Chapter 9

17 6 1
                                    

Miracle's POV

"As I was saying, the hair from her head seems to be intentionally pulled..."

Napalingon ito sa ninong nyang pulis at napangisi, "Now, tell me that I am wrong about what happened 20 years ago. That history is repeating itself.", sambit nito dahilan upang maiwan ang iba sa amin na naguguluhan. Habang ang iba naman ay mababakas ang takot sa kanilang mukha.

Napailing na lamang ang pulis at tumingin kay Colter, "Hindi pa sapat na ebidensya toh, bata. May kulang pa."

"I know what you're talking about and I'll make sure to prove you wrong, officer."

~~~

Malalim na ang gabi at nakauwi na rin kami. Sinabi ng mga pulis na tapos na raw ang aming parusa. Ngunit 'wag na lang daw ulitin ang mga pagkakamaling nagawa namin kung ayaw naming maulit din ang parusa amin. Napabuntong-hininga ako at nagpagulong-gulong sa aking kama dahil sa kalituhan. Alam kong hindi lang ako kundi pati mga kasama ko ang naguguluhan din ngayon.

Ano ba kasing nangyari 20 years ago? At bakit hindi pa nila sabihin sa amin? 

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga at umayos ng upo nang makaisip ako ng paraan upang malaman nang hindi itinatanong sa kanila. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsearch sa google.

"RedVille Subdivision 20 years ago"

Ayan ang isinulat ko at nakangiti habang hinihintay na lumabas ang resulta. Bigla na lamang kasi itong naglag.

"RedVille Subdivision is a crime-free Subdivision since the day it was built."

Dismayado ang mukha ko nang makita ang resulta sapagkat wala itong nasagot ni isa sa mga tanong ko. Ang lumabas lamang kasi bukod sa isa itong crime-free Subdivision ay mga taong namamahala sa lugar. Ano namang pakealam ko don?

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong tumatawag si mom kaya't sinagot ko kaagad ito.

"A-anak"

"Hello? Mom?"

"A-ako nga"

"Bakit po kayo nauutal? Is there any problem? Sorry nga po pala. Pero saan po ba kayo nagpunta? Hindi nyo naman po ako sinabihan nang maaga.", napabuntong hininga ako. 

"Naguiguilty po kasi ako sa biglang pag-alis ko ng bahay nang gabing 'yon. Masyado lang po siguro akong nabigla"

"Hindi na importante 'yon..."

"...S-sorry din anak. Sorry kasi nagawa ko 'yon. Sorry kung may magagawa pa akong ikakasama ng loob mo."

Napangiti ako, "Ayos lang po 'yon, mom"

"I-i love you, anak. Kahit ganito ang mom mo, mahal na mahal kita."

"I love you too po"

"Bye, Miracle."

Ayun lamang ang sinabi nya at ibinaba na ang linya. Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng kirot sa aking puso pagkatapos ng pag-uusap na 'yon. Para bang sinaksak ng libo-libong kutsilyo ang aking dibdib. Bigla na lamang naging matamlay ang lagay ko at nawalan ng gana.

Para kasing may ibang kahulugan pa ang sinabi nya. Tinawag nya rin ako sa pangalan ko na hindi nya naman ginagawa. Pati ang pamamaalam nya ay kakaiba. Madalas kasing masigla ang tono nito kapag ganoon. Ngunit ngayon ay tila malungkot sya. Kahit ang pagpapahayag na mahal nya ako ay hindi ko magawang matuwa. 

Iwinaksi ko na lamang iyon sa aking isipan at hinayaan ang sarili kong lamunin ng antok

~~~

Isang malakas na sigaw ang gumising sa akin mula sa aking pagkakatulog. Napahikab pa ako at napakamot sa aking ulo sapagkat naistorbo na naman ang tulog ko. 

"SERYOSO KAYO?! DITO NYO PATITIRAHIN 'YONG MGA 'YAN? ANONG AKALA NYO SA AMIN? IMBAKAN NG MGA WITNESS?! ABA! BAWAL NAMAN YATA 'YAN!"

"Oh my gosh ikaw yung perfect outcome ng mga nag-100 layers blush on challenge. Mulang mula ka, sis!"

"Bahay ko naman toh ah."

"'Wag ka nga magreklamo dyan. Buti sana kung ikaw si IU"

"Okay lang kami sa kalandian mo pero bawas bawasan pagiging OA, ok?"

"Bro, kumalma ka nga."

"Kuya, ang puso mo po"

"Kumalma ka nga, Keir. OA mo, 'di naman sa'yo 'tong bahay."

Sumisigaw na Keir at umaawat na lahat ang agad na sumalubong sa akin mula sa aking pagkakababa sa hagdan. Nanlaki pa ang mga mata ko nang tingnan kung sino ang kausap nila at napapikit ng dalawang beses na para bang hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Napapadyak na lamang ako sa inis at napatmpal sa aking noo. May nagawa na naman ba kami para dito biglang patirahin 'yang mga sinasabi nilang Witness? Nakakabahala. Sa mga panahong ganito ay nakakatakot na ang magtiwala.

"Mr. Suarez, hindi sa'yo nakapangalan ang bahay na 'to kundi kay Ms. Lars. Pinayagan nya na rin kami kaya't walang dahilan para hindi namin sila patirahin dito. Isa pa, for witness protection din."

"ANONG WITNESS PROTECTION?! WITNESS PROTECTION?! EDI KAYO YUNG PRUMOTEKTA SA MGA 'YAN. PULIS KAYO, DIBA?!"

"Mr. Suarez, nirekomenda ni Colter ang tirahan na ito. Malaki ang tiwala namin sa batang 'yan. Isa pa, malalaman agad ng mga suspect na nasa amin ang mga witness. Maaaring mapahamak pa sila. May mga pulis naman na magbabantay sa paligid ng bahay na ito. Kaya 'wag kayo mag-alala. 

"Sandali lang po.", sambit ko dahilan upang mabaling sa akin ang atensyon ng lahat.

"Paano kung isa sa loob ng bahay na toh ang pumapatay? Maituturing pa po ba 'yong, "Witness Protection"?"

3rd Person's POV

Pagala-gala ang tingin nito sa kanilang lahat. Sinusuri ang bawat galaw na pwedeng makasira sa kanila.

Napangiti ito sa isiping dadami na naman ang kanyang laruan. Na marami na namang tao ang mamamatay sa kanyang mga kamay.

Pakiramdam nya ay napaka-makapangyarihan nya kapag naririnig ang malakas na hagulgol at pagmakakaawa ng kanyang mga biktima. Ang pag-iyak ng mga ito ay musika sa kanyang tenga.

Dumako ang tingin nito sa babaeng balak nyang gawing huling laruan. Naiisip nya pa lang ang dugo at utak nito ay tila natatakam na sya.

"Paano kung isa sa loob ng bahay na toh ang pumapatay? Maituturing pa po ba 'yong, "Witness Protection"?"

Napangisi sya sa kanyang isipan, "Marami na ang aking mga laruan. Magsisimula na ang totoong laro."

Scent of DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon