EIGHT

2.8K 123 26
                                    

Umuwing madungis ang damit na suot ni Jhane at panay naman ang hingi ng tawad ng kanyang kaibigan.

"Hey, sorry na ah! Hindi ko talaga alam na may ganung nangyare, nalaman ko lang nang nagtanong ako sa isa sa mga bisita dun" pag hingi ng tawad ng kaibigan

"Okay lang! Kinaya ko naman tsaka buti na lang kahit papano sinamahan ako ni madam, eh humingi ng tawad sakin kasi dapat daw sya yung masasampal hindi ako, kaya baka guilty kaya sinamahan ako" paliwanag naman ng dalaga

"Eh nakakapag taka nga na talagang nag spend time sayo yung founder ng Baltimore, imagine sino ka di ba para samahan nya, eh mukha pa lang may bait din sa katawan yun kahit na ilegal ang negosyo nya" paliwanag ng kaibigan

"Ha? Anong ilegal? Eh ang ganda naman sa pandinig sa pangalan ng negosya niya ah" litong tanong ng dalaga

"Hayys nako Jhane, isa sya sa target ko din sa party na yun, ang business nya at shabu! Malakihang bentahan at export ng shabu!, kaya sobrang yaman non" sambit ng kaibigan at halos hindi makapaniwala ang dalaga sa kanyang narinig

Natahimik bigla sya dahil nakakabiglang sa kabila ng naging kwentuhan nila ay may tinatago pa lang kademonyohan ang babaeng kanyang nakapalagayan ng loob.

Nakaramdam ng pang hihina ang dalaga kaya nagpaalam na muna ito sa kaibigan na papasok na ng bahay dahil pagod na ito

"Uyy, salamat pa din sa mga gamit na to at sa sweldo ko sayo, pati sa naranasan ko sa salon ah, ang saya saya ko sobra, cge na, uwe ka na din at makapahinga ka!" Sambit ng dalaga sa kaibigan.

Agad na umalis na ang kaibigan at pumasok na din ang dalaga sa loob, alam nyang tulog na ang tiyain nya kaya dahan dahan na lamang syang pumasok sa bahay.

Nang makalinis ng katawan ay dali dali nyang binabad ang gown at nilabahan ito ng marahan, gustong gusto nya ang damit dahil maganda ito at ngayon lamang sya nag karoon ng ganitong damit.

Matapos ang pag lalaba ay minabuti na nyang mag pahinga at matulog, nakatulala lamang sa bubong ng bahay bago pumikit ang mata, hind pa din mawala sa isip nya ang sinabi ng kaibigan.

"Talaga ba? Totoo bang masama ang linya ng negosyo nya? Eh sya kaya? Masama din kaya syang tao na nagpanggap lang na mabuti sakin? Eh bakit naman nya gagawin yun? Waaaahhh!!! Tang ina! Nababaliw na ko! Baka bigla kong sagutin ng sarili ko mahirap na! Makatulog na nga!!!" Singhal ng dalaga sa kanyang sarili at saka pumikit at nakatulog.

Nagising si Jhane halos mag tatanghali na at dahil na di sa kalampog ng tiyain nya,

"Jin! Hoyy gumising ka na nga! Palipas gutom ka nanaman! Nakuu wala kong pang ospital sayong bata ka!" Sigaw ng tiyain nya at saka naman bumangon ang dalaga

"Tyang naman kung makakalampog ka naman ng kawarto ko kala ko naman may sunog na! Oo na babangon na ho!" Sambit ng dalagang duduling duling pa sa antok

Nang lumabas ng kwarto ang dalaga ay nakita nya agad ang masarap na hapag na nasa lamesa nila

" wow naman tyang sarap nyan ah, naks dalawang lutong ulam ang niluto nyo at may desert pang cake ah, ayos ah" bati naman ng dalaga

"Eh gusto ko lang bumawi sayo, tska parang halos lahat nama ng pera eh binigay mo nanaman sakin, may natira pa ba sayo pang gastos mo? Etong dalawang libo, itabi mo na lang to my tira pa namang isang libo sa akin," sambit ng kanyang tiyain na nakapag patahimik kay Jhane

"Tyang, para ho sa inyo yan, limang libo ho ang sinweldo ko kay Joey kaya sa inyo na yang apat na libo, yang tatlong libong tira sa inyo na yan, panggastos nyo ho pang binggo nyo!" Sabi naman ng dalaga

Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon