Chapter 3

47 12 0
                                    

Miracle's POV

"H-hey", tawag sa akin ng isang boses. 

"Ano ba inaantok pa ako eh!" Itinulak ko ito. Istorbo naman. Puyat ako eh.

"Nandito na tayo.", sabi nito at tinapik ako nang marahan sa pisngi. Inis akong napaupo ngunit nanatiling nakapikit ang mga mata ko.

"Anong nandito? Eh kanina pa naman talaga ako nasa bahay eh. Alis na nga"

"H-hey, you need to go home already.", nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya at napagtantong nakatulog pala ako sa kotse ng isang estranghero.

Gulat akong napatingin sa kanya at napayuko. "S-sorry". Nakahalukipkip nya akong tiningnan samantalang hindi naman ako makatingin nang diretso sa kanyang mga mata. Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nakakahiya.

Napalunok sya at ibinaling ang tingin sa daan. "Pasok na. Gabi na.", agad akong lumabas ng kotse nya at nagbow nang mabilis bilang pasasalamat.

Napatampal ako nang paulit-ulit sa aking noo. Shemay talaga, Miracle. Kahit kailan talaga napapahamak ka.

Mabagal akong naglakad papunta sa loob ng bahay upang hindi makalikha ng kahit anong ingay. Kahit papaano naman ay ayaw kong mabulabog ang kanilang pagtulog. Kung hindi lang dahil kay mom, marahil ay matagal na akong humiwalay sa pamilyang toh.

Nang marating ko na ang kwarto ay hinubad ko ang suot kong sapatos at umupo sa aking kama. Hindi ko alam ngunit ako yata ang least favorite ni sleep fairy na dalawin sapagkat hindi manlang ako dinadalaw ng antok kahit magpakapagod pa ako. Kung dadalawin man ako ay madaling araw na.

Napagdesisyunan ko na lamang na tumingin sa bintana na katabi lamang ng aking kama. Hilig ko kasi ang tumingin sa labas kapag hindi ako makatulog.

Ilang sandali pa ay dinalaw na ako ng antok. Hihiga na sana ako nang makita ko ang isang pigura ng taong nakatalukbong ng makapal na pulang tela. Pati ang katawan nito ay hindi makita sapagkat mukhang sindya nya na ang buong pagkatao nya ay matakpan.

Inilibot nito ang tingin sa buong division na animo'y isang kriminal na tinitingnan kung may nakakita ba sa ginawa nyang krimen. Ilang sandali pa ay tumakbo na ito paalis.

Napakunot ang noo ko at bahagyang nagsalubong ang mga kilay ko. Weird. Umiling na lamang ako at ipinagsawalang bahala 'yon. Nahiga na lamang ako at hinintay ang sarili kong lamunin ng antok.

~~~

Nagising ako nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Tinakpan ko ito gamit ang aking kamay at bumangon na sapagkat 8:00 AM na pala. Ito kasi ang payo sa akin. Gumising ng maaga upang masarap ang tulog sa gabi. Hindi ko masabing gumagana ngunit siguro ay mas malala ang sasapitin ko kung tanghali na ako gigising.

"BESTFRIEND!"

Napangiti ako nang marinig ang ingay na 'yon. Nauna pa akong dalawin ni Lars. Nagmadali akong bumaba at sinalubong sya ng mahigpit na yakap.

"Paano mo nalaman address ko?"

"Ano pa? Edi tinext sa akin ni mom", napatawa ako nang mahina. Mom at Dad din kasi ang tawag nya sa parents ko at ganun din ako sa parents nya. Bata pa lang kasi ay magkaibigan na kami.

"Nasaan nga pala sila?"

"Well, sabi ni mom, samahan daw muna kita sa mall. Shopping shopping, alam mo na. Pero mas masarap yata kumain" ani nito at kumindat sa akin. Inilapit nya ang ilong nya sa akin at napangiwi. "Ligo ka muna, bestfriend. Asim mo na eh.", napatawa naman ako nang mahina at tumango.

Pagkatapos ko maligo ay pumunta na ako sa kwarto at pumili ng isusuot. Isang V-neck red shirt, dark gray pants at isang pair ng black rubbershoes. Kinuha ko rin ang gray hoodie ko at isinuot ito. Inilugay ko rin ang mahaba kong buhok na malapit nang umabot sa baywang ko. Nagpolbo ako at nilagyan ng lip balm ang mapula kong labi. Tiningnan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin. Ayos na siguro toh.

Pagkatapos ay bumaba na ako. Sinalubuong naman ako ni Lars at kumapit sa braso ko. Simple lang din si Lars katulad ko kaya't magkasundo kami. Nag-aayos lamang sya tuwing may mahalaga talagang event na kailangan daluhan.

"Your car or mine?"

"Sa'yo na lang. Tinatamad ako magdrive." ani ko kaya't napatawa kami nang mahina. Iyon kasi ang kasunduan. Kung kaninong kotse ang gagamitin ay sya ang magdradrive.

Ilang sandali pa ay agad kaming nakarating sa mall. Ito ang pinakamalaking mall sa buong rehiyon at malapit lang din sa subdivision.

Una ay namili kami ng mga kakailanganin sa bahay. Mga delata at pang midnight snack foods. Nagsine kami pagkatapos. Sunod ay kumain na kami at nagpahinga lang saglit. Walang katapusan ang kwentuhan namin na animo'y wala nang bukas. Kwento dito, kwento doon. Ganon kami kakumportable sa isa't isa.

"Let's go?" aya ko sa kanya upang makaalis na kami at makauwi sapagkat pagod na rin ako ngunit umiling ito.

"No no no, Miracle. May kailangan pa tayong bilhin." sagot nito at hinila ako.

Pagkalipas ay huminto kami sa tapat ng isang store na puno ng kutsilyo at kung ano-ano pang matutulis na bagay. Kunot ang noo kong napatingin sa kanya ngunit wala na akong magawa kundi ang pumasok na lamang.

"Lars, bakit ba tayo nandito?", tanong ko sakanya habang sya ay abalang tumitingin ng mga bibilhin. 

Lumingon sya sa akin at nagkibit balikat, "Ewan ko rin eh. Sabi sa akin ng mga magulang at friends ko, kailangan daw may mga ganito sa kanya-kanyang bahay. Weird nga eh.", tumango na lamang ako at bumili katulad nya. Kung ganoon, marahil ay sobrang halaga nito para lahat ng pamilya ay magkaroon ng ganito sa bahay. Pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung bakit may ganitong klaseng store sa lugar na ito. Weird.

Pagkatapos namin mamili ay napagpasyahan namin na umuwi na. 

Nagtakha ako nang makitang wala pa ring katao-tao sa bahay kahit gabi na.

"Bestfriend, bakit wala pa rin ang parents mo?"

"Ewan ko rin, Lars. Hindi naman sila ginagabi kahit may business meetings sila." ani ko kasabay ng pagtunog ng cellphone ko. Binuksan ko ito at napagtanto kong isa pala itong text na nanggaling kay mom.

"Anak, stay at Lars' place muna hanggang hindi pa kami nakakauwi ng dad mo. Baka matagalan kami."

Napasimangot ako ngunit agad din itong napalitan ng ngiti.

Napangisi akong tiningnan ang bestfriend ko, "Mukhang mabubulabog ang mga kapitbahay mo sa mga susunod na araw ah." sabay kaming nagpakawala ng mapaglarong ngisi.

~~~

AUTHOR'S NOTE

Malapit nang makilala ang mga ibang characters. Easy lang kayo dyan :))

Scent of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon