Chapter 11

22 2 0
                                    

Miracle's POV

"Bukod sa mamamatay ang ilan sa atin, ano pang nakakapangamba?", tanong ni Axel dito.

"Na baka hindi lang iilan sa atin ang mawala. Baka wala nang matira. At pinaka-masalimuot..."

"...Maulit ang nangyari, 20 years ago"

"A-ano bang nangyari 20 years ago?", hindi ko na mapigilan sumagot sakapagkat matagal na talaga akong nagtatakha kung ano bang nangyari dati at kung ano ang sinasabi nilang mauulit.

Napabuntong hininga si Keir, "Actually, hindi ko rin talaga alam.", sambit nito at napakamot sa kanyang ulo dahilan upang mapairap ang ilan sa amin.

"Alam nyo mamamatay din naman tayo kaya 'wag na kayo mastress.", ani Hazel habang nagsasalamin at nilalagyan ng lipstick ang kanyang labi. Napakunot noo naman ang iba at bakas sa kanilang mukha ang pagkainis.

"Eh kung ikaw kaya mauna mamatay?", napatingin ako kay Lars. Hindi kasi nito kaya ang magpigil ng galit lalo't ngayon na frustated pa sya sa mga nangyayari.

"Hwag na po kayo mag-away.", wika ni Chips. Marahil ngayon ay ito ang pinaka-naaapektuhan sa sitwasyon sapagkat sya rin ang pinakabata sa aming lahat kaya naman naaawa ako sa kanya.

"Nasisiraan na ba kayo ng bait para mag-away pa sa ganitong sitwasyon?"

"Just shut up, Hazel!", naiinis na sigaw ni Jaz ngunit halata ang panginginig nito sa nangyayari ngayon.

"Guys, relax."

"Hey, orange-headed guy.", tawag ni Axel kay Stephen na kasalukuyang pinapakalma ang kanyang mga kasama.

"Stephen."

"How do you expect someone to be calm during this situation. Bobo ka ba?"

"Anong sabi mo?"

"Oh. Sorry. Hindi pala 'yun tanong. Mukhang bobo ka nga talaga.", maangas na sambit nito at napangisi dahilan upang sugurin sya ni Stephen.

"Bawiin mo yung sinabi mo", galit na galit na kwinelyuhan ni Stephen si Axel ngunit nanatili lamang itong seryoso.

"Hindi ko babawiin.", mas lalong lumawak ang mapang-asar na ngisi nito.

Pinigilan si Stephen ng kanyang mga kasama pero tila isa itong bingi na walang naririnig. Ikinuyom nito ang kanyang kamao at umamba ng suntok ngunit hinigit ni Colter ang kamay nito.

Nagulat na lamang kami nang bigla itong bumulgta sa sahig habang nakahawak ang kanyang sikmura.

Napatingin ako kay Colter na syang sumuntok dito.

"I swear, I'm not fucking tolerating people who will hurt my friends. Kill me first before you can lay your filthy fingers on them."

~~~

Lahat kami ay nakaupo lamang sa sofa at walang nagtatangkang magsalita. Tanging ang mga tunog lang ng aming paghinga ang syang naririnig.

"So...", pagbasag ni Divine sa katahimikan.

"What if we play a game?"

"Are you crazy? At this point?", maarteng sambit ni Winter na sinabayan nya pa ng kanyang pag-irap.

"Anong gusto mo? Magmukmok tayo?"

"Hey. That's enough.", pigil sa kanila ni Tanya. Napairap na lamang ang dalawa.

"Ano bang laro?", tanong ni Sky dahilan upang mapupo nang maayos si Divine at ngumiti.

"Kill or Die."

"That's insane.", kontra ni Jaz kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay nito bilang pagtutol.

Nakarinig pa ako ng mga reklamo mula sa kanila ngunit nanatili lamang akong tahimik at nakinig sa susunod nyang sasabihin.

"Hear me out, okay? Simple lang naman. These are the rules. Yung taya, sya yung manghahabol then she needs to shout kill kapag may nahawakan sya. Yung nahawakan nya needs to freeze. While the remaining players have 2 chances to unfroze 2 people and that person needs to shout die. 'Pag naka-unfroze na sya ng dalawa, sya naman yung kailangan mag freeze and wait for other players to rescue him. The last person na hindi mafreeze ay may prize. Pero kapag may natira na hindi nafreeze..."

"...may consequnce ang taya", napangisi sya.

~~~

Authors note: Sorry super lame update and iksi huhu. Wala kasi akong gana ngayon. Parang ang ano ng katawan ko :((

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Scent of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon