Miracle's POV
"That happened 20 years ago.", nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ano bang nangyayari? At anong nangyari 20 years ago na hindi namin alam?
Napailing na lamang ang pulis na tila balisa at muling ibinaling ang tingin nito sa crime scene.
Lumapit naman sa amin ang isang pulis na wari ko'y mas matanda lamang sa amin ng ilang taon.
Tinapik nito ang balikat ni Colter, "Huwag kang pakampante, Cervantes". Iwinaksi ni Colter ang kamay ng lalaking 'yon ngunit nanatili lamang itong nakangisi.
"Masyado kang mayabang.", lumapit ito at itinapat ang bibig nya sa tenga nito.
"Wala ka namang ibang maipagmamalaki kundi ang apelyido mo.", bulong nito ngunit sapat na upang marinig ko. Hindi naman nagpakita ng kahit anong reaksyon si Colter dahilan upang umalis na ito at lumayo.
"Boss, nahanap namin toh sa taas", ani ng isang pulis at ibinigay ang isang ziplock na naglalaman ng singsing.
Sinuri ng pulis ang katawan ng babaeng biktima at kinuha ang singsing nito. Pinagkumpara nya ang dalawang singsing at napatango nang mapagtantong parehas lang ito.
"Mukhang mali ka, bata", wika nito habang kausap si Colter dahilan upang mapangisi ito.
"Is this really a thorough investigation? Really? A ring is enough to prove everything? How about the paper? The stitched mouth? Your assumption is lame."
Napailing ito, "Huwag mo nang ipagpilitan. Baka baliw lang ang asawa ng babaeng ito kaya ganon. Tanggapin mo na lang na nagkamali ka"
"Sorry officer, but I don't accept defeat.", sagot sa kanya ni Colter at tinalikuran ito. Naglakad ito nang mabilis palabas ng lugar kaya't nagpaalam na lamang ako sa mga pulis. Umangal pa ang iba dahil parusa ko raw ito ngunit wala na silang nagawa dahil nakalabas na ako.
"Badtrip si Bro."
"Ano, bestfriend? Bakit ka raw pinapunta don?", tanong ni Lars ngunit umiling lamang ako. Pinili kong hindi sabihin sa kanya dahil baka maghinala sya kung bakit kailangan ko pang pumunta kagabi doon.
"Okay ka lang?", ani Tanya kaya't tumango na lamang ako.
~~~
Kinabukasan ay nakarinig ako ng sunod-sunod na pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Binaba ko ang binabasa kong libro at tumayo mula sa pagkakadapa.
"Hinahanap ka ng mga pulis sa baba. May tinakasan ka raw na responsibilidad", bungad na pasabi sa akin ni Winter at agad na umalis. Napatampal na lang ako sa aking noo. Akala ko kasi ay hahayaan na lang nila ako.
Wala rin naman akong nagawa kundi ang agad na bumaba.
"Bata. 'Wag mo na ulit kaming tatakasan. Paulit-ulit lang kaming babalik. Atsaka 'yang si Blue, sabihan mong sumama. Ayokong tinatalikuran nya ako. Ninong nya pa rin ako.", napanguso ako at aalis na sana upang tawagin si Colter nang magsalita pa ito.
"Pati itong mga toh. Lahat kayo sa bahay na toh, sumama kayo. Akala nyo ba ay hindi ko nalalaman ang patugtog nyo gabi-gabi ng sobrang lakas? Ang daming nagreport sainyo."
"Naman oh! Nanonood pa ako ng videos ni IU eh!"
"Shocks! Magfifilm pa ako ng make-up tutorial."
"Bro, hindi ko gusto toh."
"Wala namang may gusto."
"Ang dami ko pang kachat na babae oh!
Sunod-sunod pa na pag-angal ang narinig ko ngunit lihim akong napangiti sapagkat hindi lamang ako ang mapaparusahan.
~~~
"Ano ba 'yan? Wala bang ibang babaeng naparusahan na maganda ganda naman?", napatingin ako kay Keir na nagsalita. Agad itong sinikmuraan ni Sky kaya't napahawak ito sa sikmura habang namimilipt sa sakit.
"Hay nako. Naistorbo pa ako. Manonood pa ako ng videos ni IU."
"Araw-araw ka ngang nanonood. Nakakasawa pakinggan 'yang puro IU mo."
"Bestfriend, bored na bored na ako. Kanina pa tayo nandito. Sumasakit na ang brain cells ko."
"Mga bata, gusto nyo bang tumagal pa ang parusa sa inyo?", warning ng pulis kaya't agad napatahimik ang mga kasama ko.
"W-wala akong kasalanan! Umalis kayo dito! Wala akong kasalanan!", napatingin kaming lahat sa isa't isa dahil sa lakas ng sigaw na 'yon. Nang tingnan namin ay napagtanto namin na 'yun pala ang asawa ng biktima. Nagwawala ito at madumi ang itsura. Tila napabayaan nya agad ang kanyang sarili kahit kahapon lamang nangyari 'yon. Mukha rin itong walang ligo at amoy alak.
"Kung ganon.", ani ng isang pulis at umikot sa paligid nya na para bang sinusuri sya. Inilabas nito ang ziplock na naglalaman ng singsing.
"Ano toh?", nanlaki ang mata ng lalaki kasunod ng pagluha nito.
"Maniwala kayo. W-wala akong kasalanan.", nauutal na sambit nito at lumuhod.
"Isang tanong lang. Sagutin mo. Ano toh?"
"N-nawala ko 'yan isang araw bago ang kasal namin. I-iba ang suot kong singsing sa araw na ikakasal dapat k-kami.", patuloy pa rin ang pag ragasa ng mga luha nito.
Napabuntong-hininga naman ang mga pulis at napatingin sa isa't isa.
"Kung ganon, may kilala ka bang maaaring gumawa sa inyo nito?"
"H-hindi ko alam. Wala akong kilalang kaaway ng misis ko."
"Alam mo na rin bang nagtaksil sa'yo ang magiging asawa mo?"
Nandilim ang paningin ng lalaki sa itinanong ng pulis sa kanya. Niyukom nito ang kanyang kamao.
Napatango na lamang ang mga pulis dahil sa ekspresyon nito ay halatang kahapon nya lang nalaman ang ginawang pagtataksil sa kanya ng magiging asawa nya.
"Tara na. Wala na tayong mapapala dito.", aya ng mga pulis.
"Wait", nabaling ang atensyon ng lahat kay Colter nang magsalita ito na tila may importanteng sasabihin.
"Isn't it weird? The girl being bald after getting killed?"
"Anong punto mo?", napatingin ako sa pulis na nagsalita. Ito iyong sinabihan si Colter kahapon na wala syang maipagmamalaki kundi ang apelyido nya lamang.
Napangisi ito, "What would I expect from you?", sambit ni Colter sa mayabang na tono dahilan upang mainis ito at iyukom ang kanyang kamao na parang kahit anong oras ay pwede nyang sugurin si Colter. Napansin nya naman 'yon, "Your hands, officer. You must maintain your dignity."
"As I was saying, the hair from her head seems to be intentionally pulled..."
Napalingon ito sa ninong nyang pulis at napangisi, "Now, tell me that I am wrong about what happened 20 years ago. That history is repeating itself.", sambit nito dahilan upang maiwan ang iba sa amin na naguguluhan. Habang ang iba naman ay mababakas ang takot sa kanilang mukha.
BINABASA MO ANG
Scent of Death
Mystery / ThrillerLumipat kayo ng pamilya mo sa isang lugar upang masigurado ang inyong kaligtasan. Ngunit ilang araw pa lang kayong namalagi dito ay sunod sunod na pagsalakay ang nangyari sa subdivision na inyong tinitirahan. Brutal, madugo at walang kaawa-awang pa...