Chapter 20:

111 10 8
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]





[Your POV]

Sumama ako sa gig ng The Juans somewhere in Bulacan. Syempre gusto ko magpaka-supportive girlfriend kay Chael. Sa lahat ba naman ng efforts na ginagawa nya for me, sa ganito lang ako nakakabawi.

Andito kami sa may backstage ngayon since hindi pa sila tumutugtog. Hawak-hawak ko yung bottled water nya.

"Dun ka sa may harap pumwesto mamaya ah? Gusto ko yung makikita kita agad." Ngumiti sya sakin.

"Aba syempre naman! Number 1 fan mo kaya ako?" Nag-pout ako ng konti para magpacute.

"No! You're my bebi." Nahihiya nyang sinabi. Medyo pabulong pa nga.

"Bebi talaga? Hindi baby?" Napataas yung dalawang kilay ko.

"May explanation kasi yan!" He laughed.

"Ano?" I asked.

"Bebi, dahil, you're my BEst Blessing Indeed!" Then he pinched my nose.

"Sige, from now on, Bebi na rin tawag ko sayo." I giggled. Para kaming HS na magboyfriend at girlfriend. Lol.

Actually that moment, nasa gilid lang namin sila Kuya Carl. "Yung Bebi na yan, kagabi pa pinag-iisipan ni Chael yan eh hahahaha!" Nakisali si Kuya Josh.

"Bakit mo naman pinapahiya si Chael sa harap ng girlfriend? Wag ganon! Dapat pag tayo-tayo lang." Umakbay si Kuya Carl kay Chael.

Then, nagtawanan kaming lahat. Maya-maya, sinabihan na silang magready na dahil magpeperform na sila in 15 minutes. Kaya naman nagpaalam nako sakanila para makapwesto ako sa harapan.

Nung nakahanap nako ng magandang pwesto, may ilang mga Juanistas na nag-approach sakin. "Hi, ate ^^^^! Pwede po magpapicture?"

"Sure! Tara." Nagsmile ako sakanila then nag-pose for a photo.

Yung relationship ko with Chael? Honestly, we decided to keep it lowkey. It's like, we're not denying nor confirming things. Gusto kasi namin tahimik lang. Pero I'm sure, marami na rin nag-aassume ng about samin dahil nakikita nila kami somewhere together. Pero ayun nga, hinahayaan lang namin sila kung ano yung gusto nila isipin kung ano talaga meron samin.

After ng ilang minuto, nag-appear na sa stage yung The Juans. Tinignan ko si Chael, nililibot nya yung mata nya sa crowd. He's obviously looking for me. Kaya naman nung nakita na nya 'ko, he smiled at me.

Isang buwan na nakakalipas since I said yes, pero I still can't believe na boyfriend ko na ngayon yung bassist ng The Juans!!!

Napakaganda ng ngiti ng mahal ko.

Napakaganda ng ngiti ng mahal ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon