Chapter 10

19 4 0
                                    

Miracle's POV

"Sandali lang po.", sambit ko dahilan upang mabaling sa akin ang atensyon ng lahat.

"Paano kung isa sa loob ng bahay na toh ang pumapatay? Maituturing pa po ba 'yong, "Witness Protection"?"

Nagkatinginan ng malakas ang mga pulis at napatawa nang malakas sa itinuran ko ngunit nanatili akong seryoso at nanindigan sa sinabi ko.

"Masyadong wild ang imagination mo iha...", ani nito at napailing habang natatawa pa rin. 

"Walang bata ang may kayang pumatay"

"I swear, I'm fucking leaving this place.", ani Tanya at tinalikuran kami. Alam ko ang tinatakbo ng isip nya sa panahon ngayon. Iniisip nya na maaari rin syang mamatay sa loob ng Subdivision na ito kung hindi sya aalis sa lalong madaling panahon.

"Hep, hep, hep", pigil sa kanya ng isang pulis at itinaas ang isang kamay na para bang pinapahinto ito dahilan upang muling mapaharap si Tanya sa amin na ngayon ay nagsalubong na ang mga kilay at bakas ang inis.

"Hindi kayo pwedeng lumabas sa Subdivision.", nagsilakihan ang aming mga mata. What the? Iniisip ko pa lang ang mangyayari ay parang hindi ko na kakayanin. Kahit ano mang oras, kahit wala dito sa loob ng bahay ang may pakana, maaari kaming mapahamak kahit kailan. Hindi namin alam kung kailan susulpot ang panganib. Kung kailan magpapakita sa amin si kamatayan.

"That's pure bullshit."

"Colter, iyon ang makakabuti ngayon. Nandito lang sa Subdivision ang may sala. Hindi sya pwedeng makalabas sa lugar na 'to..."

"...At dahil kayo ring lahat ang susi para malaman ang katotohanan sa likod ng lahat ng nangyayari."

Nakarinig pa ako ng pag-angal. Ngunit ako ay tahimik lang na nakikinig kahit ang dami ko nang protesta sa aking isip. Bakit kami ang susi? Bakit kailangan kami parusahan ng ganito? Bakit kami pa na mga batang walang alam sa nangyayari ang kailangan nila? At anong kinalaman namin sa mga nagaganap? Para akong nasa impyerno. Gusto ko nang umalis.

"Hindi pa rin kami handang mamatay katulad nyo.", saad ng isang babaeng bakas ang takot sa kanyang mukha.

"Tingin nyo ba gusto namin manatili dito?"

"Stop it, Marcus."

"This is kinda fun."

"We're fucking dying, Divine."

"Y'all. Wala na tayong magagawa"

You aren't unique for being the go-with-the-flow girl if you think you are, Hazel"

"For pete's sake and for once, I'm tired of all these bullshits. You better shut up, people. I swear, you don't wanna see me getting mad.", wika ni Colter sa isang kalmado ngunit puno ng awtoridad na boses. Parang napapalibutan din ito ng itim na aura dahilan upang mapahinto ang lahat sa pagsasalita at wala nang nagawa.

~~~

Ang ginawa na lamang namin ay dalawang tao sa iisang kwarto dahil sa kakulangan din ng paglilipatan nila. Hindi naman ito nakaapekto sa espasyo sapagkat masyadong malaki ang isang kwarto dito na para lamang sa isang tao. At para may kasama rin at maprotektahan daw ang isa't isa kung sakali man.

Si Divine ang naging ka roommate ko. Hindi kasi sanay si Lars na may kasama sa iisang kwarto simula nang bata pa kami. Pakiramdam nya raw kasi ay nasusuffocate sya. Nang minsan naman kaming nagtabi noon ay madalas ko syang masipa at masuntok.

"Divine, right?"

"Yes, babe.", ani nito at kininditan ako. Napatawa pa sya nang mahina. Parang sya ang tipo ng babae na talagang modern na modern dahil sa dating nito na maangas pero sexy.

"May I ask you something?", sambit ko kaya't tumango ito at tumabi sa akin.

"Witness ka, diba?"

"What's with that?"

"Pwede ko bang malaman kung anong nakita mo?"

Napabuntong hininga sya, "Para sa akin wala namang kwenta kung ano man ang nakita ko at namin kaya't nagtatakha ako kung bakit kinuha pa nila kaming witness kung gayong wala namang maitutulong ito sa nangyayaring krimen ngayon. Ang tanging nakita lang namin ay likod nito..."

Napatigil sya at napaisip, "...Isang pigura ng taong natatakluban ng pulang tela. Ayun lang ang naaalala ko nung gabing 'yon. Pasensya na, wala na akong maibibigay na impormasyon sa'yo.", wika nito at lumabas ng kwarto.

"PUTANGINA ITO NA NGA BA SINASABI KO EH!"

Agad akong bumaba nang marinig ko ang umalingawngaw na boses ni Keir sa loob ng bahay.

"Seryoso ba toh? May namatay na naman?!", napasabunot sa kanyang buhok si Marcus sa kanyang nalaman. Kilala ko na sila sapagkat nagkaroon kami ng oras upang magpakilala sa isa't isa kanina.

"Marcus pre, relax"

"S-shit, ayoko pa mamatay", nauutal na tugon ni Faith habang may luhang nagbabadyang tumulo mula sa kanyang mga mata. Para syang si Abby.

"Guys, tapos na. Wala na tayong magagawa."

"Shut up, Hazel."

"Bakit? Mamamatay din naman tayo, Jaz. Tanggapin na lang natin."

"Fuck your mindset Hazel."

"Fuck your optimism, Jerome."

"W-what happened?", nauutal na tanong ko. Nagbabakasakaling makuha ko ang atensyon nila. Hindi naman ako nabigo.

"Bestfriend, hindi na ligtas dito."

Napabuntong hininga si Keir bago nya simulan ang balita,

"Kagabi. Nahanap ang bangkay ng isang lalaki na kinilala nila bilang si Roberto. Ang mapapangasawa sana ng unang biktima. Nahanap itong tahi ang kanyang bibig at napag-alaman ding wala na ang dila nya. Katulad ng una, nahanap din itong pugot ang ulo. Nakasulat sa likod nito na, "I chose to kill but I have no choice but to die, because I lied.

"Hindi pa doon nagtatapos 'yon, natagpuan din ang patay na katawan ng dating kaibigan nito na naging kabit ng kanyang kasintahan na nakumpirmang si Roberto ang pumatay. Ngunit nangangamba ang mga pulis sa posibleng mangyari."

"Bukod sa mamamatay ang ilan sa atin, ano pang nakakapangamba?", tanong ni Axel dito.

"Na baka hindi lang iilan sa atin ang mawala. Baka wala nang matira. At pinaka-masalimuot..."

"...Maulit ang nangyari, 20 years ago"

Scent of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon