Chapter 17:

91 10 7
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]





[Your POV]

"^^^^??? Si David 'to."

OMG. Nakapatong ako kay David ngayon?! Di ko maaninag masyado yung mukha dahil madilim pero medyo kita ko yung hulma ng features ng face nya.

Sobrang ramdam ko rin yung init na lumalabas sa bawat paghinga nya. Yes! Ganito kami magkalapit ngayon!

Agad-agad akong bumangon at pinagpagan ko yung damit ko! "Really, David? You would really go this low?" I almost shouted at him kasi grabe yung kaba ko!

"Wala akong alam dito. Idea 'to lahat nila Rey at Rajih. Maniwala ka naman sakin." Sabi nya.

Then, lumapit sya banda sa may pinto, at sumigaw "Buksan nyo na nga yung ilaw! Di kami magkakitaan dito! Alam kong andyan lang kayo sa labas."

Kaya naman bumukas na yung ilaw. Parehas kaming nasilaw ni David. Napatitig sya ng mabuti sakin nung nakita nya na suot ko yung damit na binigay nya.

Biglang may sumigaw na galing sa labas. "Di namin 'to bubuksan hangga't hindi mo kinakausap yung kaibigan namin. Sorry, ^^^^. Pero please mag-usap na kayo. Plano namin tong apat! Di kasali si David." Sure ako na boses ni Rey 'yon.

Acting lang pala yung ginawa ni Wis kanina. Ugh!!! Kairita talaga super nag-alala pa naman ako kay Rajih dahil akala ko totoo.

"Please, kausapin mo na 'ko. After nung nangyare sayo don sa campsite. Hindi mo na 'ko kinausap. Sobrang nag-alala ako." He sounded so sincere.

"Bakit? Bakit bigla ka nalang umiwas?" Dagdag nya.

"Wala lang. Baka mamaya, di ako aware na ang epal ko na pala sa inyo ni Nikki." Girl!!! Eto talaga sinabi ko?

"So, about kay Nikki 'to? Wala namang kami. Never naging kami. Siguro dati, muntik na. Pero bigla syang umalis eh." Nagpaliwanag si David.

"Di mo naman kailangan magpaliwanag. I mean, friends lang naman tayo eh diba? Oh basta okay na. Wala na 'ko sasabihin." Sabi ko.

"Nagseselos ka ba kay Nikki?" Tinitigan ako ni David ng diretso. WOW HA!

"Bakit naman ako magseselos kay Nikki eh magkaibigan lang naman tayo? Bakit ikaw ba nagseselos ka kay Chael?" Tinarayan ko sya kasi nainis ako. Galingan mo pa sa pagdeny, girl!

"OO. Oo, ^^^^. Nagseselos ako." Sinabi nya.

Wait, di ko inexpect yung sagot nya. Di ko alam sasabihin 'ko! Saan ba patungo yung usapan na 'to?!

"We're good, David. Hindi ako galit sayo or kung anuman. Okay? Just give me time." Sabi ko pero medyo mahina.

"Sige, pero please. Just let me, hayaan mo lang ako na lumapit sayo. Or mag-effort. Wag ka lang lumayo, and wag moko pigilan." Nagsmile sya sakin.

Damn! Namiss ko yung smile na 'yan. Ngingitian moko ng ganyan pagkatapos nyo mag-kiss ni Nikki? Iba ka talaga, David.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon