Chapter 23:

102 6 7
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]





[Narrator's POV]

Pagod si Trish galing sa work nya, medyo nagtatampo sya sa boyfriend nyang si David dahil bigla-bigla nalang 'tong nagdahilan na hindi nya masusundo si Trish.

Pagkapasok nya ng gate nila, nagulat sya dahil nakita nyang naka-park yung sasakyan ni David sa garage nila.

"What? Andito sya?" Sabi ni Trish.

Agad-agad syang pumasok sa bahay nila, binati nya muna yung daddy nya na nakaupo sa sala. "Dad, bakit andito sasakyan ni David?" Sobrang nagtataka parin si Trish.

"Punta ka ng kusina." Turo ng daddy ni Trish.

Kaya naman pumunta si Trish ng kitchen nila, naabutan nyang nagluluto si David at yung mommy nya. Napangiti sya ng makita 'to.

Bigla syang nakita ng mommy nya na nakatayo lang don "Oh anak, andito kana pala!"

Nagulat rin si David sakanya. "Nako! Wait lang ha, patapos na 'tong niluluto namin ni tita." Sabi niya habang hinahalo yung sauce ng pesto sa may pasta.

"Ano meron???" Sobrang clueless si Trish.

"Wala naman, gusto ka lang daw lutuan ni Daboy kaya nagpatulong sya sakin na lutuin 'tong pesto na super favorite mo." Sabi ng mommy nya.

Napasmile ng malaki si Trish.

"Babe, palit ka muna ng pang-bahay mo. Then, pagbaba mo dito ready na 'to promise." Nginitian sya ni David.

Niready ni David yung table habang nagbibihis yung girlfriend nya, pagkabalik ni Trish, pinagsilbihan nya 'to. Sobrang naappreciate ni Trish 'to dahil first time yung ganitong effort ni David para sakanya.

Tumambay sila sa balcony pagkatapos nilang kumain dahil favorite spot ni Trish 'yon ng bahay nila.

"Babe, sobrang thank you sa effort mo ha?" Hinawakan ni Trish yung kamay ni David.

"Walang-wala naman yung ginawa ko na 'yon compared sa lahat ng sacrifices mo para sakin, samin ng MH." Ngumiti sya kay Trish.

"Hmm, ginagawa mo lang ba lahat ng 'to kasi alam mong mahal kita? Kumbaga, gusto mo lang ibalik sakin mga efforts ko para sayo?" Seryosong tanong ni Trish.

Pero agad-agad nya rin sinundan yung sinabi nya. "Sorry, babe. No, you don't need to answer that pala. Diba sabi ko naman sayo? Di mo naman kailangan na mahalin rin ako agad pabalik dahil lang sa mahal kita. Di ka rin required ibalik lahat ng efforts ko for you."


Tumahimik ng ilang segundo si David.

Napaisip si Trish kung ano yung tumatakbo sa isip nya. Kinakabahan rin sya dahil hindi nya mabasa kung ano nararamdaman ng boyfriend nya nung mga oras na 'yon.

Kinuha ni David yung kamay nya, at biglang hinalikan 'to. Napasmile si Trish sa ginawa nya.








"I love you, Trisha." Sabi ni David habang nakatingin 'to sakanya ng diretso.

Napangiti ng sobrang laki si Trish ng marinig nya 'to galing kay David. Ayun kasi yung mga salitang pinakahihintay nya sa lahat, yung malaman nyang mahal na rin sya ng taong mahal nya.

"I love you too, babe!" Mangiyak-ngiyak nyang sinabi pabalik.





[Chael's POV]

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon