Chapter 7

30 11 0
                                    

Miracle's POV

Ang mga ngiti nila ay agad ding napawi at napalitan ng sigawan ang kabuuan ng lugar kasunod ng paghagulgol ng mga tao sa loob ng simbahan. Nahimatay ang iilan sa mga bisita. Magulo. Nagkagulo ang dapat isang masayang kasalan ngayong araw.

Sumilip ako upang tingnan 'yon---

Isang ulo ng babaeng duguan na nakalagay sa wheelchair. Napatakip ako sa aking bibig.

"Nagsisimula na naman.", napatingin ako sa babaeng nagsalita sa aking likuran. Isang babaeng nasa mid 50s. Puno ng pangamba ang kanyang mukha at bakas na bakas ang kanyang takot habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig. Sandaling nagtama ang mga mata namin ngunit agad din itong kumaripas ng takbo nang makita ako. Bagay na nakapagpagulo sa aking isipan.

"G-guys, u-umuwi na tayo.", napatingin kami kay Abby na nanginginig pang lumabas ng simbahan. Masasabi kong base sa kanyang ikinikilos ay mabilis lamang itong dapuan ng takot. Ngunit wala naman yatang tao sa mga panahong ito ang panatag ang kalooban dahil sa nangyari.

"Mahina.", sambit ni Winter habang umiiling ngunit sinagi lamang ito ni Lars na para bang sinasabing 'wag sabihin 'yon.

"Umuwi na tayo. Wala rin tayong mapapala dito.", Dire-diretsong naglakad palabas ng simbahan si Axel. Wala na rin kaming nagawa kundi ang sumunod na lamang.

~~~

"Hindi ko inexpect 'yon", ani Lars habang umiinom sya ng tubig upang mapakalma ang sarili. Samantala kami naman ay nanatili lang tahimik at ang iba ay nakatingin lamang sa kawalan. Marahil siguro ay dahil sa sobrang gulat sa mga naganap kanina.

Kung sino man ang gumawa nun, wala syang puso. Walang matinong tao ang gagawa ng ganong klaseng krimen.

Ilang sandali pa ay napagdesisyunan naming lahat na lumabas muna para sana malihis ang aming atensyon at makalimutan kahit panandalian lamang ang nangyari kanina.

"Ang daming tao dun sa tapat", wika ni Tanya at napaturo sa bahay ng biktima na agad din naman naming napansin. Nagkukumpulan kasi ang mga kapitbahay don na hinaharangan naman ng mga pulis. Marahil ay gusto nila makiusyoso sa mga naganap kanina.

"Punta po tayo don, Tingnan natin.", masayang yaya ni Chips ngunit binatukan lamang sya ni Sky kaya't napakamot ito sa kanyang ulo. "Siraulo ka ba? Makakagulo ka lang dyan."

"Nasaan ba si Colter? Lagi syang MIA"

"Ano ba yung MIA?", takhang tanong ni Keir kay Winter.

Napalingon naman si Abby dito at inirapan sya, "Missing in Action po, Lolo Keir."

Ilang sandali pa ay lumabas ang ilan sa mga pulis. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang mga taong sabik na sabik makasilip. Para silang 'yong mga kapitbahay sa pelikula na hilig ang makiusyoso. Nagbigay daan ang mga ito sa mga pulis na papunta sa, 

direksyon ko?

"A-ano pong kailangan nyo?"

Napatingin ang mga pulis sa isa't isa, "Miss, pwede bang sumama ka sa amin sa loob?", wala sa sarili akong napatango. Ano bang kailangan nila sa akin?

Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang makita ang nakatalikod na pigura ni Colter sa akin. Agad ko itong nilapitan at kinalabit mula sa kanyang likuran

"Bakit ka nandito?", tanong ko ngunit hindi ito sumagot at nanatili lamang ang pagsuri sa mga gamit na nasa loob ng ziplock. Ipinagsawalang bahala ko na lamang 'yon at inilibot ang aking paningin sa paligid. Nakita ko ang mga pulis na kinukuhanan ng litrato ang isang naaagnas na na bangkay sa espasyo sa pagitan ng ikauna at ikalawang palapag sa hagdan.

Scent of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon