Chapter Six

14 0 0
                                    

Chapter six

Advice

I told Adam to just take everything slow. I almost burst myself from laughing pero dahil kita ang seryoso sa kanya ay naudlot sa aking lalamunan ang paguyam. It was awkward and I embarrass myself that time.

Ang bilis naman kasi ng pangyayari. He asked me earlier if he could court me. I was shocked, of course. Who wouldn’t? The gap between us is not funny. How a man like him could want a child like me? I mean look at us.

Kilala siya sa university, katulad nila Peter na matinik sa babae and then suddenly the type of a girl na magugustuhan niya, e, ako? It is…really…funny!

I told him to think for a hundred times. Hindi biro ang sinasabi niya. I even awkwardly asked if it’s because the connection. I though he will laugh his ass out but I’m wrong. He too could feel the alien feeling.

“Hindi ako sa kung anong iniisip mo, Sendy.” That was his statement because of my doubts.

Love is really complicated. Ang hirap niyang pakiramdaman. Hindi mo alam kung excitement o true love na ba talaga ‘yon. What ifs are part of this game, doubts and possibilities. Bakit nga ba natin kinukulong ang sarili natin sa mga bagay na walang kasiguraduhan?

Hindi na ako nagpahatid sa kanya dahil ayaw kong malaman niya kung saan ako nakatira. I want to tell him the truth pero natatakot ako. Maybe because it is him who is different or itong pakiramdam na nararamdaman ko?

I read stuffs like this for a hundred times pero iba pala kapag sa totoong mundo mo na mararanasan, worst pa sa mga librong nababasa.

Halos kilabutan ako ng mula sa main door ay nakarinig ako ng sigaw mula sa loob ng mansion. I run myself in. Naabutan kong nasa sahig si tita Aura at dumudugo ang kanyang siko. I looked at the maids na takot at ninenerbyos na nakatanaw sa kanya.

“What’s happening?” Ang lahat ay napatingin sa akin, gulat ang halos lahat. Tiningnan ko ang mga maids, waiting for an answer but I could see in their eyes na humihingi sila ng tulong. Something’s not right here.

“Se-Sendy,” Muling napabaling ang aking nanlalaking mata sa babaeng pilit tinatayo ang sarili mula sa pagkakaupo sa sahig. I dimissed the maids by nodding them. Nagaalanganin man ngunit sumunod naman sila.

Yumuko ako saka siya inalalayan.

“What happened to you?” Parang nadagdagan ang pasa niya sa kanyang leeg, namumugto ang mga mata at magulo ang buhok. Her lips is dry and it was trembling. She’s wasted!

Kagat labi ko siyang tinulungan para maupo sa sala. Where the heck is everyone? Asaan ba si Lory?

“No-nothing,” masama ko siyang tiningnan. “I told you, if you want me to help you...help yourself too,” Lumunok siya at muling umiyak. Hinayaan ko na lamang siyang umiyak. I didn’t touch her or anything. Hindi ko talaga ugali ang mag-comfort.

Nagpaalam ako para ikuhanan siya ng tubig at pagbalik ko ay nakatulala na lamang siya sa kisame habang sinisinok.

Iniabot ko ang tubig at kahit nanginginig ang dalawang kamay niya ay inabot niya ito.

“I already arranged your schedule,” Dahan dahan siyang tumango. Tila nahimasmasan na kaunti.

“Sendy, natatakot na ako. Natatakot na ako para sa sarili ko,” Yumuko siya ng bahagya.

Tiningnan ko ang kanyang siko. The blood is slowly drying, hindi naman ganoon kalala ang sugat pero kailangang linisan. Kinuha ko ang first aid kit na nasa drawer dito sa sala saka hinawakan ang kanyang braso.

My senior, Adam (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon