Chapter 8:

140 7 12
                                    

[Author's note//: Banggitin mo yung first name mo everytime na makikita mo 'to ^^^^ sa story.]



[Narrator's POV]

It's a Wednesday morning, ginising si ^^^^ ng mas maaga sa usual ng mama nya. "Anak, gumising kana dyan." Inalog-alog sya sa kama nya.

"Maaaa, wala naman akong class ng Wednesday. Gusto ko pa matulog." Nagtalukbong si ^^^^ ng kumot.

"Aba! Nagsabi ako sayo kagabi, may catering services tayo sa may Lipa today. Kaya maaga kami aalis ngayon. Bukas na 'ko makakauwi ng umaga. Ikaw na bahala dito sa bahay pati kay Ellie. Sunduin mo sya ng 4pm." Nilakasan ng mama nya yung boses nya dahil mukhang hindi pa siya totally gising.

"Osige na, ^^^^. Magtext ka nalang pag may kailangan kayo ha. Si Ellie, 4pm ha!!! Aalis na kami, need na namin bumyahe." Kiniss sya sa noo ng mama nya at tuluyan ng lumabas ng kwarto nya.

Maya-maya, narinig nalang nya na umalis na yung mga sasakyan nila. Inalis nya kumot nya at unti-onting dumilat. Nilalamig sya ng sobra.

"Hindi normal 'tong lamig na 'to." Sabi nya at kinapa nya yung noo nya. Medyo masama rin kasi talaga yung pakiramdam nya.

Tumayo sya ng kama nya at binuksan yung drawer nya kung saan nakalagay yung medicine kit. Kinuha nya yung digital thermometer para i-check yung body temperature nya.

"Shit. 38.6•c! Ang taas ng lagnat ko. Ano gagawin ko neto? Ubos na rin pala paracetamol namin." Namroblema sya at nag-isip dahil medyo nanghihina talaga sya kumilos.

Maya-maya nagring yung phone nya. Tumatawag pala si David.

Agad-agad nyang sinagot.

^^^^
"Hello, Davs?"

Medyo mas malumanay sa normal yung boses nya dahil masama nga pakiramdam nya.

David Galang
"Hi. Gusto ko lang tumawag para sabihin na kumakain ako ng takoyaki ngayon."

^^^^
"Wow! Thank you sa pang-iinggit ha."

David Galang
"Hahahaha. Bakit parang iba boses mo ngayon?"

^^^^
"Wala, medyo masama pakiramdam ko ngayon eh. Tapos umalis pa si mama dahil may catering services kami sa may Lipa."

David Galang
"Punta ako dyan! Samahan kita. Wala rin naman akong magawa dito eh."

^^^^
"Huh? Eh akala ko ba nasa Pampanga ka today?"

David Galang
"Wala, andito ako sa may QC ngayon. Bumyahe ako kagabi."

Nagsinungaling si David, dahil ang totoo, nasa Pampanga talaga sya nung mga oras na 'yon. Ayaw nya lang aminin na sasadyain nyang bumyahe galing Pampanga papuntang Manila para lang puntahan si ^^^^. Hindi sya nagdalawang isip.

^^^^
"Sige, sabihan mo nalang ako pag papunta kana. Subukan ko magluto. Medyo masama talaga pakiramdam ko eh."

David Galang
"No, wag kana kumilos. Hantayin mo nalang ako dyan."

Agad-agad naligo si David at nag-ayos. Nagdrive sya from Pampanga to Manila. Dumaan muna sya sa Domino's Pizza para mag order ng 2 boxes of pizza. Bumili rin sya ng takoyaki nung may nadaanan sya. At syempre, sa may Mercury Drug, para bumili ng gamot.

Pinagtagpo't tinadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon