Chapter Seven

21 0 0
                                    

Chapter seven

Midst

I wanted to ask Adam kung paano niya alam na dito ako nakatira. Wala naman ako sa sarili kanina kaya um-oo na lang ako.

Tahimik lang kaming pareho habang tinatahak ng sinasakyang motor ang sementeryo. Nakayakap ako sa kanyang likuran, isinantabi ko muna ang aking nararamdaman. He smells so good and manly. Ang lapad din ng kanyang likod at hirap na hirap pa akong pagabutin ang dalawang kamay kaya sa jacket na lang niya ako kumapit.

Pagkadating ay agad niyang tinanggal ang helmet sa akin. I was just staring at him and he was busy himself removing the helmet. Pagkatapos ng akin ay ‘yong kanya naman.

Tahimik ang buong lugar. Tumingala ako sa langit at parang nakikidalamhati. Nangingitim na ang kalangitan. Bago ko pa malingon si Adam ay nasa palapulsuhan ko na ang kanyang mga kamay. He smoothly walks beside me habang ang tingin ay nasa harapan namin.

Kunot ang kanyang noo hanggang sa marating namin ang puntod ni mommy. Parang ang tagal kong hindi siya nabisita.

WANDA ZELTA ALZATE

ADA

“Wife and Mother”

January 21, 1978 – February 14, 2006

Hindi ako umimik when he knows what way ang puntod ni mommy. It’s weird, yes pero dahil sa bigat na nararamdaman ko hindi ko na siya tinanong. Pakiramdam ko alam na niya ang nangyayari sa loob ng mansion. Parang kilala niya ako tapos wala akong ideya lalo pa’t hindi ko naman talaga siya kilala.

Sikat na basketball player sa CCA. Senior High School. Adam ang pangalan niya. Moody din. May lahi. Obviously, lahat ng observation ko ay mga bagay na sa panglabas lang makikita sa kanya.

“Hihintayin kita sa labas,” tumalikod na siya. Pinagmasdan ko ang likod niya hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Doon lang bumuhos ang mga luha ko.

“Mom, anong gagawin ko?”

Nagsisimula ng lumamig ang simoy ng hangin at kumukulog na rin ang kalangitan. Nagbabadya na ang buhos ng ulan.

“Mom, pagod na pagod na ako. Hindi ko na kaya ‘yong sakit.” Ilan pang mga sumbong ang binitawan ko ng magsimula ng bumuhos ang ulan. Hinayaan kong pumatak sa akin. I embrace myself from the cold pero wala namang naging silbi.

“Ayoko na po,” Nanginginig kong hayag pero isang mainit na bisig ang bumalot mula sa aking likuran. I was stunned at the same time shocked. Sa pabango at kung paano tumibok ang aking puso, it’s Adam.

Nanatili kaming gano’n hanggang unti unting humupa ang ulan. Ang sakit na ng dibdib ko. Ang hapdi na ng mata ko. Ang sakit na rin ng ulo ko. Pakiramdam ko ang hina ko at nakita pa ‘yon ni Adam. Nanliit ako bigla para sa aking sarili.

Bumitaw siya sa pagkakayakap at dahan dahan akong iniharap sa kanya. Nanatili naman akong nakayuko habang ang mga kamay ay nasa aking siko.

“Tara na. Nilalamig ka na,” Pareho kaming basa. Hinayaan kong tangayin niya ako hanggang sa pagsakay sa kanyang motor. Habang na sa daan ay pabalik balik ang kanyang kamay sa kamay kong nasa tiyan niya at sa hand grip. Habang nakasandal naman ang aking sintido sa kanyang likod.

Pakiramdam ko magkakasakit ako.

Bumaba kami sa isang bahay na maliit, simple at punong puno ng halaman sa bakuran. It has its fence surrounded by it. The exterior painting was light pink at ang bubong ay mas matingkad na pink. Tinanggal niya ang helmet na nasa ulo ko sunod naman ay ang kanya.

My senior, Adam (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon