Sa Lupain ng Arkath taong 1060, Talamak ang kahirapan sa lugar, pinamumunuan ng isang hari sa linya ng mga tanyag na dugong bughaw.Si Astrid at ang kanyang kapatid na lalaki ay mga ulila ng lubos, sa edad na dose anyos, natutunan na ni Astrid ang mangahoy, mangisda para may mapakain sya sa kanyang nakababatang kapatid.
Simpleng namuhay ang magkapatid hangang tumuntong ng edad na 16 si Astrid, sa kanilang batas kailangan mo nang sumabak bilang tagapag lingkod ng hari, kapag hindi ka nakapasa ay magiging alipin ka habang buhay.
Pinaghandaang mabuti ni Astrid ang pagsusulit na gaganapin, Maagang nag bihis si Astrid at nagtungo sa tarangakahan ng palasyo.
"Im here to take the exam to be the Kings servant" sambit ni Astrid
Agad naman syang pinapasok ng mga tagabantay.
Nabungaran nya agad ang mga nakapilang mga kukuha ng pagsusulit kagaya nya, ang iba ay nabibilang sa may pangalang pamilya,
Bilang isang tagapaglingkod ng hari, maari ka din mapiling babae ng hari o kaya bilang reyna ng hari, kaya halos lahat ay sumasabak sa pag susulit.
Pumila na agad si Astrid ngunit samut saring bulung bulungan ang kanyang narinig, alam nyang hindi payag ang mga ito na bumilang sya sa pag susulit dahil sa estado ng kanyang buhay dukha.
Nang magsimula ang pag susulit, maagang dumalaw ang Hari kung saan gaganapin ito, nakita nya ang lahat ng naggagandahang dalagang nag nanais mapalapit sakanya.
Nang papalapit na ang hari sa silid ng pg susulit, hindi inaasahang mabunggo nya ang isang babaeng nag mamadaling makapasok ng silid.
Nanlaki ang mata ng dalaga ng makitang hari pala ang kanyang nabunggo, ngunit imbes na magalit ay tila ba nabighani ang Hari sa ganda ng dalaga.
Halos hindi makagalaw sa takot si Astrid ng mabungaran ang Hari pala ang nabangga nya.
"My apologies your highness" Sambit ni Astrid sabay luhod sa harap ng hari
Agad na itinayo ng Hari si Astrid para pag masdan syang mabuti saka hinayaan syang makapasok ng silid.
Nakita ng ibang dalaga ang nangyare at nakaramdam sila ng inggit kay Astrid.
Nang mag simula na ang pag susulit, lahat ay tahimik at seryosong sinagutan ang lahat ng katanungan sa papel,
Nang matapos, at pinasa na ang mga sinagutan nila ay hinarang si Astrid ng mga ibang dalaga at inagawa ang papel nya at pinunit, laking gulat ni Astrid sa ginawa sakanya kaya inambahan nya ng sampal sa mukha ang dalaga.
Agad na nagsipasok ang mga gwardiya at pinigilan si Astrid sa pananakit sa dalaga, imbes na kampihan si Astrid ay sya pa ang naparusahan at napalayas sa pag susulit.
Lahat ng mga kamag anak ng mga dalagang nag sisipagsulit ay sinaktan at inalipusta pa si Astrid, pinatid ng isa sa mga magulang ang dalaga at napatianod sa putikan,
Umuwing luhaan at putika si Astrid na ikinalungkot din ng kanyang kapatid
Di nag tagal ay naging alipin na lang ng palasyo si Astrid, tagalinis at kuskos ng kusina at kung saan saang parte ng palasyo.
Ginabi si Astrid sa pag uwe dahil sa dami ng kanyang nilinis, Naglalakad na sya sa bayan nang may mga lasing na gwardiyang nag tatangkang manguha ng mga babae para kanilang gagalawin
"All of you! you know what we want! let out your daughters for us!! or youl all be dead!" sambit ng mga gwardiya, takot ang mga taong ilabas ang mga anak nilang babae kaya nang makita ng isang tindero si Astrid ay agad na hinatak sya nito at iprinisinta sa mga gwardiya.
BINABASA MO ANG
Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)
AcciónLerma, a woman who builds an empire in line of underworld business. A rich, wealthy and powerful leader of Drug syndicate in the country and in international. She never been afraid of anyone, she can kill anyone at anytime or place she wants, no on...