Chapter Eleven

10 0 0
                                    

Chapter eleven

Home

Naunang dumating sila Zac sa bahay nila Adam. Hindi pa rin niya ako iniimikan kaya bago pa kami makapasok sa bahay nila ay agad kong hinawakan ang braso niya. Kunot noo naman niya akong nilingon. Sa tangkad niya ay halos mangalay ako sa kakatingala sa kanya.

I gestured him to lower a bit. May pagtataka man sa kanyang mga mata ay sumunod pa rin naman siya. Tumingkayad ako kaunti saka hinalikan siya sa gilid ng kanyang labi saka tiningnan ang kanyang reaksyon. Bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata ngunit tinago sa pamamagitan ng pagtikhim saka tumayo ng maayos.

Umiwas siya ng tingin saka pinaglandas ang malaki niyang kamay sa aking palad.

Sa ilalim ng araw ay sinilip ko siya at may multong ngiti siyang tinatago pero halata sa kanyang mga mata ang tuwa. Papasok na kami sa loob ng biglang nagsitakbuhan ang kanyang mga kaibigan sa sofa.

“Ang init, Lui.” Habang tinututok ni Zac ang kanyang mukha sa electric fan.

“Oo nga e. Wala naman tayong nakita kanina e,” Nasapak naman ni Zac si Lui at bahagyang minura pa ito. Napakagat na naman ako sa ibabang bahagi ng aking labi saka mahigpit na napahawak sa kamay ni Adam.

Umiiling naman si Aaron, nakahalukipkip habang nasa tv ang mga mata.

Mukhang nakita nila ang ginawa ko kanina.

“Dito ka muna,” Tumango na lang ako sa kanya saka nagaalanganing tumabi kay Aaron.

Paupo pa lang ako ng biglang magsisigaw si Zac habang nasa ere ang mga palad.

“Oops! Dito ka,” Tumayo siya at sinenyasan akong magpalit kami. Nagtataka man ngunit tumayo na lang ako. Alanganin siyang tumawa saka tinuro ang electric fan.

“Para hindi ka mainitan,” Tumatangong saad niya na para bang sa sarili niya ito sinasabi. I find it weird kaya naman nginitian ko siya. He dramatically placed his hands right against his chest.

“Mahabaging burnik!” Pigil tawa naman ako sa sinabi niya kahit hindi ko naintindihan because the way he said it was he truly mean it. Dinig ko ang pagbukas ng pinto pero binalewala ko ito. Adam went to their kitchen at dahil sa kuryusidad ay tinanong ko si Zac.

“Ano ‘yong burnik?” Isang mahabang katahimikan, tiningnan ko pa si Adam na nakatulala sa akin. Inisa isa ko silang tiningnan. They are shocked at halos laglag panga naman si Zac samantalang si Lui at Aaron naman ay nagpipigil na ngayon ng tawa.

Before I knew it I was biting my lips sa sobrang kahihiyan nang tumawa na ang tatlo especially Zac. He was holding his stomach. Tiningnan ko naman muli si Adam para sana manghingi ng tulong pero pati siya ay tumatawa rin. Ngumuso naman ako saka tinuon ang mata sat v.

Is it bad to ask?

Hindi ko sila pinansin hanggang dumating ang mga orders nilang pagkain, ambagan sila at nong nagaabot naman ako ng pera ay hindi nila tinanggap. Mas lalo tuloy akong napasimangot.

Ngayon lang kasi sila nag-order dati dati kasi ay si tita Florence, ang mama ni Adam, ang nagluluto pero parang wala siya ngayon. Bigla ko namang naalala ang kahapon. She was with Bless’ dad.

Nagkukwentuhan sila habang ako naman ay nakatutok lang sa pinapanood na discovery channel. I was amazed how the elephant do their rituals on their ancestor’s bone. Dito na ako sa sala kumain habang sila naman ay doon sa dining.

Pagkatapos kong uminom ng tubig ay wala sa sarili akong lumingon sa kusina at napasinghap ako sa gulat ng nasa likod lang si Adam nakaupo sa isang upuan galing sa upuan ng dining table nila. Kunot ang noo habang nakahalukipkip.

My senior, Adam (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon