FIVE

2.9K 121 8
                                    

Matapos ang isang kakaibang gabi sa buhay ni Jhane, naghihimutok naman sya sa inis dahil sa pagtakas ng misteryosang babae na nakaniig nya, galit na galit ang dalaga dahil hindi man lang nya ito nahingian ng pambayad.

"Uyy Roda! thank you talaga at pinabalik mo ko dito!" pag papasalamat ng dalaga sa may ari ng bar

"Oo naman noh, eh need ko lang kasi sumunod din sa batas na tinalaga ko dito, alam mo na, hindi ko tinotolerate ang awayan dito, although alam ko namang wala kang kasalanan at si Trisha yun" sambit ng amo nya.

"Oo nga eh, buti kamo si Joey ang humawak ng kaso namin, eh alam mo naman yung babaeng yun matalino yun at kahit mag kababata kami eh ikukulong talaga ako non kung ako may kasalanan" paliwanag naman ng dalaga

"Yun nga, napakabait nyang si Joey, ang ganda ganda pa naman ang tangkad eh bakit kaya piniling mag pulis? iba din trip eh noh" sabing muli ng amo

"Eh , noon pa naman yun, lagi na nga ko pinagtatangol non sa kung sino sino, minsan iisipin ko nang tomboy un! pero malabo sa ganda nya di ba at sa haba ng buhok nya, at ito pa, kalat naman sa lugar namin na may jowawis na gwapo yun, katrabaho nya din" kwento pa ng dalaga

Habang nasa ganoong pag uusap ang dalawa ay may biglang taong lumitaw at nag salita

"Busyng busy sa chismis ah! sino yang topic nyo ha?" nangingiting sambit ng isang babae

"Uyyy Joey! ikaw pala! jusko nakakakaba naman yang paglitaw mo! mag inform ka naman kung darating ka!!" tarantang sambit ni Jhane kay Joey na ngayon ay naguguluhan sa sinabi nya

"Eh lagi naman ako ganito pumunta dito sa bar ah? pag mag sasara na di ba? ano bang bago?" naguguluhang tanong ni Joey

Agad na inakbayan ni Jhane ang kaibigan kahit mas matangkad ito sakanya at inakay na lang palabas ng bar at nag paalam na sa amo

Nang makalabas ay agad na bumitaw si Jhane at hinarap ang kaibigan

"Oh, anong ganap? nag pupunta ka lang dito pag may kailangan ka di ba, cheif!" tanong at pang aasar ng dalaga

"Yan ka nanaman sa chief mo eh! wag kasi ganyan! ayoko ng ganyang tawag! and anyway, yes my kailangan ako sayo, may aatenan akong party pero undercover party to, may catch nga lang kasi" sambit ng kaibigan

Si Joey ay isang detective na humahawak sa malakihang kaso ng pinagbabawal na gamot sa lugar nila, sinusubaybayan nya na din ang kilos ng Delavega cartel at binabalak na hulihin ng aktuwal ang operation ng drugs ng mga ito, madalas nyang informant si Jhane sa mga galawan ng shabu at marijuana sa lugar si Jhane din ang nag titip sakanya kung may actual na bentahan ng drugs sa lugar.

"Eh ano namang catch? teka ayokong mapahamak dyan ah! nakuu Joey pag ako namatay dyan ikaw una kong mumultuhin! tang ina lang!" sambit naman ng dalaga

"Tanga! ipapahamak ba naman kita? at kelan ba kasi kita pinahamak ha??" tanong naman ng kaibigan na nakapag patahimik sa dalaga

"eh basta! siguraduhin mong safe ako dyan! eh teka ano nga yung catch? ano nga sa tagalog yan? pag salo ba yun?" nalilitong tanong ng dalaga

Napapangiti na lang ang kaibigan sa kainosentehan nito at naiintindihan nyang wala itong tinapos

"Ganito kasi, party yun ng mga lider ng sindikato dito sa lugar natin, medyo alam mo na mga mayayaman ang mga dadalo, ang kaso lang, party ng mga lesbian yun kasi engagement yun ng lesbian na anak ng founder ng Delavega, gets mo? so need kitang gawin kong date sa party, papangap tayong mag jowa" paliwanag ng kaibigan

"Ano!!!!!??? nakuu Joey! hindi ko yan kaya! putcha ginawa mo naman akong tomboy eh! tska sinong maniniwalang mag jowa tayo eh mag kasing laki lang tayo ng boob! naku di ko bet yang raket na yan friend!" pag tanggi ng dalaga

Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon