ZENN'S POV
"Kumusta na kaya sila mommy, Leo?"
Ramdam ko ang lungkot sa bawat katagang binitawan. Ramdam ko ang pangungulila sa kanila, kahit na alam kong hindi maganda ang relasyon namin ngayon nila daddy at mommy.
"They're alright, Zabeth. Alalahanin mo ang sarili mo. Oo nga't ilang linggo na rin ang lumipas nang mangyari ang nangyaring panggugulo ng mga Cordians dito sa mundo ng mga tao pero dapat lagi kang nag iingat. They might be doing their plan. Remember too, na andito ang dalawa mong pinsan...kaklase mo pa."
Napangiti ako ng mapait kay Leonard. Nakakawalang gana nang mamuhay rito...iniisip ko palang na tuwing lalabas o papasok ako sa school maaaring huling araw ko na rito o kaya'y may mangyaring hindi maganda.
"Feeling ko...ang hirap, Leo. Nahihirapan ako."
Dahan dahan siyang lumapit sakin at kinabig ang ulo ko at pinasandal sa dibdib niya.
"Andito lang ako...andito lang kami."
Naiiyak akong tumingala sa kanya habang nakanguso.
"Psh! May Joyce ka na eh!"
Biglang nagbago ang mukha niya, parang nainis na ewan. Etong ex-crush ko na 'to pabebe pa!
"Tss. That woman!"
"Hala? Bakit? Inaano ka ni Joyce?"
Ngumuso siya at nagbunot ng damo. Naiinis.
"She said she likes me, four days ago! And now, where is she? Ni hindi ko mahagilap ang babae na 'yon dito sa mansyon ng amo mo! Laging nagtatago!"
And then it strikes me what Joyce's told me, 3 days ago. Wah!
"MAY SINABI KANG MASAKIT SA KANYA! MALAMANG HINDI NA MAGPAPAKITA SAYO 'YON! IKAW LEO HA! KELAN KA NAGING GANYAN?"
"I—" tumikhim siya. "Didn't mean it." Bulong niya.
"Hay naku! Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at nasabi mo yung ganoon kasasakit na salita?"
Umiwas siya ng tingin.
"Magpahinga ka na, uuwi na ako. Lagi mong ilalock ang kwarto at bintana mo. Mag iingat ka lagi."
Napanguso ako nang tumayo siya, pinagpag ko ang pwet ko nang tumayo rin ako. Nakangiwi ko siyang sinundan ng mag umpisa siyang maglakad.
"Hindi na ako magpapaalam sa amo mo."
Tumango ako. Nang makapasok sa kotse niya ay bumusina siya at pinaharurot na ito, huminto lang ng nasa gate na, na agad namang pinagbuksan ni Manong guard.
"Tapos na kayong mag usap?"
Agad akong napatayo ng matuwid. Hay! Hindi ko talaga alam kung bakit ganito ang puso ko. Hindi mapakali kapag nakikita, naririnig ang boses o kaya'y kaharap ko siya. Baliw na ba ako? Papamental na ba ko? Sasama na ba ako kay Tricia?
"Hay Sir, obvious po wala na siya. At wala na akong kausap." Umirap ako sa hangin at ngumuso.
"Zenn. What the hell is your problem? Bakit ganyan mo ako kausapin lagi? Amo mo ko!"
Lumingon ako at yumuko ng bahagya.
"Wala na po akong kausap...kamahalan."
Narinig ko ang buntong hininga niya, akmang hahawakan niya ang balikat ko nang umiwas ako. Napahawak siya sa batok niya.
"Zenn." Maawtoridad niya na sambit sa pangalan ko. Sanay na ako, lagi niya na akong tinatawag sa pangalan ko.
"AYAW KONG KAUSAP KA SIR! NAIINIS PA RIN AKO SA'YO! HUHU!" Naiiyak ko na sabi saka pumasok sa bahay, buti nalang at 'di niya ako pinigilan.
BINABASA MO ANG
Lost In My World (Complete)
FantasyZenn, ang babaeng bigla nalang napunta sa isang lugar na hindi niya alam kung saan. She can't even remember where she came from, who were her parents and everything about her, well, aside from her name, she don't know how that possible. Someone gave...