Nagising ang reyna sa gitna nang gabi habang ang init sa kanyang katawan ay dumadaloy nanaman, nag bibigay ito ng sakit sa kanyang puson na dumadaloy sa kanyang balakang na nagpapahina sakanya.
Agad na ginapang nya ang kanyang gamot para sa sakit at ininum ito, ilang sandali ay humupa na ang sakit, ngunit ang init sa kanyang katawan ay naroroon pa din.
"Damn! I need to get her!!!" Sambit ng reyna sa kanyang sarili habang pawis na pawis na nakahiga dahil sa sakit at init na nararamdaman nya.
Maya maya pa ay nag babad na ang reyna sa kanyang tub na pinalagyan nya ng yelo, halos isat kalahating oras syang nakapag babad doon at saka dumating ang batanh Steban
"Ate, ngayong araw ko na pupuntahan ang babae upang offeran" sambit ng batang Steban
"Hindi na, ako nang bahala sakanya, tell Caroline to prepare my car, may pupuntahan ako, ako lang" sambit ng reyna
"Ah okay cge po, il inform caroline then" sambit ng batang Steban at lumabas.
Maya maya ay nakahanda na ang sasakyan ng reyna at biniling lakad nya iyon at walang sasama or bubuntot.
Agad na pinaharurot ng reyna ang kanyang sasakyan, alam nya na ang lugar ng babae kaya agad syang nagtungo dun.
Nang makaparada sya sa labasan ng maliit na kalye kung saan nandun ang tirahan ng babae ay halos lahat ng tao doon ay nakatingin sakanya, nang makita nya ang babaeng hinahanap na kakalabas lang sa maliit na kalye ay agad syang lumabas ng sasakyan para makita sya nito.
Napansin nyang natulala ito sakanya na nakauwang pa ang bibig, sa totoo lang ay may kung anong saya syang nararamdaman pag nakikita nya ang kainosentehan ng babae.
Dahan dahan nya itong nilapitan at hinawakan sa mukha.
Ayy! Jusko, ang lamig ng kamay mo!" Sambit ng babae na halatang nagulat sa pag hawak nya
"Oops sorry, nilakasan ko kasi aircon ng sasakyan ko kaya nilamig pati kamay ko" paliwanag naman ng reyna
"Teka, ano hong ginagawa nyo dito madam? Tska pano nyo nalaman ang lugar ko?" Tanong ng dalaga na agad na inasahan na ng reyna.
"Well inalam ko talaga kung saan ka nakatira kasi gusto kong bumawi sa nangyare i still feel guilty about what happen, and i wann treat you atleast dinner or anything you want" paliwanag naman ng reyna
Ilang minutong tanungan pa ang pinapasahan ng reyna at babae at napapayag nya din itong sumama sakanya para itreat sya ng hapunan.
Ilang minuto pa ay nakapag bihis na ang babae at nang makarating sa labasan ang babae ay napatitig ang reyna sa hitsura nya. Inaamin ng reyna na talagang may angking kagandahan ang babae.
Lumapit naman ang reyna sa babae na ngayon ay titig na titig sakanya.
"Youre really gorgeous, so, lets go?" Pag yaya ng reyna sa babae na nahihiya pang pumasok.
Sa loob ng sasakyan ay napansin ng reyna ang pagkailang ng dalaga kaya binuksan nya ang radyo para hindi masyadong mahiya ang babae at nakita nya namang nag eenjoy na to sa musika at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakaramdam ang reyna ng kagaanan sa loob nya, bagamat sa init at sakit na nararamdaman ay naiinda nya dahil sa sayang nararamdaman nya habang kasama ang babae
Nang makarating sila sa restaurant, alam nyang nahihiya ang babae kaya hinawakan nya ang kamay nito upang kumalma, pero hindi nya alam na sya pala ang biglang kakabahan sa pag dampi ng kamay nya sa babae.
Matapos ang hapunan ay naglakad lakad muna ang dalawa sa parke at doon ay nilakasan na ng loob ng reyna na yayain ang babae sa kanyang bahay,
Sa pag aakalang hindi ito papayag ay laking gulat nya nang umoo ito sakanya.
BINABASA MO ANG
Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)
ActionLerma, a woman who builds an empire in line of underworld business. A rich, wealthy and powerful leader of Drug syndicate in the country and in international. She never been afraid of anyone, she can kill anyone at anytime or place she wants, no on...