Chapter 24:

109 10 15
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]





[Narrator's POV]

May collab ang The Juans at Magnus Haven! Sobrang daming Juanistas at Magnus Angels ang naghahantay na magsama ang dalawang banda na 'to. Sa susunod na buwan nila ire-release yung kanta na magpapa-ibig at mananakit nanaman sa mga makikinig nito.

Sa ngayon, may shooting ang The Juans Team at Magnus Haven Team na gaganapin sa isang home for the aged somewhere in Manila para sa magiging MV ng ilalabas nila na kanta.

2:00 pm palang eh andon na sa venue yung MH Team. At bilang supportive na girlfriend, nagpunta rin si ^^^^ ng maaga para dalhan naman ng pagkain yung The Juans.

^^^^
"Bebi? Kakapasok ko lang dito sa home for the aged. May dala akong pizza para sa inyo!"

Chael
"Hala andyan kana agad, bebi? Kakaalis lang namin dito sa bahay nila Carl eh. Nagkaproblema lang kasi. Pero 4pm pa naman start ng shoot."

^^^^
"Ganon ba? Hmm okay sige. Magstay nalang ako dito. Hantayin ko kayo. I'll pray for your safe travel!"

Chael
"Thank you! See you later, bebi! I love you!"

^^^^
"I love you too!"

Pagkarating ni ^^^^ ng hall, nagulat sya dahil nakita nya yung Magnus Haven don na nakaupo. Nilapitan sya agad ni David.

"Hello." Nagsmile si David.

"Hi." Nagsmile rin siya pabalik.

"Wow! Buti pa si ^^^^ may pa-pizza sa The Juans. Sana naman David, si Trish meron ring dala para satin. Hahahaha joke!" Sabi ni Rey habang nakatingin sa dala nyang pizza.

"Meron 'yong dala for sure! Wait, asan na ba girlpren mo, Vid?" Tanong ni Rajih.

"May dinaanan lang daw sya. Pero pupunta rin 'yon agad dito pagkatapos nya don." Sagot ni David.

Niyaya siya nila Louise na umupo muna don kasama sila habang naghahantay. Pero etong si Raj eh sobrang nabobored na, kaya naman bigla syang nagsalita "Tara libot muna tayo!" Yaya nya sa kanila.

"Ayoko, iidlip nalang muna ako dito sa tabi ni Sean. Tignan mo tulog na tulog na yung leader natin oh!" Sabi ni Rey, umusog sya banda sa gilid ni Sean na medyo humihilik na.

"Ikaw, Wis?" Tumingin si Raj kay Louise.

"Magnenetflix nalang ako dito, pre." Sabi ni Wis, sabay suot ng earphones sa mga tenga nya.

"Tara libot tayo?" Sabi ni ^^^^.

Napangiti si Raj sakanya. Napansin kasi ni ^^^^ na medyo nainis si Raj ng konti dahil tumanggi sila Rey at Louise sa yaya niya.

"Sama rin ako." Nauna ng tumayo si David.

Naglakad-lakad ng ilang minuto yung tatlo, hanggang sa may narinig silang malakas na tugtog na nanggagaling sa isang kwarto.

Nacurious sila kaya naman lumapit sila onti-onti doon sa kwarto. Naunang sumilip si Raj para malaman kung anong meron. Pagkadungaw nya, nakita nya yung mga matatanda na nagsasayawan.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon