Chapter 5:

125 5 1
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]




[David's POV]

Ilang segundo na nakakalipas pero ang tahimik nya parin. Hanggang ngayon curious parin ako kung bakit parang gulat na gulat sya bigla habang nagcecellphone. Ano ba kasi nakita nya?

"Uy, okay ka lang, ^^^^?" Hinawakan ko sya sa balikat.

Bigla nya 'kong tinignan sa mga mata ko "Oo naman. Tara inom pa tayo!" Sabi nya. Medyo naluluha yung mga mata nya. Pero di ko sya mabasa kung malungkot ba sya or masaya?

Tumayo sya bigla kaya sumunod na rin ako. Nakasalubong namin sila Louise at Sean na papunta sa pool kasama yung ibang mga tropa namin.

Si Rajih naman at Rey eh nagjajamming habang umiinom. Si Rey yung naggigitara at si Rajih naman yung kumakanta. Bigla silang tumigil nung nakita nila kami na papalapit.

"Ang dadaya nyo ha! Habol kayo sa alak!" Sabi ni Rajih sabay tagay ng alak sa may red cup.

Nagulat ako kay ^^^^ kasi agad-agad nyang kinuha at ininom ng dire-diretso yung alak. Nagulat rin si Rey at Rajih sakanya.

"Okay ka lang ba talaga? Baka malasing ka naman dyan ah?" I checked on her.

"Hayaan mo lang sya! Ikaw rin inom ka ng marami. Birthday mo pa naman ngayon!" Ayan sinita ako ni Rey. Ayaw nya kasi yung may nagpipigil ng inom sa isang tao.

Sumabay lang ako sakanila sa inuman, pero dito ako nagwoworry para kay ^^^^. Pare! Di sya nagpapaawat. Dire-diretso yung pag-inom nya. Problemado ba 'to?

"Request ka ng kanta, ^^^^. Or duet kayo ni David!" Suggestion ni Rey.

"Sige, yung Panalangin nalang! Kakantahin ni David para satin since birthday nya." Ngumiti sakin si ^^^^. Kaya naman tumugtog si Rey ng Panalangin. Kami nalang ni Rajih yung nagduet.

Maya-maya sa kalagitnaan ng kanta, napansin ko na tumutulo yung luha ni ^^^^. Nagpunas sya agad pero too late dahil napansin ko na nga. Tinagayan sya ulit ni Rajih ng puno na alak sa red cup nya. Diniretso nya ulit ng inom.

Bigla nyang sinandal yung ulo nya sa may lamesa. Napatingin kami nila Rey at Rajih sakanya. "Lasing na 'to." Bulong ko sa sarili ko.

"Alalayan mo na yan, pare. Patulugin mo na sa kwarto nila." Sabi ni Rey.

"Gara nyo kasi eh. Tinagayan nyo ng tinagayan eh." Napailing ako kay Rey at Rajih.

"Okay lang yan. May tutulugan naman sya oh. Tsaka minsan lang yung ganito dapat sinusulit!" Nagsalita si Raj bago uminom ng alak sa baso nya.

Hinawakan ko si ^^^^ sa balikat at nilapit ko yung bibig ko sa tenga nya para bulungan sya. "Tara na, bangon kana dyan. Aalalayan kita para makatulog kana don sa may taas."

Bumangon sya dahan-dahan at tumayo. "Ano ba kaya ko pa no!" Then tumawa sya. Lasing na lasing na 'to grabe. Muntik na nga syang tumumba kaya kinapitan ko sya sa may bewang para alalayan sya.

Buti naman at nakaakyat kami ng safe sa may kwarto na tutulugan nya dahil kulang nalang buhatin ko sya! Pagkapasok namin ng kwarto, pumunta sya ng pagewang-gewang sa may bag nya at may kinuha.

"Oh regalo ko nga pala sayo." Inabot nya sakin yung paperbag. "Happy birthday, David." Naappreciate ko na binati nya 'ko kahit almost tunog gibberish na yung salita nya dahil nga lasing sya. Hahahaha.

"Salamat dito." Ngumiti ako sakanya. "Humiga kana dyan. Kukuha muna kita ng cold water pampawala ng tama." Dagdag ko. Kaya bumaba ako saglit para ikuha sya ng malamig na tubig.

Pagkabalik ko, nakahiga na sya sa kama at nakapikit. Lumapit ako at umupo sa may tabi nya banda. "Oh inom ka muna." Inalalayan ko sya sa pagkakaupo.

Pagkatapos nya uminom ng tubig. Nagulat ako sa sinabi nya "Ang caring mo sobra. Kaya ang dali mong magustuhan eh!" Then, tumawa sya. Nagjojoke ba 'to?

"Pwede ako magtanong?" I asked.

"Sige, sulitin mo na habang may tama pako ng alak!" Ang lakas ng boses nya pag lasing sya. Kala mo sinisigawan ako eh.


"Nung andon tayo sa may gilid ng pool, bakit parang nagulat ka sa nakita mo sa phone mo? Tsaka napansin ko, medyo naluluha mga mata mo non." Bigla syang pumikit pagkatapos ng tanong ko na yan.

Akala ko di na sya sasagot, dahil baka nakatulog na sa sobrang kalasingan? Pero yun nga, dumilat sya ulit then nagsalita sya.

"Si Chael." Sabi nya, medyo humina boses nya.

"Pinuntahan nya pala 'ko dun sa lugar kung saan ko sya hinantay nung mga oras na feeling ko sobrang mag-isa ako... pero hindi nya 'ko naabutan. All this time akala ko di nya pinansin yung message ko." Dagdag nya.

Si Chael nanaman pala.

"Diba dapat masaya ka kung ganon? Pero bakit parang ang lungkot mo?" Tanong ko.

"Masaya ako. Sobrang masaya ako. Pero kasi, mabilis rin maguluhan yung damdamin ko." Nakayuko lang siya habang sinasabi yan.

"Bakit ka maguguluhan kung sya lang naman yung gusto mo?" Wait, ako ba 'to? Di ko naman ugali makipag-usap ng ganito sa kahit na sino.

Huminga muna sya ng malalim. "Eh kasi hindi nalang naman sya yung gusto ko eh." Tinitigan nya 'ko sa mga mata ko.

"Anong ibig mong sabihin?" Napalunok ako bigla ng laway ko.

"Gusto k—" Naputol sya sa sasabihin nya dahil pumasok si Chelsea at Nina bigla.

Nagulat sila dahil nasa iisang kama kami ni ^^^^. "Ay shit sorry!" Sabi ni Nina.

Akala ata nila kung ano ginagawa namin.

"Matutulog na 'ko. Good night, David." Sabi ni ^^^^ at humiga na sya.

Pero di pa kami tapos mag-usap. Nakakainis naman! "Osige, good night." Sabi ko at lumabas na 'ko ng kwarto.

Bakit sya naguguluhan? Sino yung iba nyang nagugustuhan? Ang lakas rin ng tama nya don kay Chael eh no. Sa lahat ng magugustuhan nya, si Chael pa. Bakit si Chael pa? Eh mga kaibigan namin yung mga The Juans.

Pero teka lang. Ano bang pake ko? Bakit naiisip ko lahat ng 'to?

Dumaan muna ako sa may kwarto namin para ilagay yung regalo ni ^^^^ sa loob ng bag ko. Pagkatapos, bumalik nalang ako sa baba kila Rey at Rajih dahil nag iinuman parin sila. This time, kasama na sila Sean at Louise pati iba naming mga tropa dahil tapos na sila maligo sa pool.

"Oh bakit di mapinta yang mukha mo?" Napansin ni Louise.

"Huh? Pinagsasabi mo dyan." Eto nanaman ako, si maang-maangan.

"Dapat happy happy lang! Salubong celebration natin 'to ng birthday mo eh!" Sabi ni Rey sabay abot sakin ng isang red cup na puno ng red horse.

"Oh bottoms up!" Sigaw nila.

Kaya ininom ko diret-diretso yung alak.

Sino ba nagsabing hindi ako okay? OKAY LANG AKO.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon