XVII-KISS

341 25 0
                                    

ZENN'S POV

Dobleng pag iingat na ang ginagawa namin. Sinamahan ako ni Sir na rito manirahan sa subdivision ni Trevon. Hoy! Hehe baka sabihin niyo nasa iisang bahay kami ni Sir ha! Hindi pa...malapit na mwehehe.

Natunton ako ng mga Cordians sa bahay nila Sir kaya hindi ako pwedeng manatili roon. E—ewan ko ba kay Sir at sumama pa. Naku crush ko pa naman 'yon baka pakasalanan ko na nga 'yon! Iwan ba naman ang mansyon para sakin? Nako ha, iba na 'to! Ibig ko ngang isama ang mga bulate kaso, hindi na kami nakapagbungkal. Hays! Idodonate ko pa naman yung mga mata ng cordians kapag napatay ko sila...joke!

"Gaga ka! Ilang araw ka ng labas nang labas, mag iingat ka pa rin! Nakakatakot baka mawala ka nalang ulit bigla!"

Napasimangot ako. Nakwento ko na kasi kay Joyce ang lahat pati kay Kyediel. Syempre nag aalala sila sakin, lalo na si Joyce. Nagtampo pa nga sakin, bakit daw 'di ko sinabi ang tungkol sa pagkatao ko. Abe malay ko bang gusto niya palang malaman pagkatao ko hehe? 'Di naman siya nagtatanong eh. Puro Leonard mukambibig kapag magkausap kami.

"Lagi naman akong nag-iingat eh! Pati nga sa room, 'di ko na pinapansin yung mga pinsan ko at—bantay sarado ako ni Ashera baby kaya no worries—"

"Suntukan lang ang kaya ni Trevon, Zenn. Wala siyang kapangyarihan!"

"Meron! Bakla kaya siya!"

"So?"

"Ang mga bakla may powers!"

"Ano naman?"

"Darna!" Hiyaw ko sabay taas ng kanang kamay. Yeh! Hehe naiimagine ko na nakadarna costume si Asher...Ang cute!

"Bakla ba si Darna?" Naging lalaki boses ni Joyce? Astig ah!

"Hindi pero bakla si Asher—ASHERA?! BAKIT ANDITO KA?"

Isang nakakatigoks na glare ang pinukol ni Asher sakin kaya ayon...nangisay ako, namatay.

"Bakla ako?!"

Tumango tango ako habang nakangisi...hehe madededo na ako!

"BAKLA AKO?"

Mabilis na sunod sunod na tango ang binigay ko. Hehe paulit ulit eh, pag natanggal ang ulo ko ipapalit ko ulo ng bulate kahit wala silang ulo at mata.

"Damn! HINDI NGA AKO BAKLA EUNICE! ANO BA?"

Nilapitan ko siya, hinawakan sa magkabilang braso at tumango tango. Kailangan niya lang nang konting supporta galing sa mga prens niya...tanggap ko naman. Tanggap kong bakla siya...kaso ang gf niya? Paano na?

"Asher, naiintindihan kita. Tanggap ko. Tanggap namin, 'di ba Joyce?" Tumango si Joyce. "Mahirap man para sayo 'yan. Pero kelangan mong maging matatag, Asher. Lagi mong iisipin na andito lang kami lagi sayo. Kung may mangbully man sayo dahil sa kasarian mo, we are your back up. 'Di ba Joyce?" Pilit na tumango si Joyce. "Kung gusto mong iladlad sa buong mundo na bakla ka...ikaw bahala. Basta andito lang kami ha. 'Di ba Joyce?" Suminghot singhot pa ako at parang nakikiramay. Tumango si Joyce.

"Fuck." Bulong ni Asher at napaupo sa sofa. Ramdam ko Asher...Ramdam ko!

"Ashera...'Wag ka na sad, tanggap naman namin eh. Pero ewan ko lang sa girlfriend mo." Tumabi ako sa kanya sabay hagod sa likod niya. Naawa ako sa kanya.

"WALA AKONG GF!"

"Hala! Ano ka ba Ashera! Bakla ka lang pero 'wag mong ideny ang girlfriend mo! Panigurado kapag nalaman niyang dinedeny mo siya, masasaktan 'yon!"

"Damn! Wala nga sabi!"

"E-eh si Anyee na 'yon?"

"Friend ko lang 'on!"

Lost In My World (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon