Miracle's POV
Kasalukuyan naming inilalabas mula sa likod ng kotse ang kanya-kanya naming mga bagahe. Hindi namin inalintana ang bigat nito upang mapabilis ang pagpasok namin at ng mga kagamitan sa bago naming tutuluyan na isang subdivision. Malayo sa dati naming bahay na lapitin ng gulo.
Tumayo ako at binitawan ang isang maleta na hawak-hawak ko at napatingin sa bago naming bahay at sinuri ito. Asul ang kulay nito ngunit ang ibang parte ay kinulayan ng puti. Ang kabuuang sukat nito ay hindi gaanong kalaki ngunit sobra ang espasyo nito sapagkat tatlo lang naman kaming maninirahan dito.
"Anak, bilisan mo ang pagpasok sa mga 'yan", napatingin ako sa tatay kong nagsalita. Umirap ako at nakita iyon ng aking nanay kaya't nginitian nya ako at tinapik ang aking balikat na para bang sinasabing kumalma ako. Napabuntong hininga na lamang ako at ipinagpatuloy ang pagbubuhat ng aking mga gamit at ipinasok ko na ito sa loob ng bahay.
Hindi kami magkasundo ng tatay ko. Bata pa lamang ako ay iniwan na nya kami ni mom para raw makipagsapalaran sa ibang bansa. Nagpapadala naman ito ng malaking halaga ng pera dahilan upang makapagpatayo rin ng negosyo si mom na naging matagumpay naman. Ngayon ay mayroon ng branches nationwide ang restaurant namin na dati'y isang maliit na negosyo lamang. Masayang masaya kami noon ngunit isang araw ay naabutan ko si mom na umiiyak. Sinabi nyang wala lang daw 'yon ngunit narinig ko sa sinabi ng mga kapitbahay na may kabit daw ang tatay ko sa ibang bansa kaya't nagpapadala na lamang ito at hindi na umuuwi ng Pilipinas tuwing pasko. Kinamuhian ko sya magumula noon at sinumpa ko na sana balang araw ay makarma sya sa ginawa nya. Dumating sya sa bahay pagkatapos ng ilang taon na lumuluhod at nagmamakawaang tanggapin namin siya ulit. Tinanggap sya ni mama, ngunit wala na akong maramdamang awa para sa kanya. Sya ang dahilan kaya umiiyak kami tuwing gabi kaya wala syang karapatan patawarin. Malaking kasalanan nya 'yon na dinadala ko pa rin sa hinanakit ko hanggang ngayon.
Napahiga ako sa kama kong kulay asul. Malambot ito katulad nang kama ko dati sa dati naming tinutuluyan. Napatingin ako sa ceiling at malalim ang buntong hiningang pinakawalan ko.
"Sana maging ligtas kami dito"
Habang nagmumuni muni ay nakarinig ako nang yapak na nanggagaling sa hagdan. Nasa ikalawang palapag pa kasi ang kwarto ko kaya kailangan pa itong akyatin. Samantala, ang kwarto naman ng mga magulang ko ay nasa baba.
"Anak..."
Napalingon ako sa nanay kong nagsalita. Napabangon ako sa aking higaan. Umayos ako ng upo at tiningnan sya. Unti unti itong lumapit sa akin habang nakangiti. Umupo sya sa aking tabi at hinaplos ang aking buhok.
"Sana ay patawarin mo na ang tatay mo.", napaiwas ako ng tingin.
"Mom, alam mong hindi ko pa kaya.", Napatango sya at ngumiti. Inilagay nya sa likod ng tenga ko ang ilang hibla ng aking buhok.
"Alam ko. Pero alam mo ring utang na loob natin sa kanya ang lahat.", napapikit ako sa inis. Fuck that 'utang na loob'. Matagal nang napalitan ng utang na loob na 'yon ang pagtataksil nya sa pamilya namin.
"Sya ang dahilan kaya nagkaroon tayo ng malagong negosyo at nakakapag-aral ka sa maayos na eskwelahan."
Nakangisi akong tiningnan sya, "Mom, pera nya. Pera nya na pampalubag loob lang pala. Ginawa nya lang 'yon para hindi natin sya paghinalaan".
Nawala ang ngiti nya sa kanyang mukha na tila hindi nagugustuhan ang inaasal ko. "Hindi kita tinuruan ng ganyan, Miracle.", sambit nya sa isang seryosong tono. Napayuko ako at niyukom ang kamao ko. Bagay na ginagawa ko tuwing naiinis ako.
"Mom, Please. It's not that easy. Walang anak ang ginustong pagtaksilan ng tatay ang pamilya nya.", tumayo ako at tinalikuran sya. Napahawak ako sa aking sintido. Ilang sandali pa ay narinig kong tumayo sya at malalim na napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Scent of Death
Mistério / SuspenseLumipat kayo ng pamilya mo sa isang lugar upang masigurado ang inyong kaligtasan. Ngunit ilang araw pa lang kayong namalagi dito ay sunod sunod na pagsalakay ang nangyari sa subdivision na inyong tinitirahan. Brutal, madugo at walang kaawa-awang pa...