🌻Ken POV🌻
"Pabayaan mo na yan si kayla kahit kailan talaga kontrabida yan" sabi ko ng pabulong kay khaye . Tumingin saakin si khaye at ngumiti lang siya pero.. Parang pilit ang kanyan ngiti.
Kahit ngumiti siya alam Kong nasasaktan siya pero.. Smile parin kahit gaano kalala ang sitwasyon.🌻Khaye POV🌻
Gustong gusto ko nang umuwi dahil hindi ko na kayang mapigilan ang mga luha ko. Oo aaminin ko na nagseselos ako dahil ex niya yun. Nakita ko si Kayla na nakatingin saakin ng masama.
Nakita ni Justin na nakatingin saakin si kayla kaya bigla siyang nagsalita.
"Kayla bakit parang masama ang tingin niyo po kay khaye? Or baka naman po ganyan lang kayo makatingin dahil baka-"
"Jah tigil na muna pag aasar mo diyan kay kayla. Pagod yan kaya wag mo munang guluhin" sabi ni sejun.
"Okay PO"
Ilang minuto Pa lamang ay nakarating na kami sa isang hotel at doon bumaba si kayla. Noong nakapasok na si kayla sa hotel nag drive na si sejun papuntang bahay.
~time skip~
Noong nakarating kami sa bahay namin since magkakapit bahay kami ay madali lang namin puntahan ang isa't isa.
Papasok na sana ako ng gate ng biglang kinalabit ako ni josh
"Bbq nakalimutan ko pala ibagay ito sa iyo." Mayroong kinuha si Josh sa kanyang bulsa at nagulat ako ng makita ko ang isang promise ring. Isinoot niya ito sa making daliri
"o ayan promise ring ko yan para malaman mo na isa kang matalik na kaibigan" sabi ni josh habang nakangiti. Pagkatapos niya sabihin ang mga iyon ay pumasok na siya sa bahay nila.
"Kaibigan.. Lang..?"
A/N
bakit kaya hindi maalala ni Josh kung sino si khaye sa kanyang buhay?
Ano ba ang mga plano kayla para kay Josh?Malalaman yan sa mga next chapters xD