Miracle's POV
Kumatok ako nang paulit-ulit ngunit tila wala yatang may balak buksan ang pintuan.
"I told you. No one's gonna open that door. Will a criminal let people know his crime?", napairap ako nang bigla itong magsalita ngunit hindi ko naman maitangging tama sya. Wala nga namang kriminal ang gagawin 'yon kung sakali man.
"Stay behind me.", mabagal nyang binuksan ang pinto upang hindi makalikha ng kahit anong ingay. Bawat yapak namin ay nananatiling mabagal at tahimik.
Sinalubong kami ng isang silid na walang ilaw. Namamayani sa buong lugar ang kadiliman. Ni kaunting liwanag ay wala kang makikita dahilan upang kapitan ako ng takot.
"A-ang dilim naman!", reklamo ko habang tiningnan ang paligid at pilit tinatago sa tono ng aking boses ang takot. Kinapa ko ang pader, nagbabaka sakaling may mahanap na switch ng ilaw.
"Just stay behind me and shut your mouth.", napanguso ako sa sinagot nito sa akin. Sensitive pa naman ang feelings ko.
Ilang sandali pa ay tila may naamoy akong kakaiba. Para bang masangsang at nakakasulasok ang amoy nito na umaabot pa hanggang sa kadulu-duluhan ng pang-amoy.
Napangiwi ako, "Ano ba 'yan? Ang baho!"
"You're so loud", sita sa akin ni Colter habang nililibot nya ang kabuuan ng bahay. Mukha namang wala kaming makikita dito.
"Baka pusa lang talaga 'yon", napalingon ito sa akin at bahagyang nagsalubong ang mga kilay. Tiningnan ako nito na para bang hinuhusgahan nya ang buong pagkatao ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin.
Ilang sandali pa ay humarap ito sa akin.
"A-ano na? Aalis na ba tayo?"
"Obviously.", tugon nito at inunahan na akong maglakad.
"M-may nakita ka ba?"
"It's too dark to see anything.", napatango ako. Oo nga naman. Masyado talagang madilim ang lugar na kahit anong kagamitan ay hindi agad makikita. Kailangan pa itong liwanagan gamit ang flashlight.
"You can breathe already.", sambit nito nang makalabas na kami. Napairap ako sa itinuran nya. Nais nyang ipahiwatig na masyado akong takot kanina to the point na hindi na ako makahinga.
"Hindi ako takot!"
"Wala naman akong sinabing takot ka.", aniya at napangisi. Arghhh!!! Nakaasar!
Napapadyak ako sa kalsada dahil sa labis na inis. Nakakapikon!
Napangiwi ako at pumasok na lamang sa loob ng bahay upang makatulog na sapagkat pagod na rin ako sa nangyari sa buong araw.
~~~
Nagising ako na may tumatalon na lamang sa higaan ko.
Inilibot ko ang aking paningin at napagtantong narito silang lahat sa kwarto ko at ayos na ayos. Gulat akong napabangon at tinakpan ang mukha ko. Shocks, kagigising ko pa lang.
"Relax, babe. Maganda ka pa rin.", wika ni Keir habang nakatingin sa salamin at inaayos ang suot nyang necktie.
"Bro, umagang umaga.", saway sa kanya ni Sky.
"Bestfriend, gising ka na pala!"
"Ate, sorry kung naistorbo kita.", napatingin ako kay Chips na kanina'y tumatalon sa higaan ko ngunit ngayon ay naupo na lamang.
Umiling ako at nginitian sya, "Ayos lang yun"
"Bakit pala nandito kayo?", tanong ko sakanilang lahat. Lahat kasi sila ay nakaayos ang itsura. Ang mga babae ay nakamake up. Samantalang ang mga lalaki naman ay ayos na ayos ng gel ang buhok.
BINABASA MO ANG
Scent of Death
Mister / ThrillerLumipat kayo ng pamilya mo sa isang lugar upang masigurado ang inyong kaligtasan. Ngunit ilang araw pa lang kayong namalagi dito ay sunod sunod na pagsalakay ang nangyari sa subdivision na inyong tinitirahan. Brutal, madugo at walang kaawa-awang pa...