Chapter 3:

197 8 9
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]


[David's POV]

Andito kami sa may studio kung saan kami lagi nagpapractice. May tugtog kasi kami ulit sa may Cavite, doon malapit sa lugar nila Rajih.

"Kain tayo pagkatapos, nagugutom na 'ko." Yaya ni Sean.

"Gusto ko ng kaldereta!!!" Sumigaw si Rey sa may mic. Sakit sa tenga!

"Si mama maritess masarap magluto ng kaldereta diba?" Sabi ni Louise. Nilulutuan kasi sila ng mama ko non pag tuwing may event.

"Oo kaya favorite ko kaldereta eh." Sabi ko. Aba syempre mama ko yun!

"Lapit na pala birthday mo, David! Ano na plano?" Tinanong ako ni Rajih pagkatapos nya uminom ng tubig sa starbucks nyang baso.

"Diba sabi nyo gusto nyo sa Tagaytay?" Napag-usapan na kasi namin 'to last time.

"Oo yung tayo-tayo lang tsaka ibang tropa natin. Syempre dapat iba yung celeb mo na kasama mga boss natin tsaka yung tayo-tayo lang." Sino pa ba may pasimuno? Syempre si Rey.

"Wow! Dami kong pera ha?" Binato ko ng panyo si Rey.

"Tangeks! Syempre di mo naman shoulder lahat." Sabi ni Louise.

"Sino isasama mo?" Ngumisi si Sean sakin.

May gusto akong sabihin kung sino pero ayokong manggaling sakin.

"Kailangan pa ba non?" Sabi ko, kunware wala akong naiisip kung sino.

"Ay isama natin si ^^^^!!" Ngumiti ng sobrang lawak si Rajih.

"Di ko sure if sasama 'yon." Syempre kunware wala lang sakin. Pero sana, sana lang talaga.

"Kami magyayaya!" Tumaas yung dalawang kilay ni Rey. "Oo nga easy lang yan!" Nag-agree si Rajih.

"Kayo bahala magyaya, baka kasi di sya pwede." Sabi ko ulit pero poker face lang.

"Ay alam ko yung mukhang yan!" Sabi ni Louise. Bigla silang tumingin lahat sakin.

"HAHAHAHA oo nga alam ko rin yung mukhang yan!" Ayan na nakisali na rin si Sean sakanila.

"Ano nanaman meron sa mukha ko?" Wait, ano nga ba kasi?

"Ayan yung kunware ayaw pero gusto. Nako kilala kana namin. Wag kami bro, wag kami." Tawa parin ng tawa si Rajih.

"Nako! Bahala kayo dyan." Sinubukan ko mag-straight face pero di ko mapigilang mapatawa.

"Amin na phone mo dali!" Sabi ni Rajih.

"Yan ka nanaman eh! Akala mo di ko nabasa yung NAKAKATACUTE na text mo kay ^^^^ habang tulog ako?"

"Tatawagan nga natin eh with your consent po. Iinvite natin!" Bumabawi si Rajih.

"Osige, kayo na bahala dyan." Inabot ko yung phone ko kay Rajih. "Ayusin nyo ha!" Dagdag ko.

Nag-agawan pa yung dalawang mokong sa cellphone ko. Pero syempre di nila alam na tinawag ko silang moko sa isip ko.

"Ano name nya dito?" Tanong ni Raj.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon