FOURTEEN

2.6K 115 39
                                    

"Love just died on me thousand years ago"--Queen L

Tahimik na nakatanaw lang ang dalaga sa pinunong babae na nakaupo sa hardin, gustohin nya mang lapitan ito pero pinang aabutan sya ng hiya.

"Hayyss! Tanghaling tapat nag tsatsaa! Naku konti na lang maniniwala na kong majonda talaga tong babaeng to eh.....aayyyy kabayo!!!!" Napahiyaw na sambit ng dalaga ng may lalaking lumapit sakanya at inabutan sya ng tinimplang juice sa sala.

"Ay sorry maam kung nagulat kita!" Sambit ng lalaking tauhan

"Eh kasi naman kuya bigal ka namang lumilitaw dyan! At salamat na din pala dito sa juice." Pag papasalamat naman ng dalaga

"Walang anuman, so taga Manolito ka? Dun din kasi ako dati nakatira" sambit ng lalaki

"Uyyy talaga?? Wow ka lugar pala kita! Saan ka banda dun?" Nakangiting sambit ng dalaga

"Kila aling Mila, yung dalawang bahay mula kila kuya Popoy!"sambit naman ng lalaki

"Oh???? Tang ina ang lapit mo lang pala samin! Doon ako sa papasok sa almahan street!" Sambit naman ng dalaga

"Ay dun ka lang pala, well ako kasi nag apply ako sa agency tapos sabi bilang body guards, eh since dati akong gym instructor kaya nakapasa ako at may alam ako sa self defense, although may gusto pa sana ko gawin kaya lang walang pera kaya nag tyatyaga ako dito kay madam kahit papano malaki sweldo, " paliwanag ng lalaki

"Ah, eh ano ba yung balak mo kasi?" Walang ano anong tanong ng dalaga at agad namang bumulong ang lalaki sakanya

Nanlaki ang mata ng dalaga sakanyang narinig at halos hindi makapaniwala

"Ikaw lang nakakaalam nyan ah, wag kang maingay!" Sambit ng lalaki sabay dating ng sekretarya upang kausapin ang dalaga

"Ms. Jhane, pinag aayos po kayo ng Madam dahil my lakad daw po kayong dalawa ngayon" sambit ng sekretarya

"Saan daw??" Mabilis na tanong ng dalaga

"Sa mall po, halina po at kailangan nyo na pong mag bihis bago matapos ang madam" sambit muli ng sekretarya

Agad namang nagpaalam ang dalaga sa lalaking tauhan at sumama na sa sekretarya upang mag ayos,

Tinulungan naman ang dalaga ng nakalaang tagapag lingkod sakanya para mag bihis.

"Wow, ngayon lang ako nakabihis ng ganitong kagandang dress ah, iba talaga nagagawa ng pera ah" sambit ng babae at nang matapos ay agad na lumbas sa garahe kasama ng ibang tauhan upang hintayin ang paglabas ng pinuno.

Halos maluwa ang mata ng dalaga sa hitsura ng pinuo, naka fitted sexy pencil cut dress ito at nakalugay ang buhok, aakalain mong model sa hitsura nya at ang lahat ng tauhan ay nasa likod na nya.

"Witweew! Mall lang ang punta natin madam? Saang party ka dederetso?" Pang aasar na Sambit ng dalaga ngunit tinitigan lang sya ng babae mula ulo hangang paa.

"Palibhasa wala kang sense of fassion! Well thats the reason we will go to mall nang mawala naman yang ka cheapan sa fashion mo!" Mataray na sambit ng babae at sabay sakay sa kotse

Napangiti naman ang sekretarya at si Marcel sa tinuran ng pinuno na ngayon lang nila nakitang pumatol sa pang aasar.

Palakad na sana ang dalaga para sumakay sa kabilang kotse nang tawagin sya ng pinuno.

"Where do you think your going!? Get in!" Sambit ng babae na kinagulat ng dalaga, napatingin lang ang dalaga sa mga tauhan na nagsisipag ngitian at dali dali ng pumasok sa kotse

Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon