XIX-WIND

332 28 4
                                    

ZENN'S POV

"Hehe"

Inis akong nilingon noong George dahilan para ngumisi ako ako ulit.

"Napagalitan ka?" Nakangisi kong tanong sabay nguso kay Sir na nakatayo sa 'di kalayuan. Iniwan niya kami ni George kasi may tatawagan daw siya, wala naman siyang cp hehe. Naabno lang ata si Sir, gusto na rin atang magpamental.

"Manahimik ka. Di namin masagap ang isip ni Wind!"

Ngumuso ako. "Sino ba si Wind? 'Di ko nga kilala 'yon eh. At bakit niyo gustong sagapin isip niya?"

Umirap siya...naalala ko tuloy si Asherang bakla.

"You know him, Speed told me. And because we need him." Umirap ulit siya.

Umirap din ako. Hindi ako papakabog. "Kaya ko nga tinatanong kasi 'di ko kilala e." Umirap ulit ako. Gaya-gaya ako eh.

"Whatever you say!" Inis na sabi niya sabay halukipkip.

"Binabansagan mo talaga sila ng iba't ibang bansag hano? Anong ibabansag mo sakin? Beautiful? Pretty? Gorgeous? Super beautiful?!" Tuwang tuwa ko na tanong sabay pikit pikit ng mga mata ko. Ang ganda-ganda ko!

"Yaks! Mandiri ka, binibini! Sapagkat ang iyong mga sinasabi ay nakakapandiri!"
Winagayway pa niya ang mga kamay at ang muka'y nandidiri.

"Bakla ka rin pala." Bulong ko at tumitig sa kanya.

"WTF?! I AM NOT GAY!"bigla siyang tumayo sabay punas kunwari ng kung anong nasa gilid ng labi niya.

"Bakit ka nang-iirap?!" Hamon ko sabay tayo rin.

"Kasi may mata ako, what will I do to it, is not your business anymore!"

Napanguso ako. "Yeah right! Pero bakla ka nga?"

Inis na umirap ito. "Pag andito na si Wind, humanda ka! Mas sanay mang irap 'yon."

Napangisi ako. "Hinahamon ko siya nang irapan!"

"Anong pinag uusapan niyo?"

Napanguso ako, nanlalambing na lumapit kay Sir. Nakakunot noo ito at parang inuusisa kung may ginawa or pinag usapan kami na labag sa kalooban niya.

"Hinahamon ko nang irapan ang Wind, Sir! Hindi ako papatalo sa baklang 'to!" turo ko kay George na umirap na naman sakin.

"You can face him despite of what happened between you two?" Kunot noo niyang tanong.

"Eh? I knew him?" taka kong tanong. He nodded.

"He's Trevon." maikli niyang sagot sabay pisil ng ilong niya.

"WEH?!" Di makapaniwalang tanong ko sabay palo sa braso ni Sir. Weh? Weh?

"Yeah. We need to go back there." seryoso niyang sabi sabay hinawakan ako sa magkabilang balikat.

"P—paano?" Taka kong tanong. Naguguluhan.

"Alam kong kaya mong makabalik sa mundong 'yon..."

Ngumuso ako. "'D—di ako makakapagconcentrate kapag andito kayo...nadidistract ako sayo Sir." Bulong ko sabay lingon kay George na nakataas ang isang kilay. Taray ng bakla!

"But we need to go there too. Paano 'yon?"

I pouted. "Hawakan mo kamay ko."

"Bakit?" Nakataas ang kilay niya, nagtataka.

"Kasi sasama ka?"

"U-uh...Okay." Dagli niyang sagot at hinawakan ang kamay ko.

Nagulat din ako nang may humawak sa kabila kong kamay. Chansing din tong beke na 'to eh!

Lost In My World (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon