Chapter 4:

159 7 4
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]



~FLASHBACK~

[Chael's POV]

Andito kami ngayon somewhere in Vito Cruz, Taft. Dito kasi kami nagshoot ng music video ng bagong song na irerelease namin next week! Past 9:00pm narin kami natapos. Carl decided na sa may condo nalang kami ni Direk matulog, then bukas ng morning kami uuwi pa-Bulacan.

Nagyaya si Carl na maglead ng devotion before kami matulog. Buti nalang nakapagshower na 'ko kaya pumunta na 'ko sa kwarto para humiga pagkatapos mag-part ni Carl ng Gospel.

Naabutan ko si RJ na naggigitara. Aba guluhin ko nga 'to! Hahahaha. Kaya ginawa ko, kumakanta ako ng wala sa tono habang tumutugtog sya.

"Quiet please!!!" Nag-sshhhh sya sakin.

"Magcellphone ka nalang dyan, Chael." Sabi nya. Natawa ako kasi seryoso si RJ sa paggigitara nung mga oras na 'yon.

Nagcellphone ako, nagtingin saglit sa may Instagram tsaka sa Twitter account ko. Sa sobrang pagmamahal samin ng mga Juanistas, madami kami narereceive na message requests from them araw-araw. Actually gusto namin replyan isa-isa kung pwede lang eh! Sobrang mahal nila kami. Kaya mahal na mahal rin namin sila.

Bigla ko naisipan na may iopen na message request. Honestly, di ko rin alam kung bakit sa lahat ng messages na andon eh ayun yung napili kong buksan? Bigla ko nalang talaga naisip.

Pagkabukas ko ng message, eto yung nakita ko.

I don't know her personally, pero may naramdaman ako nung nabasa ko yung message nya na 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



I don't know her personally, pero may naramdaman ako nung nabasa ko yung message nya na 'to. Bigla akong napabangon sa kama at nagmadali na kumuha ng pantalon. Hindi nako nag-isip pa. Nakita ko na nagulat sakin si RJ kaya napatigil sya sa paggigitara nya.

Pumasok ng kwarto si Carl at Japs at nakita nila na aligaga ako. "Oh saan ka pupunta?" Sabi ni Carl na kakaligo lang.

Inabot ko yung phone ko kay Carl at pinakita yung message. Nakibasa rin si Japs at RJ.

"Sigurado ka ba dyan? Baka mamaya prank lang yan ha. Alam mo na ngayon. We need to be careful." Sabi ni Japs. May point naman sya.

"Hindi ko rin talaga alam. Pero iba yung naramdaman ko nung nabasa ko yung message na yan. Parang tinouch ako ni Lord. Parang sinasabi nya na need ko talaga kausapin yung taong 'yon." Sabi ko habang nagsusuot ng pants.

"Okay sige, message that person. Tell her na pupunta tayo. Sasamahan kita." Sabi ni Carl. Naappreciate ko yung ginawa nya. Agad agad rin sya nagsuot ng shorts.

"Pero kanina pa yang message na yan. Andon pa kaya sya?" Tanong ni RJ.

"Bahala na. Dadalhin mo naman yung sasakyan, Carl. Diba?" Tumingin ako sakanya habang kinukuha ko sandals ko.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon