Sa tuluyang pagpasok ng grupo kasunod namang pumasok ang dalawa sa loob, makikita ang lahat ng bisitang nag gagandahan sa kanilang kasuotan na may mga suot na maskara, napansin din ng dalaga na puro nga babae ang nasa party at ang iba ang mag kakaholding hands kaya naisip nyang totoo nga ang sinasbi ng kaibigan na mga lesbiyana ang karamihan ng bisita sa ganoong pag iisip ay naalala nya ang babaeng nakaitim na hindi nakasuot ng maskara.
Agad na nilibot ni Jhane ang kanyang mata para hanapin ang babae pero wala ito sa mga taong nasa loob.
"Okay ka lang? " tanong ng kaibigan
"Keri lang nu kaba! medyo nakakakaba lang kasi ang sososyal ng mga tao dito" pabulong na sagot ng dalaga
"Hintay ka lang at makikilala na natin ang mga pinuno ng mga sindikato dito kasi ipapakilala mamaya" pabulong din ng kaibigan
Maya maya pa ay nag simula nang magsalita ang anak ng pinuno ng Delavega Cartel ang babaeng ikakasal.
"Im really glad for everyone who attend my engagement party, thank you for making my event possible, first i would like to thank Mr. Alteran the founder of Alamahi groups and company, Mr. Fortunato of Fortunato Foundation and Ms Calista Estrato of Estrato Corporation, and also Last but not the least Ms. Lerma Asistio Baltimore the Founder and CEO of Baltimore Group and Companies, Thank you Madam Lerma for accepting my invitation" mahabang sanaysay ng ikakasal
Natulala naman si Jhane nang makita sa stage ang babaeng kanina nya pa hinahanap na nakaupo pala sa malaking lamesa kung saan nakaupo ang mga matataas na taong nabangit.
"Narinig mo yun Jhane? sila ang mga target ko, ang gaganda sa pandinig ng mga pangalan ng kumpanya nila pero lahat yan mga drug lords," paliwanag ng kaibigan
"Kaya pala parang ang yayaman nilang lahat nuh, pero Joey, hangang kelan ba tayo dito? kasi naiilang na ko bigla sakanilang lahat, may iba grabe makatitig sakin,yung iba naman kung makairap wagas!" sambit ng dalaga
"Oh sya ganito may titignan lang ako doon sa loob ng isa sa mga office ng Delavega baka may makuha akong lead, sa ngayon heto oh, suot mo yang earphone tapos saksak mo sa cellphone at makinig ka ng music, dito ka lang sa table natin at babalik ako, keri ba?" paliwanag ng kaibigan
"Oo cge lang, malaking tulong na tong earphone para wala kong marinig saknilang lahat!" sambit ng dalaga at saka naman nag paalam ang kaibigan.
Tahimik lang na nakaupo ang dalaga at titingin tingin sa paligid nang biglang makaramdam ng gutom, mula sa pag kakaupo ay dahan dahang lumapit ang dalaga sa lamesa kung saan naroroon ang mga pagkain.
Lintik! wala ng hiya hiya pa, gutom na gutom na ko! bahala na!
Sambit ng babae sa kanyang sarili at agad na tumayo at lumapit sa lamesa, dahil hindi nya naririnig ang mga tao sa paligid ay abala lang sya sa pag lagay ng pagkain sa kanyang plato,
Ngingiti ngiting nagdadadampot ang dalaga ng pagkain habang nag eenjoy sa musikanv kanyang pinapakinggan.
Ngunit halos maalog ang mukha nya nang maramdaman ang malakas na sampal sa kanyang mukha nang humarap sya papunta sa kanilang lamesa,
Agad na nabitawan ng dalaga ang platong kanyang dala at nagakanda tapon tapon pa sa kanyang damit, nanginginig ang kanyang kamay at unti unting namumugto na ang luha sa kanyang mata na natatakpan ng maskara.
Lahat ay nakatingin sa dalaga, pati ang babaeng sumampal ay tila nabigla sakanyang nagawa, hindi na kinaya ng dalaga ang pamamahiyang inabot kaya nang tatalikod sya upang tumakbo palabas ay nasa likuran nya lang ang babaeng nakaitim na nakatitig lang sakanya, agad nyang inirapan iyon at dali dali syang tumakbo papunta sa hagdan at dali daling umakyat na kahit saan na sya makapunta hangang sa makarating sya sa isang madilim na balkonahe at doon ay umupo.
BINABASA MO ANG
Tyrannical Queen Lerma (COMPLETED)
ActionLerma, a woman who builds an empire in line of underworld business. A rich, wealthy and powerful leader of Drug syndicate in the country and in international. She never been afraid of anyone, she can kill anyone at anytime or place she wants, no on...