Chapter Twelve

6 0 0
                                    

Rated SPG :p

Chapter twelve

Love

Mariin kong pinikit ang aking mga mata. Nanginginig ang aking balikat at tiyan sa pagpipigil sa paghagulhol. Hindi gaanong maalinsangan ang panahon ngayon at tila napapalibutan ako ng ingay galing sa mga insekto dito lang sa sementeryo.

Happy birthday, mommy.

I bought a cake before I came here. Gusto man akong samahan ni Adam but I refused, I need privacy with mom. I need to tell her things I used to, noong wala pa siya, noong ako lang mag-isa. I covered my mouth ng hindi ko na mapigilan ang aking pananangis.

Ang bigat, mommy. Kunin mo na lang kaya ako? Ang hirap pong mag-isa.

Meron nga akong masasandalan, si Adam, pero hindi ko naman masabi ang totoo sa kanya. We seem like a stranger’s kahit pa na sinagot ko naman na siya. We did stuffs like a normal couple pero parang iba, parang may kulang.

Iminulat ko ang aking mga mata saka marahang pinunas ang likod ng aking palad sa aking basa ng pisngi. Huminga akong malalim para maluwagan ang aking dibdib.

Akala ko sa isang relasyon, open kayo sa lahat pero hindi naman pala madali magsabi ng totoo mas lalo kung ikakasira at ikakawasak niyo ‘yon ng pareho.

Mommy, sanay naman na akong magkimkim.

Sanay na akong bigyang solusyon ang problema mag-isa kakayanin ko naman.

Tulala ako sa kanyang puntod habang tinatangay ng hangin ang mumunting apoy hanggang sa tuluyan ng mahipan. Sa gilid ng cake ay ang tatlong dilaw na tulipan. Her favourite kind of a flower na naaalala kong sambit ng mayordoma noon.

Nanatili muna ako roon hanggang mapagpasyahang umalis na. Papalabas ako ng sementeryo ng maaninagan ang pamilyar na motor.

Nandito si Adam?

Luminga linga ako sa aking paligid pero hindi ko siya mahagilap. Bago pa ako makalingon ay may mga daliri na dumaosdos sa aking palad patungo sa aking mga daliri.

Ang kabang nararamdaman at pighati ay unti unting napukaw ng masilayan ko na siya. He was looking at me kaya naman nginitian ko siya kahit malungkot. Bumuntong hininga siya saka inabot ng isa niyang kamay ang aking ulo at hinagkan ako sa aking buhok.

Adam, I’m so sorry.

“Kanina ka pa dumating?” Pagkatapos kong mag-order through landline sa isang favourite na restaurant ni Adam ay binalingan ko siya ng tingin habang nakaupo sa sofa at kanina pa ako tinititigan.

Hindi naman ako mawawala pero sa paraan ng kanyang mga titig seems like he’s afraid I might teleport somewhere.

“Saan?” Umupo na ako sa tabi niya. Tinukod naman niya ang kanyang siko sa sandalan ng sofa saka ulit ako tinitigan ngunit ngayon ay may bahid ng pagtataka.

“Sa puntod ni mommy.” I stared back at him. He licked his lower lip saka bahagyang tumango. I nodded too and looked away.

“I wanted to greet her but her daughter doesn’t want me to,” Napabaling naman ako sa tinuran niya.

“Hey.” Marahan kong depensa. He chuckled and stood himself up. Inayos niya muna ang kanyang t-shirt saka nagtungo sa kusina.

Dumating kami dito kanina na walang tao, according to him may dinaluhan daw na reunion si tita Florence sa Bagong Capitol kaya siya wala ngayon.

When our orders came ay kumain na kami and after, we did some cuddle and kisses.

May dalaw kasi ako kaya hindi makaisa ang katabi ko. I chuckled as he pouted his lips while staring at the tv. I am dead serious. Kinuha ko pa ang kamay niya saka tinapat sa aking ibaba pero hinalikan niya lang ako.

My senior, Adam (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon