Ang magandang sikat ng araw ang gumising sa natutulog na dalaga, nang imulat nya ang kanyang mata ay nakita nyang wala na ang kaibigang kasama nya lang kagabi.
Napansin nya din ang pera na nagkakahalaga ng sampung libo na nasa lamesa sa tabi ng kanyang kama at isang maliit na sulat
Sorry need to go, sa susunod na magkikita tayo baka hindi na ko katulad ng pagkakakilala mo sakin, we will see each other soon-- lerma
Habang nakayuko at nag babasa ay unti unting tumulo ang luha ng dalaga..
Napatitig naman ang dalaga sa pera at nag pahid ng luha.
"Ganito siguro talaga ang buhay mo Jhane, bayaran! Pati yung taong inalayan mo ng pagkatao mo kasi kala mo kaibigan mo ay tinuring ka ding bayaran lang"
Naiiyak na sambit ni Jhane at saka sya nag ayos na at umalis na ng condo at lumabas, nagulat naman sya ng pag labas nya ay may mga lalaking nag aabang saknya upang ihatid sya pauwe at may mga dalang paper bag, laman ay mga bagong damit at bagong cellphone.
Agad tinignan lang ng dalaga ang paper bag, taliwas man sa gusto nya pero tinanggap nya pa din, wala syang karaptang tumanggi sa biyaya dahil mahirap lang sya yan ang pananaw na laging sinasabi ng kanyang tiya kaya kahit luhaan ay tinangap nya ang paper bag saka sumakay sa sasakyan.
Lingid sa kanyang kaalaman ay sa kalayuan ay may matang taimtim na nakatitig sakanya.
Nang makarating sa kanilang bahay, ay hindi maalis ang lungkot sa mukha ng dalaga, agad na bumaba sya ng sasakyan at nag pasalamat pa sa mga naghatid sakanya.
Bago pumasok sa looban ng kanilang kalye ay kumalma muna si Jhane at pilit na pinangiti ang sarili sabay lakad papasok sa looban.
Agad na binati sya ng mga kapitbahay na kanya namang nakasanayan.
"Jhane libre naman ng isang gin dyan!" Sambit ng isang lalaking kanyang kakilala
"Cge lang sabihin mo kay mang Popoy sagot ko na kamo" sigaw naman ng dalaga
Nagpatuloy sa pag lalakad ang babae nang matanaw nyang nag lalaro ng bingo ang tiyain nya
"Oh si Jhane pala to eh! Mukhang nakaraket ng big time memsh ah!" Sambit ng babaeng kalaro ng kanyang tiyain
"Naman! Ako pa ba? Hahaha" tipid na sagot ni Jhane sabay diretsong lakad papasok sa bahay nila.
Nang makapasok ay dumiretso sya sa kanyang kwarto at doon na bumuhos ang kanyang luha.
"Letse ka!! Hmmmmm kala ko kaibigan ka!!! Para kong basahan na basta mo lang iniwan pag tapos mo lawayan!!" Umiiyak na sambit ni Jhane habang tuloy tuloy ang luha.
Habang umiiyak ay hindi nya namalayan at nakatulog na sya.
Mag aalasingko na nang hapon nang magising si Jhane pero wala ang kanyang tiyain.
Agad na pumunta sya sa pinag bibingguhan nito upang mag tanong tanong,
"te bebang, si tyang ho?" Tanong ng dalaga
"Eh kanina lang kausap si Marco tapos di ko na napansin" sagot naman ng babae
"Tang ina! Malamang sinama nila Jonathan yun! Mamaya si Tyang ang offeran nila!" Nahihintakutang sambit ng dalaga
"Ha!? Anong oofferan!? " nalilitong tanong ng babae at agad na tumakbo ang dalaga papunta sa compound ng tinatawag na Jonathan.
Nang makarating sa lugar ay nag tatatawag ang dalaga ng malakas
"Tyang!!!!!??? Nasan ka?? Tyang???" Malaks na tawag ng dalaga at biglang lumitaw ang tatalong lalaki
"Oh bakit nandito ka?, kala ko ba ayaw mo?? " pang aasar na sambit ng lalaki
BINABASA MO ANG
Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)
ActionLerma, a woman who builds an empire in line of underworld business. A rich, wealthy and powerful leader of Drug syndicate in the country and in international. She never been afraid of anyone, she can kill anyone at anytime or place she wants, no on...