Miracle's POV
Lumabas ako ng bahay sapagkat hindi ko matiis na makasama doon ang taong kinamumuhian ko. Narinig ko pa ang pag-angal ng aking mga magulang bago ako makalabas ng pinto ngunit wala na silang nagawa sapagkat buo na ang desisyon ko.
Malalim na ang gabi at kakaunti na lamang ang taong makikita sa labas. Marahil ang ilan sa kanila ay nagpapahinga na sa sari-sarili nilang bahay.
Napabuntong hininga ako.
"Sana lahat ay nakakatulog nang maayos ngayong gabi"
Umiling na lamang ako sa isipin na iyon. Iwinaksi ko ito sa aking utak at nagpatuloy sa paglalakad.
Ilang sandali pa ay nakaramdam ako na parang may kakaiba sa kalsadang aking nilalakaran. Huminto ako at inilibot ang paningin sa paligid. Kumabog nang mabilis ang aking puso dahil sa labis na takot. Sa mga sandaling ito ay nararamdaman kong tila may pares ng mga matang nakatingin sa akin. Napahawak ako nang mahigpit sa sling bag ko at itinaklob ang hood ng hoodie ko sa aking mukha at mabilis na naglakad.
Inilabas ko ang phone ko at tinurn on ang location nito at nagkunyaring may tinatawagan hanggang makalagpas ako sa kalasadang 'yon at nakakita ng mga tao.
Pagkalipas ay narating ko ang isang convenience store. Malapit lang ito sa subdivision ngunit tila ang layo ng nilakad ko dahil sa labis na kaba.
Pumasok na ako upang kumain dahil hanggang ngayon ay parang wala pa ring laman ang tyan ko sapagkat kaunti lang ang kinain ko sa kadahilanang wala akong gana.
Tinungo ko ang isang mataas na shelf at nagbalak na kunin ang paborito kong creamy seafood ngunit hindi ko maabot ito. Sinubukan ko nang sinubukan hanggang sa malapit ko na itong makuha. Ngunit sa isang iglap ay nawala ito sa aking paningin.
"Bingo."
Napatingin ako sa tao sa likod ko nang masama at sa cup noodles ko na nasa kamay nya na ngayon.
"AKIN NA 'YAN.", matigas kong sabi at dinuro sya. Aba, hindi naman yata ako papayag na kunin nya ang pinaghirapan ko.
Napaangat sya ng tingin sa akin at ibinaba ang hood nya kaya't tumama ang paningin ko sa kulay karagatan nyang mga mata. Napahinto ako at dahan dahan ibinaba ang nakaduro kong kamay sa kanya.
"Tss.", sambit lang nito at nilagpasan ako dahilan upang magbalik ako sa wisyo.
Hindi ako nagpatinag at sinundan ito. Hinila ko ang laylayan ng hoodie nya dahilan upang mapatingin sya sa akin. Itinagilid nya ang ulo nya na para bang nagtatanong.
"Akin na 'yang hawak mo hoy. FYI, pinaghirapan ko kunin 'yan."
Itinaas nya ang cup noodles na para bang nagtatanong kung iyon ba ang tinutukoy ko kaya't tumango ako. Unti-unti nyang iniabot sa akin ito. Napangiti naman ako.
"Mabait ka naman pala eh.", kinuha ko ito ngunit inilayo nya 'yon nang mabilis sa akin.
"I got it first, so it's mine."
Nanlaki ang mata ko. "Excuse me, pinaghirapan ko kunin 'yan. Nakita mo naman siguro, diba? Kaya akin na 'yan. Nag-iisa nalang 'yang stock dito"
Napaisip sya. "What if..."
"... I don't want to."
Nangunot ang noo ko sa labis na inis at pinaghahampas ang dibdib nya nang walang sawa ngunit tila hindi nya 'yon ininda. Sa tingin ko nga ay mas nasasaktan pa ang kamay ko sa tuwing tatama ito sa dibdib nya.
Salubong ang makakapal nyang kilay na nakatingin sa akin. Pagkalipas ay huminto na ako sapagkat nasatisfy na ako sa ginawa ko sakanya.
"Hoy, tatandaan mo toh kung sino ka man na kasing kapal ang kilay ni angry bird ha. Babalikan kita.", sambit ko habang dinuduro sya.
Umaatras ako ngunit nakaharap pa rin sakanya. Nagbago ang ekspresyon ng kanyang mga mata at hinigit ako sa aking baywang na syang ikinagulat ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa ngayon at naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Kaunti na lang ay maririnig ko na rin ang bawat paghinga nito. Napanganga ako habang nakatulala sa kanya.
Bumaling ang tingin nya sa akin at binitawan ako habang ako ay nanatiling nakanganga. Iniwas nya ang tingin nya.
"Next time, be careful.", aniya at tumalikod sa akin. Naupo sya sa pinakamalapit na silya.
Tumalikod ako at napagtantong may hawak na tray na puno ng kape ang lalaking nasa likod ko kanina na isang hakbang na lamang paatras ay maaari pang malapnos ang balat ko.
Lumapit ako sa kinauupuan ng lalaki at tumingin lang sa kanya. Binitawan nya ang cellphone nya nang mapansin ako.
"What do you need?", tanong nito habang nakayuko.
"Masama ba? Magthe-thank you lang eh.", umangat ang tingin nya at tiningnan ako sa mata.
"For what?", seryosong tanong nito na animo'y hindi alam kung bakit ako magpapasalamat.
"Kanina. Eh diba--"
"I did that para hindi rin ako matalsikan.", napanguso ako. Natigilan naman ito nang napansin 'yon at napatingin sa labi ko. Tinakpan ko ang labi ko nang mabilis at hinawakan ang pisngi ko sapagkat bahagyang nag-iinit ito.
Napangisi sya at iniabot sa akin ang cup noodles na pilit kong kinukuha sa kanya kanina. Napaturo ako sa aking sarili na para bang nagtatanong.
"Get it before I change my mind", aniya kaya't kinuha ko ito. Nilagyan nya na pala ito nang mainit na tubig kanina kaya't sinimulan ko na itong kainin.
Pagkatapos ay napahawak ako sa tyan ko sapagkat tila napuno na ito. Tumayo ang lalaki at dire diretsong naglakad paalis. Napangiwi ako, ang suplado naman nun.
Napagdesisyunan ko na ring lumabas sapagkat gabing gabi na at kailangan ko na ring umuwi. Sigurado naman akong tulog na rin sila sa bahay.
Nagulat ako nang makitang hindi pa umaalis ang lalaki kanina at nakatayo lang ito sa labas habang nakasandal sa isang kotse. Napaangat ang tingin nito nang makita ako at binuksan ang pinto ng kotseng tingin ko ay sa kanya.
"Get in.", utos nito. Tatanungin ko pa sana kung bakit ngunit nauna na itong pumasok kaya't wala na akong nagawa.
Nagkibit balikat na lang ako at binigay sa kanya ang address ng bahay.
Binasag ko ang katahimikang namayani sa loob ng kanyang kotse.
"B-bakit mo ako ihahatid?"
"Delikado."

BINABASA MO ANG
Scent of Death
Mystery / ThrillerLumipat kayo ng pamilya mo sa isang lugar upang masigurado ang inyong kaligtasan. Ngunit ilang araw pa lang kayong namalagi dito ay sunod sunod na pagsalakay ang nangyari sa subdivision na inyong tinitirahan. Brutal, madugo at walang kaawa-awang pa...