Chapter Seventeen

17 0 0
                                    

Chapter seventeen

Sky

“Mistakes are lesson to be learned, Sendy not to give up.” Naalala ko pa ang mga katagang binitawan ni dad pagkatapos malamang nagdadalang tao ako ng gabing iyon.

Gusto ko mang maiyak dahil sa disappointment para sa sarili pero hindi ako hinayaan ni dad. “I am your father, Sendy and I won’t let you suffer by yourself. I don't want you to suffer again...alone.”

I fainted that night sakto naman ang pagdating ni dad mula sa puntod ni mommy. He was worried as hell dahilan para dalhin agad ako sa malapit na ospital. Pagkagising at pagkagising ko ay agad na binalitang buntis ako. It’s been month since I and Adam made love.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Paano ang pag-aaral ko? Paano ako? Kaya ko ba? Am I going to provide the baby’s need? Andami kong tanong at andami kong pangamba but looking at myself right now, nakaya ko.

Sky brought back the happiness inside our house. Dad decided to stay in Sofres, timog bahagi ng Bagong Capitol. Dito na kami nanirahan, dito na rin ako nagpatuloy sa pag-aaral. Wala man gaanong kaibigan o kakilala ay ayos lang. I was home schooled my whole life in senior high.

Ang sabi ni dad ay para mabantayan ko si Sky kaya naman pumayag ako.

I love Sky more than anything in this world. I can’t supress the feeling of joy inside my chest. Sky brought us back from dead. He is a blessing. I couldn’t stop praying every night. Thanking how lucky I am to have Sky in my new beginning.

Mahirap man noong una pero nawawala kung nakikita ko na si Sky sa aking mga bisig.

College was difficult. Hindi ako sanay na wala lagi sa aking tabi si Sky pero makalaunan ay nasanay naman ako. Pero hindi ko pa rin maipagkakaila ang pangungulila. Mas lalo na kung tinatawagan ako ng yaya niya na nilalagnat siya o kung may mga bagay na ako lang ang makakapagpawala sa sakit na nararamdaman niya. Kahit pa nasa kalagitnaan ng klase ay nagpapaalam ako. Mapuntahan siya.

Sky gave me the reason of all to continue what I had started.

Hindi nagsawa kailanman si dad na alalayan ako, mula pagkapanganak hanggang ngayon na malaki na si Sky.

I was hesitant at first ng malamang may balak na mag-asawa ulit si dad but then he assured me na hindi na mauulit ang nangyari noon.

I asked him kung nakwento na niya iyon sa kanyang mapapangasawa tumango naman si dad, tanggap siya ng babae. I was greatful by then, mas lalo ng makitang may anak si tita Alicia na halos dalawang taon din ang tanda sa akin at may pamilya na. May makakalaro na si Sky na bata at hindi na rin kami mag-iisa ni dad.

Hindi gaanong matao ang piniling tirhan ni dad dahil na rin malapit sa dagat pero mostly ay nasa bayan kami para doon magpalipas ng araw.

Tulog pa si Sky at hinahawi ko ang kanyang magulong buhok palayo sa kanyang noo. Nakaawang ng bahagya ang kaniyang maliit na labi kaya naman hinalikan ko ito. Nakakagigil! Amoy gatas.

Sky is Adam’s mini resemblance. Sobrang xerox copy. Ang lakas din ng dugo ng lalaking iyon. I was the one carrying him for nine months but most of the features and appearance ay sa kaniya minana.

Siguro nga tama sila, kung sino ang nag-enjoy siya ang mas kamukha. Napailing na lang ako sa naiisip.

Bukas ang biyahe namin pabalik sa Astera and I was scared na makita ni Adam si Sky.

Wala naman akong problema sa mga kaibigan ko dahil alam na nila ang tungkol kay Sky. Ang kinakabahala ko lang ay ang pagkikita namin, hindi pa ako handa.

My senior, Adam (#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon