Chapter 6:

118 9 7
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]



[Your POV]

Hindi ko lubos maisip na nagreply si Chael sa huling message ko sakanya sa Twitter. Grabe! Sumunod pala sya don sa coffee shop. Sobrang saya ko. Actually, naiiyak ako ngayon sa sobrang saya.

And naiinis rin at the same time, sana pala naghintay ako ng mas matagal. Edi sana nakasama ko sya nung mga oras na yon!

Maya-maya, tinanong ako ni David kung okay lang daw ba 'ko? Shocks. Kasama ko nga pala sya. Di na kasi maalis sa isip ko si Chael pagkatapos ko makita yung message nya. Niyaya ko nalang si David na uminom don kasama sila Rey dahil parang sasabog ako sa nararamdaman ko. Iba parin pala talaga tama ko sayo, Chael!

Biglang kumanta si David at Rajih ng Panalangin, everytime talaga naririnig ko boses ni David, namamangha ako. Parang sinasayaw ako sa ulap. Pero yung lyrics, si Chael naalala ko. Kaya 'di ko napigilan maiyak. Siya yung panalangin ko eh. Eversince kasi na pumasok sya sa The Juans, nainlove na 'ko sakanya. 2 years ko na syang mahal.

Kinaumagahan pagkagising ko, napansin ko na tahimik si David. Hindi nya 'ko masyado kinikibo. Actually hindi lang ako, kaming lahat na andon sa may cabin house. Pagkatapos namin kumain ng breakfast, inayos ko muna bag ko para ready na for check out mamayang 12pm.

Tumambay muna ako sa may terrace, sobrang ganda ng view dito. Kita yung mga bundok at maraming puno. Napakasimoy rin ng hangin! Ang sarap dito. Naisip ko tignan cellphone ko, binasa ko ulit yung message ni Chael.

Replyan ko na ba sya? Pero ano naman sasabihin ko? Magrereply ako after almost 3 months? Baka nga nakalimutan na 'ko non.

Nagulat ako dahil biglang sumulpot si David at umupo sya sa may tabi ko. Ngumiti sya sakin pero halata naman na medyo malungkot sya.

"Bakit ang tahimik mo?" Tinignan ko sya.

"Hindi ah. Masaya nga ako eh. Thank you kasi sumama ka sa celebration ko." Nakatingin sya sa malayo.

"Weh? Eh masaya ka ba talaga?"

Bigla syang tumingin sakin "Oo nga, masaya ako kasi andito ka. Sana maulit pa 'to. Yung nasa ganitong lugar tayo. Magkasama." OMG. Gusto nya 'kong kasama? Di ko napigilan magblush sa narinig ko.

"Babawi ako sa susunod. Sorry if tshirt lang regalo ko ha." Napayuko ako nung sinabi ko 'yan since nagpipigil nga ako ng kilig.

"Di mo naman need bumawi. Basta sa susunod kong birthday, kasama parin kita ah?" He smiled at me. You know that smile that a 5 year old kid gives after he/she receives a present? Ganon. Ganon yung smile nya.

- -

Mga hapon na 'ko nakauwi samin galing sa Tagaytay. Nilapag ko lang yung gamit ko saglit at humiga sa kama ko. Kinuha ko cellphone ko at minessage si David.

^^^^
"I'm happy na naging masaya ka sa araw mo. Enjoy your day with your fam! Thank you sa pag-invite sakin. Mag-iingat ka sa pagdadrive ha? Happy birthday ulit, Davs! 🥳❤️"

Pagkasend ko non, dumiretso ako ulit sa dati kong Twitter account. Pinagmasdan ko lang ulit yung reply ni Chael, nag iisip ako ng sasabihin ko. Pero wala ako maisip.

Nag-earphones nalang ako at nakinig sa Spotify. Pinatugtog ko yung Sirang Plaka by The Juans.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon