Chapter 21:

115 9 14
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]





[David's POV]

May mga tao pala talaga na grabe magmahal 'no? Yung hindi humihingi ng kapalit. Yung taong sasamahan ka sa lahat, kahit sa lungkot o saya pa yan. That's why, I'm thankful.

Si Trish kasi nagpatunay sakin ng lahat ng 'yan.





Nagpunta kami ngayon sa bahay nila sa Laguna para sa birthday celebration in advance ng daddy nya. Sobrang welcome ako sa family na 'to. Napakabait nila sakin! Minsan nga inaasar ako ni Trish na nagseselos na daw sya sakin dahil kung ituring ako ng parents nya eh parang anak narin talaga.

"Oh Daboy, nagluto ako ng Kaldereta kasi sabi ni Trisha favorite mo daw 'yan." Sabi sakin ng mama nya habang nire-refill yung lagayan ng ulam.

"Opo tita favorite ko nga po 'yan. Ang sarap po ng luto nyo!" Nag-thumbs up ako.

"Nako buti naman nagustuhan mo. Dalhan mo nalang yung family mo sa inyo. Ipagtatabi ko kayo!" Nagsmile sya sakin.

"Grabe thank you, tita. Spoiled na rin talaga ako sa inyo! Ang dami nyong niluto ngayon." Sabi ko habang nilalagyan nya ng kaldereta yung plato ko.

Maya-maya, nagsalita yung papa ni Trish.

"David, pagalitan mo nga 'yang si Trish." Sabi ni tito habang nakasimangot sakanya.

"Bakit po tito?" Tanong ko.

"Dapat aalis na yan this month sa US eh. May nag-offer sakanya ng work don. Okay na lahat-lahat ng papers nya, pero sabi nya biglang ayaw na daw nya tumuloy." Binaba nya yung hawak nyang kutsara.

Huh? Pupuntang US si Trish? Pero never nya namention sakin yung plano na 'yon!

"Daddy! Wag na natin pag-usapan please. Decided naman na 'ko." Yumuko si Trish.

"Sinayang mo lang lahat ng pagod mo. Ewan ko ba sa'yo." Napailing nalang si tito sakanya.

Pagkatapos namin kumain, tumambay kami ni Trish sa balcony nila habang nagpapatugtog sya ng Kathang Isip ng Ben&Ben. Parehas rin kasi kaming fan.

Naalala ko yung binanggit ni tito kanina habang kumakain kami kaya naman inopen up ko ulit yung topic sakanya.

"Babe?" Sabi ko sakanya habang sinasabayan nya yung song.

Napatigil sya sa pagkanta at biglang tumingin sakin. "Why, babe?"

"Bakit hindi mo binanggit sakin yung job offer sayo sa US?" Medyo naging seryoso ako.

"Ah wala 'yon. Di ko na talaga gusto tumuloy don before pa." Ngumiti sya.

"Di mo gusto ituloy, pero ready na daw lahat sabi ni tito? Kulang nalang eh yung umalis ka mismo. Ano yung totoong rason?" Nag-poker face ako.

Huminga sya ng malalim "Ayokong umalis."

"Pero babe, bakit? Sayang naman. Tsaka malaki sahod don! Mas makakapag-ipon ka pa. And I know gaano mo kamahal yung work mo." Hinawakan ko kamay nya.




"Pero mas mahal kita..." Tumitig sya sakin.

Nabigla ako sa sinabi nya. Then I realized, two months na rin pala kami. At eto yung unang beses na may nagbitaw samin ng mga salitang "mahal kita".

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon