Chapter 4

46 12 0
                                    

3rd Person's POV

Inilibot ng misteryosong tao ang paningin sa kanyang paligid. Nahagip ng mata nya ang isang babaeng nagtataglay ng buhok na malapit nang umabot sa kanyang baywang. Napangiti ito nang palihim at inilagay ang patalim sa kanyang labi. "Balang araw, malalasap ko rin ang kutsilyong ito na puno ng sariwang dugong manggagaling sa'yo.". Napangisi sya sa isiping iyon at natawa nang mahina.

"Alis na. Kanina ka pa nandito. Nakikita mo bang pang staff lang toh?", pagpapalayas sa kanya ng isang tao. Tila hindi nya nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Tiningnan nya ito nang masama.

"Anong tinitingin-tingin mo dyan?", masungit na sabi nito. Hindi na ito nakatiis at hinugot ang kutsilyong kanina'y tinatago nya sa kanyang likod at ngumiti sa taong kaharap nya ngayon.

"W-wag please. N-nagmamakaawa ako sa'yo. A-ako na l-lang ang aalis.", ani nito at tumakbo ngunit nahila nito ang laylayan ng kanyang damit dahilan upang bumagsak ito sa sahig. Sa bawat pag-atras nito ay syang paglapit sa kanya ng taong kikitil sa kanyang buhay. Patuloy pa rin itong nagmamakaawa ngunit tila isang bingi ang taong kaharap nya na hindi naririnig ang bawat paghagulgol nito.

"Ayoko ang tono ng pananalita mo.", sambit nito habang nakangiti at sunod-sunod na itinarak ang kutsilyo sa tagiliran nito habang tumatawa. Inulit-ulit pa nito ang proseso hanggang sa magsawa sya. Bakas sa mukha ng tao ang paghihirap na syang ikinatuwa naman nito.

"Ano kayang lasa ng utak ng mga taong walang modo?", ani nito kasabay ng pagtikhim nya sa dugo at piraso ng utak ng taong pinaslang nya.

Pinaghiwa-hiwalay nito ang bawat parte ng kanyang pagkatao at kinuha ang utak nito. Inilagay nya ito sa isang eco-bag upang hindi mapansin ng iba.

Nilinisan nya ang kwartong 'yon hanggang sa wala nang ebidensyang natira sa ginawa nyang krimen. Pagkatapos ay naglabas sya ng panulat. 

"2 kilos pork", isinulat nya at dinikit sa eco bag. Tinanggal nya ang gloves nya at nilagay sa isang maliit na supot. Pagkatapos ay ibinulsa nya ito. Napangiti sya pagkatapos gawin ang isa na namang perpektong krimen. 

Napayuko sya upang itago ang kanyang mukha nang may dumating na tao.

"Ikaw yung bagong staff, diba? Saan yung baboy na dineliver dito?", tanong nito. Itinuro nya ang katawan ng taong pinag parte parte nya. "Sige. Punta ka na dun. Ako na ang bahala dito. Tiyak dadagsain na naman tayo ng mga customer."

Napangisi ito sa isip-isip nya, "Happy Eating"

~~~

Miracle's POV

Agad kaming nagtungo sa kwarto ko at tinulungan ako ni Lars na mag impake ng mga gamit ko. Nakakapagod kasi kung magpapabalik balik pa ako sa bahay dahil baka matagalan din sila mom and dad bumalik.

Nang matapos ay lumabas na rin kami.

"Saan kaya nagpunta ang parents mo?", tanong ni Lars habang bitbit ang ilan sa mga gamit ko.

"Hindi ko rin alam, Lars. Biglaan nga eh.", napapaisip pa rin ako kung bakit tila may pinuntahan sila ngunit wala manlang pasabi kahit nung tanghali.

Inilagay na namin sa trunk ng kotse ni Lars ang mga bagahe ko. Pagkatapos ay nagsimula na rin syang magdrive.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Maliwanag ang buong paligid ngunit mas nangingibabaw ang malakas na tunog na nanggagaling sa loob nito. Pakiwari ko'y ito ang kanta ng Twice na 'Feel Special' ang pamagat.

Kunot ang noo kong napatingin kay Lars sa tabi ko ngayon na para bang naiinis. "Ayan na naman sila.", wika nito at umirap. Magtatanong pa sana ako nang pumasok na ito sa loob kaya't wala akong nagawa kundi sumunod na lamang.

"CHIPS! GIVE ME MY SHIRT. UGH!"

"AYOKO NGA! BLEH"

"HE MAKES ME FEEL SPECIAL!!!"

"AKO BA YUNG HE?"

"YAWA OI. NANDITO NA YUNG COLLAB NI IU AT SUGA GUYYYSSSS"

"Alam namin, tumahimik ka na lang dyan."

"Hayaan mo na si Tanya, bro. Easy ka lang."

Sinalubong kami ng iba't ibang ingay sa loob na sinabayan pa ng nakakabinging tugtog dahil sa sobrang lakas na maaari pang umabot sa mga kalapit bahay. Tumingin ako sa katabi kong si Lars na nakapikit na ngayon, marahil dahil sa sobrang ingay at pagkainis.

"UTANG NA LOOB! GABI NA.", sigaw ni Lars dahilan upang mapatingin sa kanya ang lahat at ihinto ang speaker. Napatigil sila sa kanya-kanya nilang gawain at napangiwi.

"Woah. 'Di mo naman sinabi Lars na may maganda pala tayong bisita. Keir nga pala, pinakagwapo sa tropa.", wika ng lalaking may katangkaran at inakbayan ako. Ngumiti na lamang ako nang pilit sapagkat hindi ako kumportable.

"Lumalandi ka na naman dyan." pigil ng isang babae sa kanya kaya't napangisi ang lalaking nakaakbay sa akin.

"Selos ka na naman, Abby", napairap na lamang ang babae. Tinanggal ng lalaki ang pagkakakbay nya sa akin at ngumiti.

"Hello, Chips nga po pala. Pinakabata hehe", pakilala sa akin ng lalaking wari ko'y mas bata sa amin ng isang taon. Parang bata pa kasi ito kung titingnan. Iniabot nya ang kamay nya sa akin kaya't tinanggap ko 'yon.

"Winter pala.", tiningnan ko ang babaeng nagsalita at napagtanto kong sya ang sumisigaw kanina tungkol sa damit. Nginitian ko ito.

"Tanya hehe. Fan ako ni IU.", napatingin ako sa babae na nagsalita. Ito yung sumisigaw kanina tungkol sa Collab. Napatawa ako nang mahina at nginitian ito.

"Hello. Kysler nga pala. Pwedeng Sky na lang din for short", pakilala sa akin ng isang lalaking pakiwari ko'y mas matanda sa amin ng isang taon.

"Yun si Axel.", turo nya sa isang lalaking nananatiling nakaupo lamang sa kama. Sya 'yong lalaking sinabihang tumahimik na si Tanya kanina.

"Ganyan talaga 'yan. Masungit ang isang 'yan. Pero may mas malala pa dyan.", sambit nito. Napatango ako. Ang lala naman kung may mas lalala pa dyan.

"Oh nandito na pala si Blue", napatingin ako kay Keir at sa tinawag nyang Blue ngunit natatakpan ang mukha nito dahil sa hood na nakataklob sa kanya. Imwinestra ni Keir ang kamay nya na parang makikipag-apir dito ngunit nilagpasan nya nito dahilan upang mapanguso si Keir.

"Colter Phoenix, boy. He's a Cervantes, kaya 'wag mong laruin ang pangalan nya.", saway ni Lars dito. 

Unti-unting tinanggal ng lalaki ang hood nya. Napatakip ako ng bibig dahil sa labis na gulat nang makita ang kabuuan ng mukha nito. Tumingin sya sa akin dahilan upang tumama ang paningin ko sa kulay karagatan nyang mga mata.

"Colter! namiss kita", ani Winter at kumapit sa braso nya ngunit agad tinanggal ni Colter ang braso nitong nakapulupot sa kanya dahilan upang bahagya itong mapangiwi.

"'Wag naman po ganon.", napatingin ako kay Chips na nakanguso na ngayon. Pinisil ko ang pisngi nito dahil hindi ako nakapagpigil. Ang cute kasi ng pisngi nya at mukha syang bata. Napahawak naman ito sa kanyang pisngi.

"Uy kinikilig si Chips", ani Abby dahilan upang mapatawa kaming lahat maliban kay Chips at Colter. Seryoso lamang na nakatitig si Colter sa akin kaya't inirapan ko sya.

"KJ", I mouthed. Sinamaan naman ako nito ng tingin. Nakahalukipkip akong tiningnan sya at pinandilatan ng mata na para bang isang batang nakikipag-away.

Natigil lamang ang kasiyahan nang may marinig kaming kalabog na tila nanggagaling sa kapitbahay kasunod ng malakas na pagsigaw ng tao sa loob nito na agad ding huminto. Napatingin kaming lahat sa isa't isa.

"G-guys, what's t-that?"

~~~

Author's note: Malapit na.

Scent of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon