Chapter 13:

92 9 14
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]






[Your POV]

Almost 7:30 am na rin nung nakarating kami dito sa may campsite. Ang ganda dito grabe! Ganitong oras palang super lamig na, I'm sure mas grabe yung lamig pag sa gabi.

Halos magkasunod lang yung dating ng sasakyan namin at sasakyan ng The Juans. Nilapitan namin sila agad nung pagkakita namin sakanila.

"Uy, ^^^^!!! Andito ka rin pala!" Naexcite si Japs na parang bata nung nakita nya ko kaya niyakap ko sya.

Actually, niyakap ko sila isa-isa.

"Buti sumama ka dito. Magiging masaya 'to." Ngumiti si Chael sakin. He looks surprised na andito ako.

"Oo magiging masaya talaga si Chael nyan hahahaha!" Tumawa si RJ samin, yung tawa nyang pang-asar.

"RJ, lapag nyo nalang gamit nyo dyan. Para di kayo mabigatan." Sabi ni Anna kay RJ. Obviously, nagpapacute sya sa crush nya.

"Uy hello, Anna! Sige sige ang bigat nga naman ng mga 'to." Ngumiti si RJ kay Anna and literal na namula yung friend ko ng mga oras na 'to.

Lumapit rin yung ibang youtubers sa amin ng The Juans just to break the ice and para makipag kilala na rin. Nakakatuwa lang dahil yung ilan sa mga youtubers na 'to eh Juanistas rin pala!

Maya-maya biglang nagsalita yung isang youtuber na si Kelly "Uy andyan na yung Magnus!" Tumingin sya sa direksyon kung saan sila nanggagaling.

And nakita namin sila sa malayo habang naglalakad palapit dito. Hinanap agad ng mga mata ko si David. And yes, nakita ko nga sya. May pasan-pasan syang babae. Wow, ang sweet naman. Love team ng taon!

"Uy grabe pasan ni David si Nikki oh." Bulong nung isang youtuber sa katabi nya. Nakakaloka yung bulungan nila ha. Ang lakas!

"Balita ko may something daw sila dati eh. May nakakita sakanila magkasama non! Baka nagkabalikan lang? Swerte naman ni Nikki!" Dagdag nya.

"Hala bagay nga sila! Ramdam mong may something parin eh no?" Sabi nung katabi nya.

UHMMM OKAY? Wait, parang nag-init buong katawan ko bigla ha.

Nagkatinginan kami saglit ni David, pero buti nalang kinuha agad ni Chael yung atensyon ko. Ang awkward kasi ng titigan na yon.

"Dalawa yung jacket na dinala ko. Pag super nilamig ka mamayang gabi, let me know." Sabi ni Chael at ngumiti sya sakin.

Hinimas naman ni Gel yung likod ko then bumulong sya sakin "I'm sure may kwento yan kung bakit pasan nya yan!"

"Huh? Wala naman akong pake, bes." Sabi ko sakanya.

Lumipas yung ilang minuto, nagbunutan kaming lahat para malaman kung sino yung magkakagrupo. Napunta si David sa Blue team kasama yung Nikki. Ang saya nung babae na magkasama sila. Niyakap nya pa talaga si David sa harap ko ha?

"Red team! Feeling ko si Chael dapat tumayong team captain natin eh. Okay ba 'yon?" Tanong ni Japs. Lahat naman kami umagree.

Nagready nga ng maraming games yung host para samin. Ang unang nilaro namin eh yung Calamansi Relay. Napakabilis ng lahat ng members ng Yellow Team kaya naman sila yung nanalo dahil sila yung may pinakamaikling oras na nakatapos. Grabe yung saya nila Kuya Carl, Kuya Josh, pati narin ni Rey at Rajih. Nagyakapan talaga sila eh!

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon