sigaw ni Sir pero binelatan ko lang siya. Pinaharurot na niya sa loob ng campus. Papansin!
"W—why did you do that?" Takang tanong ni?
"Anong pangalan mo?" Hindi ko pinansin ang tanong niya. Gusto ko eh hehe.
"Kyediel Torrez." ngumiti siya kaya nakita ko ang dimple niyang malalim. Sana all.
"Malapit na tayo. Relax ka lang ha, maraming mababait na kaklase tayo, kaso mas marami talaga ang may mga maiitim na budhi." Seryoso kong sabi. Humagalpak siya ng tawa na ikinanguso ko.
"Funny, Zenn. Ang cute mong magsalita kapag seryoso."
"Seryoso kaya ako, Kye! Baka pagtripan ka ng mga local boys"
"They can't bully me, Zenn." Ngumiti siya sakin na parang nag aassure na totoo 'yon. Ngumiti nalang din ako ng hilaw.
—
IVAN'S POV
"B-baby..."
I stares at her as if I didn't know her.
BINABASA MO ANG
Lost In My World (Complete)
FantasyZenn, ang babaeng bigla nalang napunta sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. She can't even remember where she came from, who were her parents and everything about her, well, aside from her name, she don't know how that possible. Someone gave...