Chapter 1:

664 12 10
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]



[Your POV]

"Will you marry me, ^^^^?" lumuhod si Chael sa harapan ko.

Nakatitig lang sya sa mga mata ko na tila ba naiiyak sya habang sinasabi yung mga linya na yan. Pinagmasdan ko yung paligid, ang daming christmas lights, sobrang romantic!!!

Naggigitara si RJ sa likod habang kumakanta naman sila Kuya Carl at Japs ng "God gave me you". Sobrang sarap sa tenga ng boses nila.

Nandoon rin yung pamilya ko at ang pamilya ni Chael sa tabi nila Kuya Josh. Binalik ko yung atensyon ko kay Chael. Ramdam ko yung kaba nya habang hinihintay yung sasabihin ko.

Tinitigan ko sya sa mga mata nya.

At sabay sabing "I—-DO!"



"ATE!!! Gising ka na diyan! Lagot ka kay mama sige ka, baka ma-late ka pa daw." Nanginig ang mundo ko at napadilat ako ng wala sa oras.

"Panaginip lang pala." Bulong ko sa sarili ko, kinusot ko ang mga mata ko.

Grabe yung panaginip ko na yun ah? Kala ko totoo na eh. Ano kayang feeling ikasal sa idol mong banda no? Well, wag nyo 'ko ijudge kasi hindi lang naman ako yung nangangarap nyan.

Pagtingin ko sa orasan, 8:18am palang pala. Kung makagising kasi sakin tong si Ellie kala ko male-late na talaga ako.

Tumambay muna ako sa kama ko at nagcellphone. As usual, nagscroll sa Twitter, Instagram, at Facebook.

Nagpunta ako sa IG profile ni Chael at nakita ko na nagpost sya.

Nagpunta ako sa IG profile ni Chael at nakita ko na nagpost sya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Grabe ang gwapo talaga ng mahal ko!!!

"Good morning, love! ♥️" magcocomment sana ako pero naalala ko na matagal ko na pala tinigil yung pagkocomment at pagmemessage sakanya gamit yung account ko dati sa IG. Nako buti nalang nakalimutan ko na password ko don at di ko na maretrieve. Nakakahiya yung halos everyday na pagsesend ko ng message kay Chael eh. Feeling girlfriend ka gurl?!

Pero ayun nga, may bago naman na 'kong account ngayon pero name ng favorite series character ko yung name na gamit ko kaya onti lang followers ko don. I'm just actually using that para ma-stalk yung The Juans.

At exactly 9:00am eh tumayo at kumilos na 'ko dahil may event sa school namin ngayon. Anniversary kasi ng univ namin so may mga sikat na banda na pupunta. I heard some of the famous bands that will perform will be Silent Sanctuary, Parokya ni Edgar, and IV of Spades.

Wait, meron pa pala! Pati pala yung Magnus Haven ay kasama rin though I haven't heard much from them kasi nga kakastart palang ng band nila. I don't even know what they look like.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon