Tahimik na lumabas ng condo ang reyna, pigil ang kanyang nararamdaman, pinili nyang huwag lumingon pabalik sa unit at tuloy tuloy na naglakad.
Nang makalabas ng building ay agad na pumasok sa kanyang sasakyan at nagdrive palayo pauwe sa kanyang tahanan.
Malayo pa lang ay matatanaw na ang mga tauhang nakaabang sa labas para sa reyna, nang makarating sa tapat ng kanyang gate ay agad nang lumabas ang reyna ng sasakyan at iniwan ang sasakyan sa kanyang tauhan upang magpasok nito sa kanyang parking area.
Nakasunod naman ang sekretarya at ibang tauhan papasok ng bahay, agad dumiretso sa kwarto ang reyna at umupo sa couch, ang lahat ng kanyang alalay pati sekretarya ay naiwan sa labas ng kanyang silid.
Napasandal ng maigi ang reyna at napapikit, tila ba sobrang bigat ng kanyang nararamdaman.
Hindi nya maintindihan pero hindi nya maimulat ang kanyang mata na tila ba ay umiinit at ang butil ng tubig galing dito ay papatak na.
Ilang minutong nakapikit lang ang reyna at tahimik na nakasandal ng may pumasok sa kanyang isip.
"Caroline!" Sigaw ng reyna at agad pumasok ang sekretarya.
"Ano po yun my queen?" Sambit ng sekretarya
"Get a new model of cellphone make sure the finest one then command our people to pick up the girl from my condo at ihatid sa bahay nila, and...buy some good dresses and clothes for her as well" utos ng reyna sa sekretarya at agad naman itong sinunod ng sekretarya.
Mga ilang oras ang lumipas at mag papasado alas nueve na nang umalis na ang mga tauhang inutusan ng reyna, tahimik lang na nakatanaw mula sa balkonahe ang reyna sa papaalis na sasakyan.
Pigil at kagat labi ang imosyon ang pinapakita ng reyna sa papaalis na sasakyan at maya maya pa ay..
"Prepare, we will follow them!" Mabilis na sambit ng reyna at saka mabilisang kinuha ang kanyang jacket at nagmamadaling lumabas ng kwarto.
Agad na sinundan ng sasakyang lulan ng reyna ang sasakyan ng kanyang mga tauhang susundo sa babae.
Nang makarating ang sasakyan ng kanyang mga tauhan sa condo ay pumasok na agad ang mga ito sa loob,
Pag dating ng reyna malapit sa condo ay sya namang eksaktong labas ng babae kasama ng kanyang mga tauhan.
"Ilalapit pa po ba natin ang sasakyan?" Tanong ng sekretarya
Tahimik lang na nakatitig ang reyna sa babaeng ngayon ay kinakausap na ng kanyang mga tauhan.
"Hindi na, dito na lang tayo" wala sa sariling sambit ng reyna dahil abala itong nakatingin lang sa papasakay na sasakyan na babae.
Hinatid na lang ng mata ng reyna ang papaalis na sasakyan, at minabuti na nyang wag pasundan.
Sa byahe ay wala namang kibo ang reyna at tila ba wala ito sa wisho sa buong araw, hindi na muna sinimulang banggitin ng sekretarya ang kanyang mga ulat mula sa kanilang pagawaan at impormasyon sa negosyo.
Nang makarating sa mansion ay walang ganang pumasok lang sa kwarto ang reyna at nagpahinga.
Halos hapon na nagising ang reyna at tila ba wala pa din itong gana lumabas ng kwarto o di naman makipag usap,
Nang maiidlip sanang muli ang reyna ay biglang nagsalita mula sa labas ng kwarto ang kanyang sekretarya.
"Your highness, Master Steban is here, he said you need to know an urgent matter" nang marinig yun ng reyna ay agad bumangon ang reyna at sinuot ang kanyang robe at umupo sa kanyang lamesa.
BINABASA MO ANG
Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)
ActionLerma, a woman who builds an empire in line of underworld business. A rich, wealthy and powerful leader of Drug syndicate in the country and in international. She never been afraid of anyone, she can kill anyone at anytime or place she wants, no on...