Chapter 5

36 12 0
                                    

Miracle's POV

"G-guys what's t-that?", kung titingnan ay parang tinakasan ng dugo ang buong mukha ni Abby na bahagyang namumutla na ngayon. Pigil naman ang hininga ng iilan sa amin. Ilang sandali namayani ang katahimikan at tila lahat kami ay nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita.

"Sa tingin ko kailangan natin tingnan.", suhestyon ni Keir dahilan upang magsalubong ang kilay ng iba.

"'Wag muna. Hindi ko po nakikita si IU. Ayoko pa mamatay huhu."

"Bro, baka mapahamak tayo.", tanggi ni Sky.

"Paano kung napahamak tayo? Sagot mo?", masungit na wika ni Winter habang nakahalukipkip. Tumango naman ang iba.

"Hindi pa tayo nasanay. Eh simula nung patirahin tayo panandalian nila mom and dad dito eh lagi namang may kumakalabog dyan sa kapitbahay. Walang bago."

Umaliwalas ang mukha ng iba na para bang sumasang-ayon sa sinabi ni Lars. Samantalang ang iba ay tila hindi pa rin mapalagay.

"Aren't you all wondering?", biglang sambit ni Colter dahilan upang mapatingin at mabaling ang atensyon sa kanya ng lahat. Hinubad nito ang hoodie nya at sinabit sa isang hook kasabay ng pag-upo nito sa sofa.

"Ano pong ibig nyong sabihin, kuya?", ngumisi lamang si Colter sa kanya at dire-diretsong umakyat papunta sa ikalawang palapag ng bahay na para bang walang narinig mula kay Chips. Napabuntong hininga na lamang ang iba na para bang sanay na sila dito.

"Baka tama si Lars? Hindi pa tayo nasanay.",  pagsang-ayon ni Tanya kay Lars.

"P-pero paano yung sigaw?", nauutal na tanong ni Abby na hanggang ngayon ay namumutla pa rin.

"Baka nagulat lang yung may-ari ng bahay sa kalabog. 'Wag kang OA.", napatingin ako kay Axel. Napaka straight forward nitong tao at para bang walang preno ang kanyang bibig.

"Sungit!", sigaw sa kanya ni Tanya na hindi naman nya pinansin. 

Sa huli ay wala kaming nagawa kundi ang umakyat na lamang sa kanya-kanya naming kwarto at magpahinga. Inayos ko na rin ang mga damit ko sa closet habang hindi pa ako dinadapuan ng antok. 

Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Kinuha ko ito upang sagutin ang tawag. Isang unknown number. Napakunot ang noo ko. Sino namang tatawag sa ganitong oras at isang unknown number pa? Nagduda ako, ngunit sa huli ay wala akong nagawa kundi sagutin ito sapagkat baka importante ang sasabihin.

"Hello?", rinig ko ang mabigat na paghinga ng tao sa kabilang linya. 

"H-hello? Sino toh?", nanatili itong walang kibo.

"H-hello? Prank call ba toh?", wala pa rin akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya minabuti ko na lamang ibaba ito nang bigla itong nagsalita.

"Mors te exspectat", napakunot ang aking noo kasunod ng pagputol sa tawag ng tao sa kabilang linya. Nagtatakha akong ibinaba ang cellphone.

Naglalaro ang iba't ibang tanong sa aking isipan habang nakahiga sa kama.

Sino ba ang taong 'yun? At ano ba ang ibig nyang sabihin? Anong kailangan nya sa akin upang tawagan ako sa ganitong oras?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang may makita akong pigura ng taong bumababa sa hagdan. Napakunot ang noo ko at bumangon mula sa pagkakahiga upang silipin ito. 

Unti-unti akong lumapit sa pintuan at sumilip ngunit hindi ko na ito matanaw. Minabuti ko na lamang bumaba upang sundan ito sapagkat baka hindi ako makatulog hanggang sa hindi nasasagot ang katanungan ko.

Mabagal akong bumaba sa hagdan upang hindi makalikha ng kahit anong ingay.

Nang makababa ay inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nagbabaka sakali na matugunan ang aking kyuryosidad.

"What are you doing here?", pigil ang aking hiningang tumalikod upang tingnan kung kanino nanggaling ang pamilyar na boses. Napahinga ako nang maluwag nang nakita si Colter.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Questions need answers. Curiousities need assurance."

"A-ano?", naguguluhang tanong ko napakamot sa aking ulo.

Iniwas nito ang tingin sa akin, "You don't need to know. Just stay here."

Aalis na sana sya nang hilain ko ang damit nito. Gulat itong napatingin sa akin. "Sama ako.", nakangusong pilit ko.

"Pupunta ka sa kapitbahay, no? Titingnan mo yung nangyari?", dagdag ko dahilan upang mapabuntong hininga sya.

"Kulit."

Umiling ako, "Papayag ka man o hindi, sasama ako. May dala naman akong kutsilyo oh.", wika ko at nilabas ang patalim mula sa aking sling bag at itinutok ito sa mata nya. itinaas nya naman ang dalawang kamay nya na parang sumusuko.

"Put that down.", muli akong napakamot sa akin ulo kasunod ng pagbaba ko ng kutsilyo. Ibinaba naman nito ang dalawa nyang kamay at napatango. "Okay. Just stay behind me.", pagpayag nito at tinalikuran ako. Napangiti naman ako sapagkat sawakas ay masasagot na ang katanungan ko sa aking isip kanina pa.

Someone's POV

Napangiti ako sa pagpasok nila sa bahay kung saan gumawa na naman ako ng karumal-dumal na krimen. Napangiti ako sa aking isipan at inilagay sa dulo ng dila ko ang kutsilyong puno ng sariwang dugo at tinikman ito. Napakasarap talagang pumatay.

"Ang dilim naman!"

"Just stay behind me and shut your mouth."

Napangisi ako. Matagal ko nang hinihintay matikman ang dugo ng babaeng 'yon. Gusto ko marinig ang pagsigaw nito na musika sa aking tenga habang paulit-ulit itinatarak ang kutsilyo sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. Gusto ko matikman ang utak nya. Panigurado akong masarap 'yon.

Napatingin ako sa lalaking nasa harapan nito. Naningkit ang mga mata ko at napahawak ako nang mahigpit sa kutsilyo. Mukhang may sisira na naman ng plano ko. Kailangan ko mapatay ito sa lalong madaling panahon. Ayoko ng sagabal sa mga gawain ko.

Bumaba ang tingin ko sa ulo ng taong  kapapatay ko pa lamang. Itinaas ko ito sa pamamagitan ng paghawak sa kanyang buhok at hinaplos ang kanyang mukha.

"Kawawa ka naman. Kung sana ay tumahimik ka na lang at hindi nagsinungaling. Edi sana hindi ka namatay.", narinig ko pang sumagot ito ngunit isinilid ko na lamang ito sa isang supot. Kakailanganin ko pa ito para bukas. 

"Ano ba 'yan? Ang baho!", napatingin ako sa babaeng 'yon at napangisi.

"You're so loud."

Napaka-inosente ng mga taong toh para maisipan pang lumipat sa Subdivision magpapahamak sa kanila. Masyado na akong gutom para sa mga utak. Ilang araw na lang ang itatagal ko at hindi na ako makakatiis. Gusto kong ubusin ang mga tao sa lugar na ito hanggang sa wala nang matira. Uhaw na uhaw na ako sa utak at dugo.

 Magpakasaya muna kayo at bumuo ng kaibigan. Tutal ay nakatira na kayo sa isang bahay, hindi na mahirap na paslangin kayo. 

Sisiguraduhin kong magsisisi kayong lahat na lumipat pa kayo.

Scent of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon