Chapter Nineteen

16 0 0
                                    

Chapter nineteen

Caption

Kinabukasan ay maaga akong ginising ni Sky. “Mommy,” Saka niya iginulong gulong ang kanyang sarili sa ilalim ng kumot. Kinukusot ko naman ang aking kaliwang mata pero natigilan ng maalalang hindi ko pala inalis ang aking make up. Urgh!

Agad akong tumungo sa banyo at hindi nga ako nagkamali. Nagkalat ang aking eye shadow.

Sky called me again but I heard him approaching near the door. Nakapaa siya habang nakahawak sa hamba ng pintuan. Ang kanang paa ay nakapatong sa kaliwa niyang paa. Nakatitig siya sa akin. Nginitian ko naman siya saka nilapitan.

“Ihi ako,” Nguso niya saka diniretsyo ko siya sa bowl. Pagkatapos ay pinaupo ko siya sa sink. Naglikot naman siya roon pero hinayaan ko na lang. Inaabot niya ang deck mount. As I finished removing and cleansing my face ay nagtungo na kami sa baba.

Nagpre-prepare naman si Marie doon, kasama ang isang katulong. Sinuyod ko ang sala pero wala roon sila dad.

Inupo ko si Sky sa counter table ng kusina. “Mommy, tubeg.” Tumango ako sa kanya.

“Good morning, Sky.” Saka naman nilapitan ni Marie si Sky at bahagyang pinanggigilan ang pisngi. Sky giggles as I pour a water on his glass.

Binalingan ako ni Marie with her apologetic eyes. “I’m sorry about last night.” Nilapitan ko na si Sky saka inalalayan sa pag-inom. Umiling ako. Saglit binalingan si Sky na inuubos na ang laman ng baso.

“Nag-away kayo ni kuya?” Bahagya siyang tumawa saglit saka nagseryoso. Parang tama ang hula ko. Tumango siya makalaunan.

“Hindi ko naman siya masisisi. I am a party goer noong high school at college,” Tiningnan ko muna si Sky saka binuhat para ibaba na sa sahig. He’s really big on his age. Kailangan na rin niyang bilhan ng panibagong mga damit. Ang bilis niyang lumaki.

Nailing kong pinagmasdan siyang tumungo sa sala. Bitin na ang spiderman niyang pajama habang pinupunas niya ang sando sa kaniyang mukha. Tinitigan niya pa ito sandali saka kinuha ang basket ng laruan sa gilid ng sofa. Dahan dahan niya itong tinumba. He wiggles and giggles saka nagumpisa ng mamili sa mga laruan.

Nanatiling tahimik si kuya nang nagtawag ng kumain si Marie. I was suppressing my smile dahil halatang galit pa rin si kuya sa inasal ng isa kagabi.

Dad on his usual spot and tita too. Habang ang mag-asawa naman ay hindi magkatabi, nasa gitna si Amari, inaasikaso ni kuya.

Marie was trying to help pero pinupukaw ng isa ng masamang tingin. Napabalik lang ako sa ulirat ng umubo si Sky. Biglang namula ang kanyang mata miski ang ilong. I cursed under my breath saka tinutulungan siyang alisin ang bumara sa kanyang lalamunan.

Everyone panicked pero makalaunan ay natanggal naman iyon. Napahinga ako ng maluwag ng makita ang karneng hindi pa masyadong nangunguya. Ngumiti siya hiding the tense in himself. Natawa na lang din sila.

“Nguyaing mabuti, Sky.” Marahan kong bilin. Dumukwang siya sa kanyang plato at kumuha ulit ng isusubo. Nakatingin lang ako sa kanya at pinupunasan ang luhang naglandas sa kanyang pisngi. I kissed his head at kumain na rin.

“Magpapatayo ako ng branch ng Perfecto,” In between our desserts. Inayos ko ang upo ni Sky ng nangungulit siyang tumayo para dagdagan ang nasa plato niya. “Eat this first,” Umiling siya at nagsimula na namang sumimangot.

Pagod kong binalingan si dad at hinayaan na lang si Sky sa gusto. Ako rin lang naman ang kakain niyan mamaya.

“Saan, dad?” Muli kong tiningnan si Sky pero tulala na siya sa lamesa habang nakahalukipkip.

My senior, Adam (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon